00:14

115 8 2
                                    

"May nagpapabigay po!" Napatingin si Wonwoo sa bata sa harapan niya. Nagtataka siyang kinuha ang paperbag.

Hindi niya naiintindihan ang sinabi ng bata pero nagets niya, may tinuro itong lalaki na naglalakad na palayo. Hindi na niya makita ang muka nito pero matangkad siya at may bitbit na camera. Parang nakita na niya ito dati.

Nginitian lang ni Wonwoo ang bata at kumaripas na ito ng takbo pabalik sa mga kalaro niya.

Binuksan ni Wonwoo ang paperbag at may laman itong cupcake. Kinuha niya ito at binasa ang nakasulat sa sticky note na nakakabit sa packaging.

" Hi! I always see you with your book and earphones on. You'll enjoy them more with a snack. Eat well!

                                                                 - 💜 "

Napangiti si Wonwoo ng bahagya at tinitigan ang cupcake.

Chocolate..

He hates chocolate.

Pero kahit ganun ay tinabi pa din niya ito. Siguro ay ibibigay nalang niya kay Seokmin.

Speaking of Seokmin ay tinetext na siya ng kapatid niya.

"Kuya Won pasalubong."

"Kuya Wooooooon"

"Yung chitchirya na lagi natin kinakain"

Natawa siya dahil saglit palang siya nakakaalis ay kinukulit na siya ng kapatid niya.

Nagreply lang siya ng simpleng "Okay." At siaka nagligpit na din ng gamit niya.

Bago siya umalis ay tiningnan niyang muli ang direksyon kung saan pumunta ang lalaking nagbigay sa kanya ng cupcake.

Sana magkita sila ulit para makapag thank you siya.

And remind him that he hates chocolate.

Earphones - MINWONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon