00:54

158 5 0
                                    

Nagpaikot ikot muna si Mingyu sa kama niya. Hindi siya nakatulog maayos kagabi kakaisip kay Wonwoo kaya ngayon ay tinatamad siyang bumangon.

Hindi mawala sa isip niya na baka crush nga ni Wonwoo si Jeonghan. Hindi naman malayong mangyari yon dahil nagiging close sila. At isa pa, hindi naman maitatanggi ni Mingyu na gwapo talaga ang kuya Jeonghan nila. Halos lahat ay naaattract sa kanya.

Pero naiisip din niya na wala din naman pag asa si Wonwoo kay Jeonghan dahil hindi naman siya hahayaan ni Seungcheol. Hindi nga mapaglayo ang dalawa na yun.

Napahilamos si Mingyu ng mukha, iniisip niya palang na may ibang gusto si Wonwoo ay parang hindi niya talaga kakayanin.

Tumayo siya at tumingin sa salamin. Hindi naman siya panget, halos lahat din naman ay naaattract sa kanya. Madaming may gusto sa kanya sa office nila pati mga model na nakakatrabaho niya. Pero naiinis pa din siya. Bakit kung sino pa yung crush niya yun pa yung ayaw siyang pansinin.

Dumiretso na si Mingyu sa banyo para maligo. Lalabas siya para magkape at aliw aliw. Kapag nag stay siya sa bahay ay mababaliw lang siya kakaisip. Mamaya nalang niya gagawin yung mga pending niyang trabaho.

Pagkatapos maligo ay nagbihis siya ng casual lang. Ayaw niya mag effort masiado dahil tinatamad siya.

Paglabas niya ng condo ay dumiretso siya sa park. Naaalala niya nung di pa niya kilala si Wonwoo. Tinititigan niya lang ito habang nagbabasa ng libro hanggang sa umalis na.

Namiss niya bigla si Wonwoo. Naisip niya tuloy kung anong ginagawa nito. Marahil ay naglalaro. Gusto niyang ichat siya pero nahihiya siya. At isa pa, nagseselos pa din siya.

Para siyang jowa kung magselos pero hindi naman sila.

Humigop si Mingyu sa kape niya at napalingon sa di kalayuan.

Si Wonwoo.

Naglalakad siya at suot pa din ang earphones niya. Naisip tuloy ni Mingyu bakit ba lagi siyang may suot non knowing his condition.

Pinanuod niya itong maglakad papasok sa cafe. Bumili ito ng kape, nang matapos ito ay napansin ni Mingyu na uupo ito sa bench malapit sa kanya kaya nagpanic siya. Di niya pa ata kaya harapin si Wonwoo.

Aalis na sana siya nang makita niyang lumingon sa kanya si Wonwoo.

Shit. Nahuli ako.

Umayos nalang siya ng upo at umaktong kalmado.

Nakarating na nga si Wonwoo sa tabi niyang bench. Umupo ito nang hindi pinapansin si Mingyu.

Napa-pout si Mingyu.

Sungit talaga.

Gustong gumawa ng move ni Mingyu. Gusto niyang subukan na lumapit sa kanya.

Ngayon ay nag iisip na siya ng paraan. Hindi niya kasi alam pano ito kakausapin dahil hindi pa siya nakakapag aral ng sign language.

Pero bahala na. Tumayo si Mingyu at nang palapit na siya dito ay napahinto siya nang nakita niyang may lumapit kay Wonwoo. Dalawang babae.

Napatingin si Wonwoo sa kanila nang nagtataka.

Pinanuod ni Mingyu kung paano kiligin ang dalawang dalaga sa harap ni Wonwoo.

Tss. Ano ba sa tingin nila ginagawa nila?

Nahalata ni Mingyu na naiilang si Wonwoo. Siya nga hindi niya magawang maistorbo si Wonwoo kapag nagbabasa ito tapos itong dalawa ay lalapitan siya.

Hindi maikaila ni Mingyu na nagseselos siya.

Kinakausap ng dalawang babae si Wonwoo pero hindi sila maintindihan nito. Hindi na nakatiis si Mingyu. Kaylangan na niya gumawa ng paraan.

Lumapit si Mingyu sa kanila at pumagitna.

Nakaharap si Mingyu sa dalawang dalaga at halatang halata niyang nagulat ang dalawang dalaga. Si Wonwoo naman ay nasa likuran niya at nagulat din habang nakatingin kay Mingyu.

Para tuloy si Mingyu na isang malaking pader na pinoprotektahan si Wonwoo.

Sa isip naman ni Wonwoo ay parang pamilyar ang eksanang ito. Ganito din yung nangyari sa bar noong nagkita sila ni Mingyu nang may lumapit sa kanyang babae.

"May kailangan ba kayo?" Tanong ni Mingyu sa dalawang dalaga.

Mabait ang pagkakasabi ni Mingyu pero mahahalata sa mukha niya na naiinis siya.

"U-Uh.." Hindi makapag salita ang dalawa at nagtinginan muna. "We're just asking for his name-"

"Sorry. Hindi kasi siya interesado."

Tiningnan ni Mingyu si Wonwoo at nakita niyang naguguluhan ito sa mga nangyayari.

"He's dating me."

Lalong nanglaki ang mga mata ng babae sa gulat at biglang nagbow ang mga ito at nagsorry.

Kumaripas sila papalayo dahil sa kahihiyan at pinagmasdan lang sila nila Mingyu at Wonwoo.

Pagharap ni Mingyu kay Wonwoo ay nakita niyang walang kamuwang muwang ito sa sinabi niya.

He's dating me.

Wala manlang clue si Wonwoo na cinlaim na pala siya ng taong nasa harapan niya.

Natatawa si Mingyu sa loob loob niya pero at the same time ay natatakot, pano kung malaman ni Seokmin ang sinabi niya. Malamang ay magaalburoto ito.

Kinuha ni Mingyu ang cellphone niya at may tinype.

"Are you okay?"

Binasa ito ni Wonwoo at tumango habang nagtataka pa din.

Maya maya pa naramdaman ni Wonwoo na nagvibrate ang cellphone niya.

Nagtext si Seokmin at nagyayayang kumain kasama sila Jeonghan at Seungcheol.

Pagkabasa ni Wonwoo ng text ay kinuha na niya ang mga gamit niya. Nagbow lang siya kay Mingyu para magthank you at akmang aalis na.

Pinigilan siya nito at may pinakita ulit sa cellphone niya.

"I can drive you kung saan ka pupunta."

Nagdalawang isip si Wonwoo kung papayag ba siya sa alok ni Mingyu.

Pero sa huli ay pumayag din siya. Medyo hassle nga kung mag cocommute pa siya at tutal kilala naman na niya si Mingyu at kaibigan ito ng kapatid niya.

Si Mingyu naman ay abot tenga ang ngiti habang binubuksan ang pintuan ng kotse niya para pumasok si Wonwoo.

Gusto niyang sumigaw at magtatalon sa tuwa pero nakakahiya kung gagawin niya ito sa harap ng crush niya. Siguro ay pag kasama nalang niya sila Minghao.

Ngayon ay ang tangi niya munang iisipin ay ang taong nasa passenger seat niya. Si Wonwoo Jeon.

Earphones - MINWONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon