00:37

132 10 0
                                    
scheol @bosscheol • 1m

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

scheol @bosscheol • 1m

piano lesson @yoonhan ❤️

piano lesson @yoonhan ❤️

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

🗨️ 536 🔃 643 ♥️ 973

----------------

hui @wenjun • 1m

mahal naligo naman ako bakit ka amoy nang amoy 🙄

young @kwonsoons • 1m

wavyu vobohuuuu ❤️

🗨️ 536 🔃 643 ♥️ 973

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

🗨️ 536 🔃 643 ♥️ 973

----------------

boo @booskwan • 1m

di naman kame magjowa gusto ko lang din magpost

"Tss maghihiwalay din kayo lahat." Pabirong sabi ni Mingyu. Ibinulsa niya ang cellphone niya at patuloy na naglakad papunta sa building nila.

Onsite siya ngayon sa trabaho at may photoshoot ulit sila.

Pagpasok niya ng building ay pinagtitinginan na siya ng mga tao. Ganun naman sila lagi. Bihira lang kasi mag onsite si Mingyu kaya di pa din sila sanay na makita siya.

"Hi!" Napalingon siya sa tumawag sa kanya. It was Eunha. Yung model niya nung nakaraan. "Ngayon lang kita nakita ulit!" Dagdag niya.

"Oo sa bahay kasi yung office ko. Dun ko ginagawa lahat para mas komportable." Ayaw na sana makipagchikahan ni Mingyu dahil may gagawin pa siya pero ayaw naman niya maging rude.

"May shoot ka today?"

"Meron. Ikaw?"

"Wala. May inasikaso lang. Anyway, are you free later, kain lang?"

Napaisip si Mingyu, wala naman sigurong masama kung kumain siya kasama siya.

At siaka, wala naman na siyang pag asa pa dun sa user Onewoo.

"Sige. Let's meet later after ng shoot."

Napangiti ng malawak ang babae. Ilang araw na kasi nitong tinetext si Mingyu pero hindi siya nagrereply dahil hindi naman siya interesado, at isa pa, busy siya mag emote sa crush niyang hindi siya crush.

Pagkatapos ng schedule ni Mingyu ay lumabas nga sila para kumain ni Eunha sa isang restaurant malapit sa company nila.

Masarap ang pagkain at naaliw naman si Mingyu na kasama siya, bukod sa masaya siyang kausap ay madami din siyang kwento. Hindi na inalala ni Mingyu ang oras dahil wala din naman siyang ibang gagawin.

Habang masaya silang nagkukwentuhan ay napalingon si Mingyu sa pintuan ng restaurant at nakita niyang pumasok si Seokmin. Tatawagin niya sana ito pero biglang bumilis ang tibok ng puso niya nang makita niya kung sino ang kasama niya. Si user Onewoo.

Nawala sa focus si Mingyu sa pakikipag usap kay Eunha at pinanuod niya lang ang dalawa, umupo sila sa hindi kalayuan at hindi napapansin si Mingyu.

Habang tinititigan niya sila ay napansin niyang masiadong maalaga si Seokmin sa binatang kasama niya.

Lahat nalang ay siya ang gumagawa, pag order ng pagkain, pakikipag usap sa waiter at kung ano ano pa. Habang si user Onewoo ay tahimik lang na pinapanuod ang ginagawa ni Seokmin, minsan ay ngingiti siya kapag kaharap na ang ibang tao.

At parang gustong kumawala ng puso si Mingyu mula sa dibdib niya dahil yun ang pinakamagandang ngiti para sa kanya.

Lumipas pa ang ilang minuto at pinapanuod niya pa din ang dalawa, si Eunha naman ay patuloy lang sa pag kukwento habang nagpapanggap si Mingyu na nakikinig.

Pinagmasdan ni Mingyu nang maigi ang galaw nila Seokmin, nagtataka siya dahil never nagsasalita ang kasama niya. Nacurious tuloy siya. Hanggang nakita niyang inangat ni Seokmin ang mga kamay niya at may ginawang mga signs na tila ba may pinapaliwanag siya sa binata.

He's using sign language....

Earphones - MINWONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon