Chapter 6

201 13 5
                                    

🍀🍀🍀

ILANG minuto nang nakaalis si Ico sa bahay. At hindi alam ni Jodelyn kung ano ang gagawin, paano niya ipapaliwanag kay Ico ang lahat gayong wala nga siyang kinalaman sa litratong ipinakita sa kanya ng asawa.

Simula ng maging moody si Ico, hindi pa sila nagkikita ulit ni Frenzy. Noong sinubukan naman niyang makipagkita sa binata, hindi pumayag ang asawa niya. Kaya sino ang babaeng iyon? Nagkaroon ba siya ng kakambal ng hindi niya alam? Kailangan ba tawagan niya ang kanyang inay para makumpirma kung may kakambal siya? Kamukha niya ang babae sa litrato pero hindi napansin ni Ico na makinis ang mukha ng babaeng iyon.

Siya ay may kaunti pang mga pilat ng tigyawat sa mukha, patuloy pa din siyang nagpapahid ng skin care niya kahit hindi na acne set ang ginagamit niya. Sabi ng derma niya isang buwan pa niyang kailangang i-apply sa mukha ang bagong set ng skin care na nirekomenda nito para garantisadong mawala na ang mga tigyawat sa mukha niya. After kasi niyon isasabak na siya sa twelve session ng Diamond peel.

Bahagya siyang napailing, hindi naman ang mga pimples niya ang pinoproblema niya kundi ang babae sa picture na ipinakita sa kanya ni Ico. Nagalit ang asawa niya kasabay ng pag wo-walk-out dahil sa naturang litrato.

Hindi man lang muna siya pinagpaliwanag ni Ico, basta na lang itong umalis. Sinusubukan niyang tawagan si Frenzy, pero hindi sumasagot ang binata. Gusto niyang malaman kung ito ang nagpadala ng litrato kay Ico? Ang binata pa naman ang numero unong pinagseselosan ng asawa niya.

Nakakahaba sana ng hair, mapapa hash tag Sanaol lahat ng makakaalam kung paano magselos si Ico. Hindi miminsan na ikinairita nito at ikinagalit ang mga simpleng message sa kanya ng kaibigan nito. Katulad ng kamusta kana? Kumain kana ba? Pwede ba tayong magkita? Mga tanong na nagdudulot kay Ico para maging dragon.

Ang sarap sana sa feeling na nagseselos ang asawa niyang guwapo, kaso masakit din sa ulo. Katakot takot na pagpapaamo kay Ico ang ginagawa niya sa tuwing inaatake ito ng selos.

Napabuga siya ng hangin nang sa wakas sumagot na din ang kaibigan niya.

"Bakit ang tagal mo bago sumagot?" bungad niya kay Frenzy.

"Bakit may problema ba?"

"Meron malaking malaki." Sinabi agad niya kay Frenzy ang problema pero tumawa lang ang kaibigan niya.

"Anong nakakatawa?" simangot na tanong niya. Narinig niya ang pagtikhim ni Frenzy sa kabilang linya.

"Hayaan mo lang na isipin nya na may relasyon tayo, may gusto lang akong alamin." Napakunot ang noo niya.

"Ano ba talaga ang nangyayari Frenzy?" Narinig ulit niya ang tawa ng binata sa kabilang linya.

"Relax ka lang sakyan mo na lang ang nangyayari dahil para din naman kay Ico ang ginagawa namin."

Namin? Mas lalong kumunot ang noo niya, sino ba ang tinutukoy nito? May kasabwat ba ito?

"Frenzy, may kasabwat ka ba sa nangyayari ngayon?" kuryosong tanong niya.

"Si Tito Isidro." Nagulat siya sa pangalang binanggit ng binata. Kinakasabwat din pala ng matandang Albanese si Frenzy, pero para saan? At sa anong dahilan?

"Ano bang nangyayari? Bakit kailangan madamay ako?" tanong niya dahil talaga namang damay pati siya sa galit ni Ico, nagseselos ito dahil lang sa fake lang pala na litrato. Narinig niya ang pagbuga ng hangin ni Frenzy kaya nabalik ang atensyon niya dito.

"Sakit na ni Ico ang pagiging seloso at lumalabas na naman iyon simula ng pakasalan ka nya. Totoong minahal nila ni Rebecca ang isa't isa pero matagal na ding nasasakal si Rebecca sa asawa mo kaya ng makahanap sya ng pagkakataon para makawala sa relasyon nila ni Ico, sinunggaban agad nya ang pagkakataon. Jodelyn listen carefully. Do you know that Ico is a violent person. Hindi lang siguro nabanggit sayo ni Tito Isidro na maraming ugali si Ico na kayang magpabaliw sa isang babae."

"Kahit PANGET ka pa" (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon