SC

44 1 0
                                    

🍀🍀🍀

PAREHONG maagang nagising si Jodelyn at Ico, sabay silang nag almusal at maaga din silang nag check out sa hotel.

Honeymoon nila sa Rome, isa sa mga regalo ng ama ng kanyang asawa. Hindi na nila inabalang katukin ang mga magulang nila dahil nakapagpaalam na din naman sila sa mga ito ng nagdaang gabi.

Excited si Jodelyn ng sumakay sila ng eroplano. First time niyang lalabas ng bansa.

"Are you happy?" nakangiting tanong ni Ico. Tumango siya habang malapad na nakangiti sa asawa.

"Sobra, excited na ako. Sabi ni Mommy Luci, maganda daw sa Rome."

"Yeah, at solo natin ang resthouse ni Dad." Pinisil ni Ico ang kamay niya, dinala nito iyon sa labi nito at matunog na hinalikan. Kinilig naman siya sa ginawa ng asawa.

Nang umandar ang eroplano napakapit siya sa braso ni Ico. Kinakabahan siya na natatakot. Mabuti na lang at nakagawa ng paraan ang asawa para malihis ang atensyon niya. Hinalikan siya nito sa mga labi.

Nang hindi na niya naramdaman ang pag uga ng eroplano dumistansya na siya sa asawa.

Saktong pagsandal niya sa upuan ng lapitan sila ng stewardess. Inalok sila nito ng food, pero kay Ico lang nakatingin ang babae. Para pa ngang napansin niya ang lihim nitong pag irap.

Hindi tuloy niya naiwasang taasan ito ng isang kilay. Hash tag Mahadera, katabi ang misis oh! Hindi siya palaaway pero mukang mapapaaway siya sa mahaderang stewardess. Hindi niya gusto ang paraan ng pagtitig nito kay Ico.

Malagkit at may kasamang pagnanasa. Naiimbiyerna siya. Mabuti na lang at umakbay sa balikat niya ang asawa. Hinalikan nito ang noo niya na ikinangisi naman niya. Nang tuluyan ng tumingin sa kanya ang stewardess mukha pa itong magtataray. Pero dahil masyado siyang friendly kaya inunahan na niya.

"Miss, mamaya na lang kami o-order ng inaalok mo sa asawa ko, hindi pa kasi kami gutom." Bumaling siya kay Ico, "di ba, love?" Nangingiti namang tumango ang asawa niya.

"Later, miss, thanks." Nang makaalis ang stewardess natatawang pinisil ni Ico ang ilong niya.

"Selosa."

"Hmp! Ang lagkit kaya kung tumitig sayo, kaya natural lang na mag selos ako. Hmm...pasalamat sya buntis ako kung hindi nabigwasan ko na sya. For your information Mr. Luciano Albanese, ako lang ang may karapatan na tumitig sayo ng malagkit."

"That's my wife, damn, kaya mahal na mahal kita e."

Mayabang naman siyang ngumisi. Lihim din siyang kinilig pero sinarili na lamang niya baka kasi pareho pa silang makagawa ni Ico ng kasalanan sa loob ng eroplano. Malayo-layo pa ang Rome bago nila masolo ang isa't-isa.

After thirteen hours and thirty minutes nakarating na din sila sa Rome, Italy. Napagod siya sa biyahe kaya ng mag check-in sila sa hotel nakatulog agad siya. Hinayaan lang siya ni Ico, na siyang umasikaso naman sa mga gamit nila.

Isang gabi lang naman silang mananatili sa hotel, alam kasi ng asawa na napagod siya sa biyahe kaya hindi muna sila nagpahatid sa resthouse ng matandang Albanese.

Ilang oras ding nakatulog si Jodelyn, nang magising siya nakahanda na ang mesa. Naka order na si Ico ng mga paburito niyang pagkain. May kasama pa iyong mga putahe na hindi pamilyar sa kanya. Malamang mga specialty iyon sa bansang pinuntahan nila. Tapos na siya sa paglilihi kaya sanay na siya sa amoy ng mga pagkain. Napangiti siya bago tikman isa-isa ang mga nakahain sa mesa. Nangingiti lang na nakamasid sa kanya si Ico.

"Wow ang sarap!" Natawa ang asawa sa naging reaksyon niya, lalo na ng lantakan na niya ang unang pagkain na natikman. White pasta iyon na madaming ham and cheese. Napa hash tag siya sa sobrang sarap.

"Kahit PANGET ka pa" (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon