Chapter 4

204 15 4
                                    

Spg alert....

🍀🍀🍀

TUMANGGI si Jodelyn na tanggapin ang credit card, salubong naman ang mga kilay ni Ico dahil sa pagtanggi niya.

"Bakit ayaw mong tanggapin?"

"E kasi ang mahal magpa derma saka sayang lang ang pera mo kung gagastusan mo ako tapos hindi rin pala gagaling ang mga tigyawat ko, kaya wag na lang," paliwanag na tugon niya.

Pinamaywangan siya ni Ico. Hindi ito makaalis alis dahil ipinipilit sa kanya ang credit card. Kulang na lang ipagduldulan na sa mukha niya dahil sa kakulitan niya sa pagtanggi.

"Look Jodelyn, kung nag aalala ka dahil sa gastos, wag mo ng problemahin 'yon, baka nakakalimutan mo. Legal ang kasal natin, you have rights to all my money so you can spend it whenever you want." Inabot nito ang kamay niya at ipinatong na doon ang card.

"Gawin mo kung ano ang gusto mong gawin sa card na 'yan, I don't mind."

"E, pano kung mas lalo lang akong pumangit?" Tumawa si Ico. Bahagya pang ginulo ang buhok niya. Pero hindi siya sobrang kinilig, konti lang. Pinoproblema niya ang card at ang pimples niyang hindi naman dapat niya pinoproblema. Si Ico kasi!

"Ibig sabihin lang n'on fake ang derma mo, find a new one again. Basta ipagamot mo na 'yan ng hindi ka naiilang na tumabi sakin, besides I sleep peacefully dahil sayo," ang salita ni Ico na nagpadagdag sa problema at kilig niya. Napabuntong hininga siya. Sumusuko niyang kinuha ang credit card.

At ng mag isa na lang siya sa bahay saka lang napagtanto ni Jodelyn na tama din naman na magpaganda siya para sa asawa niya. Paano nga naman maaakit si Ico sa kanya kung panget siya?

Kaya ang ginawa niya naghanap siya sa mall ng facial clinic. May nakausap siyang dermatologist. In-offer-an siya ng rejuv set. Para daw mamatay ang mga pimples niya. Pero tatlong araw palang niya iyong nagagamit sinukuan na niya hustong itapon niya, lalo lang kasing dumami ang tigyawat niya, lumaki pa ang iba. At ang mas masama namumula ang buong mukha niya. Ni hindi na nga siya lumalabas ng bahay. Sa gabi ay iniiyakan niya ang kapangitan niya.

Hindi na siya babalik sa clinic na nag alok sa kanya ng set na ginagamit niya sa mukha. Baka fake dahil wala namang magandang resulta ang pamamahid niya. Bukod sa mahapdi ang toner at sabon, mainit pa sa mukha, kaya hindi na nakakapagtaka na pulang pula ang face niya.

Tumawag si Ico kinahapunan. Nasagot naman niya kaya lang ng tanungin kung nagpa derma ba siya, naglabas na siya ng sama ng loob.

"Ibabalik ko na ang card mo pagbalik mo, wala namang magandang nangyayari, dumami lang lalo ang tigyawat ko." "Sobrang kati ng mukha ko at ang pula pula," muntik na niyang idagdag sa pagsusumbong kay Ico, kaya lang hindi na niya itinuloy dahil baka hindi na ito tumabi sa kanya kapag nalamang dumoble ang dami ng mga tigyawat niya. Gusto niyang umiyak pero baka tawanan lang siya ni Ico, maliit na bagay lang para dito ang pinoproblema niya.

"Try another one, sweetheart, hindi lang iisa ang derma sa Pilipinas." Ngumuso si Jodelyn, tama naman ang asawa niya pero hindi na siya mag aaksaya ng pera nito tapos mauuwi lang sa kapalpakan.

"Sige na, baka naaabala na kita." Ibababa na sana niya ang tawag ng marinig ang boses ni Frenzy.

"Hey, si Jody ba kausap mo, pakausap naman ako nawala kasi phone ko kaya hindi ko na sya natatawagan." Dahil sa narinig nagsalita ulit siya.

"Pakausap ako sa kanya, Ico."

"She's busy."

Aapila sana siya ng mamatay na ang tawag. Hindi naman siya busy ah? Bakit iyon ang sinabi nito kay Frenzy. Sinubukan niyang tawagan si Ico, ang kaso out of coverage na ito.

"Kahit PANGET ka pa" (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon