Chapter 2

189 16 2
                                    


🍀🍀🍀

SA MGA lumipas nga na mga araw, hindi lang si Ico ang napag uusapan nila ni Frenzy, kasama din ang ilan sa mga kaibigan nito. Napaawang nga ang labi ni Jodelyn ng ipakita nito sa kanya ang litrato ng isang kaibigan nito na nagpakasal na.

Hindi ganun kaganda ang babaeng pinakasalan ng kaibigan nito. Simple lang ito ngunit parang may espesyal sa ngiti nito at mukha din itong mabait kaya hindi na nakakapagtaka kung mahahalata rin sa mukha ng asawa nito ang kaligayahan. Base sa kwento ni Frenzy, katulong din daw sa mansion ng mga magulang ng kaibigan nito ang babae. Hash tag WowGrabe kasunod ang sanaall.

May pag asa pa pala siya, posible pa din siyang magustuhan ng amo niya. Napangiti si Jodelyn sa isiping iyon. Mukang mababali na ang paniniwala niya na ang panget ay para lang din sa panget. Posible din pala siyang magustuhan ng isang guwapo. Pero pinanghihinaan din siya ng loob dahil mukang mahal pa rin ng amo niya si Rebecca. Ilang araw na kasi simula ng maging broken hearted ito pero hindi pa din ito nakaka move on, habang ang ex nito, wala pang twenty four hours naka move on na.

"May gusto ka kay, Ico, ano?" Napakurap si Jodelyn sa panunukso sa kanya ng kanyang bagong kaibigan. Hindi siya magsisinungaling, wala ding dahilan para ilihim niya ang sekreto niya. Inilapit niya ng bahagya ang mukha sa taenga ng binata, handa namang makinig si Frenzy, inilapit din nito ang mukha sa kanya.

"Atin atin lang 'to ah," bulong niya  Tumango si Frenzy.

"Ang totoo nyan-"

"What the hell are you doing here inside my house, Frenzy?" Nagulat siya sa biglang pagsulpot ng amo niya. Ang kaibigan naman nito ay ngumisi lang. Siya naman ay mabilis na tumayo at hinarap ang kanyang amo para mag explain.

"Señorito, wag po kayong magalit kung pinapasok ko si Frenzy, kaibigan nyo din naman po sya eh," dipensa agad niya.

"Din? Magkaibigan din kayo?" kunot noong tanong ni Ico. Sabay naman silang tumango ng binata, tumayo na si Frenzy sa sofa at lumapit kay Ico.

"Mauna na ako meron pa pala akong pupuntahan." Nilingon muna siya ng binata bago tuluyang umalis.

"Saka mo na sakin sabihin ang sikreto mo Jody, bye." Nag babye din siya sa binata.

"Ba-bye ingat!" masayang pamamaalam niya sa binata habang kumakaway. Ngunit napangiwi siya ng samaan siya ng tingin ni Ico.

"This is supposed to be my day kaya bakit nasa baba ka?" parungit nito sa kanya.

"Sabi ko nga po aakyat na," nakangiwing segunda niya.

Naglakad na siya paakyat pero pinigilan din siya ni Ico. Hinarap niya ang amo.

"Sa susunod ayokong nagpapapasok ka dito ng wala ang permiso ko. Bawal kang magpapasok dito lalo na kung lalake. Naiintidihan mo ba, Jodelyn?" Tumango siya.

"Naiintindihan ko po, señorito." Tuluyan na siyang umakyat sa itaas ng wala ng kasunod ang mga sinabi ng amo niya. Tinext din niya si Frenzy na pinagbawalan na siya ni Ico na magpapasok doon ng lalake.

Kaya ng sumunod na mga araw inaya na lang siya ni Frenzy sa labas. Day off naman niya kaya ayos lang. Ico day din ng araw na iyon dahil araw ng linggo. Maghapon lang sa bahay ang amo niya.

Pagkaligo niya nagsuot siya ng pink na dress, nabili niya iyon sa tindahan ni Aling Luling, ang matabang kapitbahay nila sa probinsya. Kung sakali, dalawang beses palang niyang naisusuot ang damit na iyon. Ang una ay noong birthday niya at ngayon ang kasunod. Maganda ang tabas niyon medyo mahaba nga lang ang neck line kaya litaw ang cleavage niya.

Kahit naman hindi siya kagandahan may ibubuga naman ang hinaharap niya, best asset niya iyon pati na ang pang upo niya. Malaking babae ang inay niya kaya namana niya dito ang pagkakaroon ng malaking balakang.

"Kahit PANGET ka pa" (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon