Prologue

243 19 3
                                    

Medyo mabagal ang UD nag start na kasi ang module ng aking mga kuting..
Enjoy reading..

Lovelots.

S.

***

🍀🍀🍀

SA TAHANAN ng mga Albanese, dumadagundong ang boses ni Mr. Isidro Albanese, habang sinisermunan si Ico, ang kaisa isa nitong anak.

"How many times do I have to tell you
na wag mong pinaghihintay ang mga babaeng nakaka blind date mo! When will you grow up, Luciano?"

Napangiwi si Ico, galit na nga ang ama niya dahil binanggit na ang totoong pangalan niya. Kilala siya sa pangalan na Ico, at tanging ang ama lang niya ang tumatawag sa kanya na Luciano.

He turned to his father, the veins in his neck were already showing because of so much anger towards him. Natuloy naman ang sinasabi nitong blind date niya, iyon nga lang na late talaga siya—ng dalawang oras. Kaya galit na galit ang ama niya.

Wala namang kaso sa kanya kung na late siya, his businesses are more important to him. Pasalamat nga ang ama niya dahil naglalaan pa siya ng oras para pagbigyan ang mga kapritso nito, ang i-set up siya lagi ng blind date sa kung sinu sinong babae na sa tingin nito ay babagay daw sa kanya, even models, actress, mga anak ng pulitiko and those in high society.

His father is just angry because he is always late, pero kung ito nagrereklamo ang mga nakaka blind date naman niya, kulang na lang sambahin siya.

Kahit tatlong oras pa yata siyang malate baliwala sa mga ito. Ang huli nga niyang naka blind date hindi naman nagalit. Sinabi pa nito na "It's okay, I should be the one to thank you for taking the time to date me."

Ang ama lang talaga niya ang mareklamo.

"Nakikinig ka ba?!" Napangiwi si Ico sa sigaw ng ama niya. Napakamot siya sa gilid ng kanyang kilay alanganin ang ngiti na ibinigay niya sa kanyang ama.

"Ano po ba ang inirereklamo nyo e naging maayos naman ang blind date na sinet-up nyo. Pumunta pa din naman ako even though I was late," dahilan niya. Sumama ang mukha ng ama niya dahil sa pagrarason niya.

Positibo lagi ang gusto nitong kalabasan ng pakikipag blind date niya at hindi sapat sa ama niya ang salitang 'I like him' mula sa mga babaeng ipinapares nito sa kanya. Ang gusto ng ama niya I want to marry him ang direktang isagot ng mga ito. Sinsero at totoo, iyong tipong kumbinasyon ng love at first sight at in love na agad sa kanya kahit una palang siyang nakikita.

Hindi nga lang alam ng ama niya na masyadong makamandag ang charm niya dahil sa bawat babaeng nakaka date niya, gumagawa din siya ng paraan para hindi na magkaroon ng kasunod ang pakikipag date niya sa mga ito.

At wala pang babae na hindi nahipnotismo ng karisma niya at ng mabulaklak niyang mga salita. Wala pa namang babae na naghabol sa kanya at nagsabi na gustong magpabuntis sa kanya. Lagi siyang nagtatahi ng kasinungalingan para lang hindi na ang mga ito sumubok na lumapit o makipag date ulit sa kanya.

At dahil wala pa siyang nagustuhan sa mga ipinapares sa kanya ng kanyang ama, hindi pa din ito humihinto sa paghahanap ng mga babae na pwede daw niyang pagpilian para maging asawa.

His father wanted to have a beautiful daughter-in-law, ayaw nito sa simple lang o sa panget. Hindi naman mapanlait ang ama niya—sobrang mapanlait lang.

But to his surprise, tatlo sa mga katulong nila sa bahay kinulang sa ganda. Ngunit hindi naman sinusungitan ng ama niya. Bagkus may full benefits pa, libreng bakasyon sa Boracay, plus bunos at mga regalo kapag sumasapit ang pasko.

"Kahit PANGET ka pa" (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon