01:40

122 6 7
                                    

"Ang aga mo ah? May sched ba kayo ni kuya Won today? Wala siya nabanggit." Bungad ni Seokmin nang makalabas siya ng bahay, nasa labas si Mingyu at nakasandal sa sasakyan niya.

"Si Won?" Tumingin si Mingyu sa balkonahe sa 2nd floor na kung nasaan ang kwarto ni Wonwoo.

"Bakit mo siya hinahanap? May sched nga ba kayo?"

"Wala. Gusto ko lang siya makita."

"Parang dati ako hinahanap mo lagi ah?"

"Oh bakit, selos ka? May kuya Josh ka na ah."

"Gago di kita type."

"Ako din. Kuya mo gusto ko."

"Di ka niya gusto."

"Di ka sure."

"Bwiset ka. Di pa siya lumalabas ng kwarto eh. Di ko alam kung tulog pa or baka naglalaro."

"Ang agang laro naman non."

"Pag ganon means di pa yun natutulog."

"What? Inuumaga siya sa paglalaro?"

"Oo. Sinusuway ko nga kaso matigas ulo."

"Pasaway yun ah. Anyway, kung tulog pa siya balik nalang ako."

"Wag na. Dun ka na sa loob maghintay."

"Sure ka?"

"Para namang di ka sanay pumasok sa bahay namen?"

"Sige na nga mapilit ka eh."

"Tangina mo."

Pumasok ang dalawa sa loob, dumiretso sila sa dining area kung saan nakahain na ang almusal.

"Wow mukang masarap."

"Wala si mama kaya ako nagluto. Sayang kung alam ko lang na pupunta ka edi sana naghanda ako dog food."

"Sumbong kita sa kuya mo."

"Napakasumbungero mo talaga!!!"

Napalingon ang dalawa sa may hagdan at nakita nilang pababa na si Wonwoo.

Nang makababa ito ay nagulat siya nang makita kung sino ang nakaupo sa may dining table.

Mingyu just smiled at him.

Nahiya naman si Wonwoo at napakamot sa ulo. He suddenly felt shy, nakashirt at pajama lang kasi siya.

"Kuya Won lika na kain naaa." Inaya na ni Seokmin si Wonwoo at pinaupo ito.

Bale ang pwesto nila ngayon ay magkatapat si Wonwoo at Mingyu at si Seokmin naman ang nasa gilid nila.

Dun talaga siya pumwesto para makikita niya ang galaw ng dalawa.

Nagsimula na silang kumain. Hindi mapigilan ni Mingyu na tingnan si Wonwoo from time to time, he just looks sa dreamy sa itsura niya ngayon.

Parang gusto niya tuloy makikain ng almusal lagi kila Seokmin.

————————————————

"Baka gusto mo ko tulungan maghugas ng plato?" Tanong ni Mingyu kay Seokmin na ngayon ay kumakain pa ng dessert.

"Di ba nakakahiya sakin?"

"Di BA nakakahiya SAKIN? Bisita ako tapos pinaghuhugas mo ko ng pinggan."

"Oh di ba nakikain ka? Edi ikaw maghugas. Para may dulot ka naman."

"Kung di ka lang kapatid ni Wonwoo eh."

"Punta lang ako sa kwarto. Behave ka kotongan kita."

"Sumbong kita kay tita eh, minamaltrato mo ko."

"OA mo."

Umakyat na nga si Seokmin sa kwarto niya at naiwan si Mingyu na naghuhugas.

Si Wonwoo naman ay nasa sala at nagsecellphone lang.

Ilang minuto lang ang lumipas ay natapos din si Mingyu. Pumunta siya sa sala at nakita niyang nakaupo si Wonwoo sa carpet ng sahig at nakasandal sa sofa.

Nilingon siya ni Wonwoo at tinapik ang tabi niya, telling Mingyu na umupo.

At siyempre sumunod si Mingyu, he sat beside Wonwoo at bumuntong hininga.

Napansin yon ni Wonwoo at nilingon siya.

Pagod?

Wonwoo said.

Mingyu just smiled then shook his head. He understood what Wonwoo said dahil nagsisimula na siyang matuto ng mga basic signs. "Okay lang."

Sorry.

Naguilty si Wonwoo dahil si Mingyu ang naghugas ng pinagkainan nila. Tutulong sana siya pero ayaw din naman ni Mingyu.

"Okay nga lang. Kaya ko gawin lahat. Gusto mo labhan ko pa damit mo eh."

Wonwoo felt amaze, Mingyu's doing great sa pag gamit ng signs. Mukang aral na aral ito.

Ngumiti lang si Wonwoo at nag proceed na sa paglalaro sa cellphone niya.

Inopen ni Mingyu ang TV para malibang siya. Maya maya pa humikab si Mingyu, maaga kasi siyang nagising dahil may tinapos siyang trabaho.

Nagulat si Mingyu nang sumandal sa kanya si Wonwoo. Nakapatong ang ulo nito sa balikat niya. At siyempre sino ba siya para tumanggi, mas lalo siyang lumapit kay Wonwoo para makasandal ito ng maayos.

Wonwoo likes this position so much. At siyempre hindi nagrereklamo si Mingyu. He leaned towards Wonwoo para amuyin ang buhok nito. Amoy na hahanap hanapin ni Mingyu.

Earphones - MINWONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon