won @onewoo • 1m
@kmggyu
🗨️ 536 🔃 643 ♥️ 973
@yoonhan: OMG ANO MERON HUHU GOODMORNING YOU TWOO
@thehao8: GAGO @kmggyu
@urijihoon: tangina ka @kmggyu
@booskwan: WOIIII BAKIT MAY GANITO HUHU
@bosscheol: bakit kayo magkasama?! @kmggyu
@wenjun: sabi ihahatid lang si seok @kmggyu
@kwonsoons: hoy gago good morning sayo @kmggyu
@cvvernon: grabe pang ilang win mo na ba to kuya @kmggyu
@joshuji: jan ka natulog sa bahay nila? @kmggyu
@dinosaur: teka anong position to asdfghjkl kuya @kmggyu
————————————————
boo @booskwan • 1m
HOY FINAFOLLOW NA NI KUYA WON SI KUYA MIGS
🗨️ 536 🔃 643 ♥️ 973
————————————————
jjeong @yoonhan • 1m
HINATID NI MIGS SI SEOK KAGABI SO MEANS DI NA UMUWI SI MIGS AT DUN NATULOG?!
🗨️ 536 🔃 643 ♥️ 973
————————————————
dino @dinosaur • 1m
DI PA DIN AKO MATAHIMIK ANONG POSITION NILA BAKIT GANUN YUNG PICTURE
🗨️ 536 🔃 643 ♥️ 973
————————————————
the♾️ @thehao8 • 1m
mukang tulog pa yung kapatid HAHAHAHAHA alam ko na mangyayari pag nakita niya lahat to
🗨️ 536 🔃 643 ♥️ 973
————————————————
skmin @kingseokmin • 1m
TANGINA NATULOG LANG AKO @kmggyu
🗨️ 536 🔃 643 ♥️ 973
————————————————
"Ano ba ginagawa mo dito?" Pagsusungit ni Seokmin kay Mingyu. Kasalukuyan silang kumakain ng almusal. Nasa bakasyon ang mama nila Wonwoo kaya sila lang tatlo ang nasa bahay.
"Hinatid kaya kita. Ikaw pa may gana magsungit?"
"Thank you. Eh bakit dito ka natulog?"
"Tanong mo sa kuya mo."
"Siaka bakit kayo natulog sa sala magkasama ha?!"
"Wag ka nga sumigaw. Nakakahiya ka kay Won."
Tiningnan nila si Wonwoo na tahimik na kumakain lang at napapailing sa kanila.
"Anong ginawa niyong dalawa?"
"Wala."
"Yung totoo!"
"Wala nga. Ano bang gusto mo marinig?"
"Siguraduhin mo lang, Mingyu Kim kundi lagot ka talaga sakin."
Nagpatuloy lang kumain ang tatlo. Maya't maya ay tinitingnan ni Mingyu si Wonwoo, inaabutan niya din ito ng ulam at prutas. At kada gagawin niya ito ay iniirapan siya ni Seokmin.
Pagkatapos nila kumain ay dating gawi, si Mingyu ulit ang naghugas ng pinag kainan nila. Si Wonwoo naman ay umakyat sa kwarto niya para mag ayos. Pero habang naghuhugas si Mingyu ay tinititigan siya ni Seokmin ng masama.
"Wala akong ginawang masama, kung yun nasa isip mo."
"Sino may sabi sayo dito ka matulog?"
"Kuya mo. Pinigilan niya ko umuwi eh tapos pinag handa ako ng matutulugan."
"At pumayag ka naman?"
"Siyempre. Sino ba ko para humindi kay Wonwoo Jeon."
"Ikaw talaga!"
"Cute niya nga eh."
"Eh kung batukan kita jan?"
"Bakit ba galit na galit ka?"
"Wala lang. Ayoko lang maging mabilis ang lahat. Baka akalain mo easy to get kuya ko."
"Mabilis? Ilang buwan na ko nanliligaw."
"Nanliligaw ka ba? Alam niya?"
"Hindi ba halata?"
"Medyo. Magpromise ka sakin."
"Na ano?"
"Ako una makakaalam kapag kayo na."
"Di ba pwedeng si Tita Lee?"
"Hindi. Ako muna!!!"
"Fine fine. Wag ka magalit."
"Ano. Promise?"
"Promise."
BINABASA MO ANG
Earphones - MINWON
FanfictionKahit na palaging nakatambay si Wonwoo sa park ay namamangha pa din siya kapag nakikita ang nasa paligid niya. Madalas kasi ay nakasubsob lang siya sa libro. May magandang lawa sa harap na may mga bibe, may mga ibon din na nakikita niyang hinahagisa...