00:18

112 7 0
                                    

Agad na nagpack up si Mingyu pagkatapos ng shoot nila. Pinilit talaga niyang matapos agad ang shoot dahil may gusto siyang puntahan.

Pagkalabas ni Mingyu ng set ay sinalubong siya ni Eunha. Ang model niya for today.

"Thank you for today!" Sabi nito sa kanya na may malapad na ngiti.

"You're welcome. You did great today." Sa totoo lang ay wala nang time si Mingyu na makipagtsismisan pa dahil nagmamadali talaga siya pero ayaw naman niya magmukang rude sa mga nagiging katrabaho niya.

"Uhmm.. I hope makatrabaho ulit kita."

"Yeah. Sana nga hindi ito ang huli." Alam na ni Mingyu ang mga susunod na mangyayari kaya gusto na niyang tapusin agad ang usapan. "Sige alis na ko ah? Nagmamadali kasi ako."

Paalis na sana si Mingyu nang harangan siya ni Eunha. "Can you atleast give me your number?" Tanong nito.

At ayun na nga. Ganitong ganito ang mga model na nakakatrabaho niya. Wala naman masama if they want to befriend him pero ang ibang models kasi ay kinukulit siya to have a date with him. Which is hindi niya matanggihan kahit ayaw niya.

"Uhmmm... Okay.. Pero busy ako madalas so I can't promise to keep in touch ha." He said at inabot na nga ni Eunha ang cellphone niya. Pagkatapos ilagay ni Mingyu ang number niya eh ibinalik niya din to agad sa kanya.

Mingyu finds her pretty and nice pero he's really not interested with anyone else right now except for that guy na lagi niyang pinupuntahan sa park. Ayaw niyang umasa ito sa kanya.

At tuluyan na ngang umalis si Mingyu. Hindi naman na siya pinigilan ni Eunha dahil nakuha na nito ang gusto niya. Sana lang ay hindi siya mangulit gaya ng iba.

Sumakay si Mingyu sa kotse niya at dumiretso na sa kanina pa niya gustong puntahan.

Halos tumakbo na si Mingyu papunta sa pond dahil sa pagmamadali. Baka hindi niya kasi siya maabutan.

Nangmakarating siya sa pond ay walang mga nakaupo sa bench malapit dito.

Para siyang binagsakan ng langit at lupa. Sobrang bilis niya magdrive kanina at halos tumakbo pa siya papunta dito pero wala siyang nadatnan na taong gusto niya makita.

Walang nagawa si Mingyu kundi umupo nalang sa bench kung saan siya lagi umuupo.

Napabuntong hininga siya. Nafufrustrate siya. Hindi niya alam bakit ganito siya ka eager na makita ang binata na yon. Pakiramdam niya ay hindi siya makahinga kapag hindi niya nasisilayan ang binata.

Pero tulad ng lagi niyang naiisip, panigurado ay magkikita pa sila ulit. At hindi na niya palalagpasin ang pagkakataon para kausapin siya.

Earphones - MINWONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon