It was a long ride for Mingyu. Natetense kasi siya the whole time na kasama niya si Wonwoo sa sasakyan.
Nang makarating sila sa ospital ay agad na bumaba si Mingyu para pagbuksan ng pinto si Wonwoo.
Wonwoo just smiled at him, which made Mingyu fall harder. Lalong bumilis din ang tibok ng puso niya.
Pumasok na sila, sabay silang naglalakad habang pinagtitinginan ng mga tao sa ospital. May mga nurse na usually nang nakikita ni Wonwoo kapag pumupunta siya dito ang nakatingin sa kanila, marahil nagtataka sila kung sino ang lalaking kasama niya dahil ngayon lang nila nakita ito.
Nakarating sila isang kwarto, pumasok si Wonwoo at nagpaiwan si Mingyu sa labas. Umupo nalang siya sa bench malapit sa pinto at dito nalang niya hihintayin si Wonwoo.
Kinuha ni Mingyu ang cellphone niya para icheck kung nagmessage ba ang boss niya dahil hindi siya nag onsite ngayon. Iniisip niya na baka pagalitan siya nito.
Maya maya pa may lalaking tumayo sa harap niya, nang tingnan niya, si Wonwoo.
Hindi pala alam ni Wonwoo na hindi na pala sumunod si Mingyu sa kanya sa loob.
Kaya ngayon ay sinusundo siya nito. Hinawakan ni Wonwoo ang braso ni Mingyu para hilahin papunta sa loob ng kwarto. Nagtataka si Mingyu nung una pero nagets niya din na gusto ni Wonwoo na nasa loob din siya ng kwarto, napangiti nalang si Mingyu.
Nang makapasok sila sa loob ay wala pa pala ang doktor. Magkatabi silang umupo sa sofa habang naghihintay.
Ayos ka lang?
Nagsign language si Mingyu kay Wonwoo. Tumango naman ito at ngumiti. Laging nakangiti si Wonwoo sa kanya ngayon kaya natutuwa siya. Mukang maganda ang gising nito.
Wala kang pasok sa trabaho ngayon?
Tanong ni Wonwoo, hindi makasagot si Mingyu dahil hindi niya naiintindihan. Hindi pa kasi siya ganun karunong sa sign language. Natawa silang dalawa dahil alam naman ni Wonwoo ito, sinusubukan niya lang si Mingyu.
Ang ginawa ni Wonwoo ay chinat niya si Mingyu. Umiling naman si Mingyu kaya napatango nalang si Wonwoo.
Hindi alam ni Mingyu na alam ni Wonwoo na nagsisinungaling siya. Sinabi na sa kanya ni Seokmin na cinancel ni Mingyu ang onsite juty niya para samahan siya. Nagiguilty si Wonwoo pero meron din sa loob loob niya na natutuwa siya dahil nanjan si Mingyu para sa kanya.
Ilang minuto lang ang lumipas ay may pumasok. Isang lalaki, nakasuot ito ng lab gown at may stethoscope na nakasabit sa leeg, nakangiti ito sa kanilang dalawa.
Tumayo agad si Wonwoo nang makita siya, lumapit naman ang lalaki sa kanya at natutuwang kinamayan si Wonwoo.
Nag usap silang dalawa at si Mingyu naman ay pinapanuod lang sila na mag sign language dahil wala siyang naiintindihan.
"Kaibigan ka ni Wonwoo?"
Tanong ng lalaki. Marahil ay pinakilala na siya ni Wonwoo.
Gusto niyang sabihing "jowa" pero siyempre hindi niya gagawin yun.
"Ah, oo. I'm Mingyu."
"Hello. Nice to meet you. I'm Changkyun, doktor ni Won. Buti naman at sinamahan mo siya. Si Seok kasi di makapagleave sa work niya."
"Nice to meet you too, dok. Kaya po lahat ng mga need sabihin kila Seok about sa check up ni Won ngayong araw pwede niyo sabihin sakin so I can explain to them."
Base sa kung paano nito i-address ang magkapatid ay naisip ni Mingyu na siguro sobrang tagal na nila makakakilala at close na sila.
"Okay that's good. Let's start then?" Inalalayan na ni Changkyun si Wonwoo para sa start ng pagcheck up sa kanya. Si Mingyu naman ay nakaupo lang sa sofa at pinapanuod sila.
They are using sign language from time to time, and si Wonwoo, he's smiling the whole time.
Hindi tuloy mapigilan ni Mingyu na magselos.
Base sa itsure ng doktor ni Wonwoo ay marahil hindi magkakalayo ang mga edad nila. Gwapo din ito at mukang matalino talaga.
Mukang kumportable si Wonwoo sa kanya at hindi nahihirapan makipag communicate. Naiinggit tuloy si Mingyu. He seems like naaalagaan niya si Wonwoo ng maayos. Ngayon ay napapaisip tuloy si Mingyu kung tama ba ang desisyon niyang mag photographer, parang dapat nagdoktor nalang siya. Gusto niya alagaan ng ganon si Wonwoo.
Natapos ang check up ni Wonwoo at tinawag ng doktor si Mingyu. Ipinaliwanag sa kanya ng doktor ang mga findings niya at natuwa naman si Mingyu na ayos naman si Wonwoo.
Nang matapos sila ay nagpaalam na sila sa doktor. Umalis na sila agad dahil may iba pang mga pasiyente na naghihintay.
Dumiretso sila Mingyu sa coffee shop kung saan usually sila pumupunta. Sa may park.
Pagkaorder nila Mingyu ay umupo sila sa bench malapit sa pond.
Masaya lang silang kumakain at umiinom, parehong kape ang inorder nila.
Nagflashback kay Mingyu yung noon, mga panahon na hindi pa sila magkakilala.
Kung paano siya gumagawa ng paraan para tumambay at samahan si Wonwoo kahit na magkaiba sila ng bench na inuupuan habang nagbabasa ito ng libro.
Pakiramdam ni Mingyu ay ang layo na ng narating nila dahil this time, hindi na sila magkalayo, totoong magkatabi at magkasama na sila.
BINABASA MO ANG
Earphones - MINWON
FanfictionKahit na palaging nakatambay si Wonwoo sa park ay namamangha pa din siya kapag nakikita ang nasa paligid niya. Madalas kasi ay nakasubsob lang siya sa libro. May magandang lawa sa harap na may mga bibe, may mga ibon din na nakikita niyang hinahagisa...