Chapter 3

203 15 2
                                    

🍀🍀🍀

GABI na ng makabalik sila sa bahay ni Ico, wala pa silang napag uusapang set up sa kasal nila. Wala din itong nababanggit kaya nanatili ang routine niya ng mga sumunod na araw.

Kaiba nga lang nang sumapit ulit ang day off niya. Inaya ulit kasi siya ni Frenzy na lumabas. May bago siyang bistida. Binili nila iyon ni Frenzy sa mall. Iyon ang isusuot niya.

Hanggang tuhod din ang haba niyon pero tagong tago naman ang hinaharap niya, maliban sa likod. Kalahati kasi ng likod niya ang nakalitaw. Navy blue ang kulay ng dress, morena ang balat niya kaya ng isuot niya iyon nagmukha siyang maputi.

Nang matapos siyang mag ayos lumabas na siya. Saktong pagbaba niya nang makita niya si Ico. Kampanteng nakaupo sa sofa pero bihis na bihis din.

"Ico day, di ba, señorito?" patanong na kausap niya sa binata. Hinarap siya ng kanyang amo, hindi pa din niya ito matawag na asawa dahil nagpakasal lang naman sila sa papel. Wala naman silang relasyon. Pero ang sarap nitong maging asawa.

Napakurap siya ng lapitan siya ni Ico. Na asiwa siya ng pasadahan siya nito ng tingin mula paa hanggang ulo. Nanuot sa kalamnan niya ang mga titig nito.

"Saan kana naman pupunta?" kunot ang noo na tanong nito.

"Nag aya po si Frenzy na lumabas," masayang sagot niya. Nagtaas naman ng isang kilay si Ico.

"Bakit pinayagan ba kita?" Umawang ang mga labi niya ngunit saglit lang dahil dumipensa na agad siya.

"Eh, day off ko naman po," pagrarason niya. Naningkit ang mga mata ni Ico.

"I don't care, i-text mo sabihin mong aalis tayo." Doon naman siya nagulat.

"Saan po tayo pupunta?"

Ngumisi si Ico, dumukwang ito palapit sa mukha niya. Naitikom naman niya ang labi at pilit na nagpigil ng paghinga. Baka mabahuan sa bibig niya, mahirap na.

"It's time to meet my father, sweetheart."

Umawang ang mga labi ni Jodelyn. Gusto niyang umapila ngunit nagkulang na siya sa lakas at nagpaubaya na lang sa sunod na naging aksyon ni Ico. Hinila siya nito palabas ng bahay.

Hindi nawala ang kaba niya kahit nang malapit na sila sa mansion ng mga Albanese.

"Señorito."

"Ico, that's what you should call me at baka mahalata tayo ni Daddy. Dapat sanayin mo na ang sarili mo na tawagin ako sa pangalan ko because we are married, wag kang magkakamali na tawagin akong, señorito." Mas lalo naman siyang kinabahan. Wala man lang rehearsal biglaan talaga? Hindi pa siya handa na makaharap ang ama ng kanyang amo este asawa. Kaya lang wala na din siyang pagkakataon para tumakas dahil naroon na sila sa tapat ng mansion.

Nanginginig ang kamay niya ng bumaba siya sa kotse ni Ico.

"Relax, we will only deal with Dad. You don't have to be nervous. Sabihin mo lang that we have been in a relationship for a long time and when he sent you to my house sinunggaban ko na ang pagkakataon." Ngumuwi siya. Iyon ang isang bagay na hindi kapani-paniwala. Sa itsura palang niya malabo na talaga. Si Ico Albanese, magkakagusto sa isang panget? Hash tag Imposible.

"Pero ayaw nya sa panget," apila niya, baka sakaling makaisip pa ito ng iba pang kasinungalingan. Iyong malapit sa katotohanan.

Hinarap siya ni Ico, hinawakan siya nito sa magkabilang balikat. Muntik pa nga siyang mapapikit dahil sa kuryenteng dumaloy sa balikat niya patungong kalamnan niya ng hawakan siya nito. Oh my, meant to be talaga kami papa G. Napabalik siya sa wisyo ng magsalita ulit si Ico.

"Kahit PANGET ka pa" (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon