Mag 3am na nang natapos sila uminom. Kasalukuyang isinasakay ni Vernon si Seungkwan sa kotse ni Seungcheol ganun din si Dino na inaalalayan ng kuya Joshua niya.
"Ako na bahala maghatid dito sa mga batang to." Sabi ni Seungcheol.
"Kasi ang kukulit sinabi nang wag iinom ng madami." - Jeonghan
"Sinulit yung libre ni Mingyu." - Joshua
"Una na kami ni Hao ah. Inaantok na to baka mahulog sa motor pag nakatulog." Sabi ni Junhui habang nakasakay na sila sa motor niya. Angkas na din niya si Minghao na nakasandal sa kanya at tumatango lang. Nagpaalam na sila sa mga kaibigan nila at siaka umalis na.
"Ano ba, Soonyoung pota sinabi nang wag ka na yumakap!" Inis na sabi ni Jihoon kay Soonyoung na ngayon ay mahigpit ang yakap sa kanya. Lasing na ito at kinukulit si Jihoon.
"Kaya mo ba magdrive, Ji?" - Jeonghan
"Kaya ko, kuya Han. Itatapon ko nalang sa ilog tong Soonyoung na to pag napikon ako talaga." - Jihoon
"Ako na kila Seok-" Sabay na sabi ni Josh at Mingyu. Nagtinginan silang dalawa. Natatawa si Joshua dahil alam naman niyang gusto lang ihatid ni Mingyu si Wonwoo. Kasalukuyang nakasandal si Seokmin kay Wonwoo at nakaupo sila sa pavement.
"Ayown. Nag agawan pa nga." - Seungcheol
"Ako na, kuya Josh. Baka malate ka pauwi." - Mingyu
"Pfft. Gusto mo lang ihatid si Wonwoo." - Joshua
"Sige na please." Pagmamakaawa ni Mingyu at nagpout pa nga. Hindi siya uminom buong gabi para lang maihatid sila Wonwoo.
"Sige na nga. Alalayan ko nalang sila Jihoon." - Joshua
"Pasalamat ka mabait si Joshua." - Jeonghan
"Thank you, kuya. Da best ka din." Nakangiting sabi ni Mingyu.
Nilapitan na ni Mingyu sila Wonwoo, umupo siya sa harapan nila para maging magkalevel sila.
Hatid ko na kayo.
Nagsign language si Mingyu. First time niyang ginawa yon kaya medyo nagulat si Wonwoo.
Tumango lang siya dahil hindi naman siya makakapagdrive. Si Seokmin lang ang may kayang magdrive ng sasakyan nila at ngayon ay lasing ito.
Napangiti si Mingyu at inalalayan na nga niya patayo si Seokmin. Ipinasok nila ito sa kotse ni Mingyu. At sumakay na din si Wonwoo sa passenger seat.
Nakangiti nang mapang asar ang mga kuya ni Mingyu habang pinapanuod siyang pagbuksan ng pinto si Wonwoo at alalayan papasok ng kotse.
Bago din siya sumakay ay nagpaalam na siya sa mga kuya niya.
"Don't be stupid." - Joshua
"Wag mo na papahiya sarili mo parang awa." - Jihoon
"Ayusin mo buhay mo, tangina mo chance mo na yan." - Seungcheol
"Dahan dahan magdrive at dalawa yang ihahatid mo." - Jeonghan
Sabi sa kanya ng mga kuya niya.
Kumaway din si Wonwoo kila Jeonghan bago paandarin ni Mingyu ang sasakyan.
Mga ilang minuto na ang lumipas, mga 30 minutes ang byahe papunta sa bahay nila Seokmin at hindi alam ni Mingyu ang gagawin para maaliw si Wonwoo.
Tahimik lang itong nakaupo sa tabi niya at nakatingin sa labas ng bintana.
Iniisip niya tuloy kung anong tumatakbo sa isip nito.
Huminto sila sa red traffic light. Nakita ni Mingyu na 60 seconds pa bago ito mag-Go means may 60 seconds siya para iapproach si Wonwoo. Pero hindi niya alam kung pano.
Buong araw siyang nag aral ng sign language kahapon para paghandaan tong moment na to pero parang namemental block siya at hindi alam ang gagawin.
Ang tagal nag iisip ni Mingyu kaya hindi niya napansin na nag Go na pala ang traffic light.
Napansin ito ni Wonwoo kaya tiningnan niya si Mingyu. Itinuro ni Wonwoo ang Green light kaya nagpanic si Mingyu.
Gusto niyang iumpog ang ulo niya dahil masiado siyang napre occupied kung paano kakausapin si Wonwoo.
Nagulat siya nang ngumiti si Wonwoo. Tiningnan niya lang ito at nagtataka. Hindi niya nahalata na napangiti na din siya.
Ngayon ay dalawa na silang nakangiti.
Hindi alam ni Mingyu pero nahahalata talaga ni Wonwoo na kinakabahan siya kaya natawa nalang ito.
Hindi naman kaylangan ni Mingyu na mag effort na kausapin si Wonwoo.
Kasi para kay Wonwoo, he feels comfortable with Mingyu even in silence.
BINABASA MO ANG
Earphones - MINWON
FanfictionKahit na palaging nakatambay si Wonwoo sa park ay namamangha pa din siya kapag nakikita ang nasa paligid niya. Madalas kasi ay nakasubsob lang siya sa libro. May magandang lawa sa harap na may mga bibe, may mga ibon din na nakikita niyang hinahagisa...