Chapter 1

221 11 3
                                    


🍀🍀🍀

PARANG nakikita ni Jodelyn ang mga anghel sa langit habang nakatitig siya sa tapat ng bahay ng kanyang amo. Natabunan ng kasiyahan ang puso niya sa halip na pagkainis mula sa tagal ng pag uwi ng binata.

Nilalamok na siya sa labas ng nakasarang gate pero nakangiti pa din siya habang nakaupo sa kanyang bag. Grabe, hindi pa din siya makapaniwala. Sobrang saya niya dahil makakasama na niya sa iisang bubong ang kanyang ultimate crush.

Matagal na siyang may gusto kay Ico, simula pa noong unang tumapak ang mga paa niya sa loob ng mansion ng ama nito. May angking karisma ang binata na kayang magpakinang sa mga mata niya. Nakakalaway titigan ang guwapo nitong mukha, na nahahawig sa binatang version ng astor na si Ben Affleck.

Maganda ang hazelnut na mga mata ni Ico, nangungusap ang mga iyon parang nanghihibo. Kinilig si Jodelyn ng maalala niya noong unang beses na makipagtitigan sa kanya nang labing isang segundo ang binatang amo.

Nasa hardin ito noon habang nagkakape nang lapitan niya para sabihing tumatawag ang kaibigan nito. Kalkulado niya ang bawat segundo ng pagtitig sa kanya ng binata. At mula nang matitigan siya nito ng ganoon, umusbong na ang lihim na damdamin niya para kay Ico.

Nangangarap na din siya na mahalikan nito. Kahit isang halik lang okay na sa kanya, pwedeng pwede na siyang mamatay. Muli ay kinilig si Jodelyn.

"Ay palaka!" tili niya ng may bumusina dahilan upang maglaho ng tuluyan ang masayang ngiti sa mga labi niya. Muntik pa siyang mawalan ng balanse mabuti na lang at nakahawak agad siya sa bag niya, kung hindi baka magmukha na talaga siyang palaka kung napaupo siya sa simento dahil sa pagkagulat.

Hash tag JodelynAngBabaengPalaka Napaantanda siya, ang aga namang mag respond ni papa G, e hindi pa naman siya handang mategi.

Tumayo si Jodelyn ng huminto ang kotse, lumabas mula doon ang taong hinihintay niya, nakahanda na ang ngiti niya para kay Ico, nang kunutan siya nito ng noo. Nagtataka marahil dahil naroon siya.

"Jodelyn? What are you doing here?" tanong nito nang makalapit. Pinagpagan muna niya ang mga kamay bago nakangiting sagutin ang amo.

"Pinadala po ako ni Señor Isidro, dito na daw po ako sa inyo," nakangiting tugon niya. Nanlaki naman ang mga mata ni Ico.

"What?!" Napangiwi siya, sa lakas ng boses ng binata parang mababasag pa yata ang eardrums niya.

Alanganin niyang nginitian ang amo na mukang magbubuga na ng apoy. Noon pa man ay alam na niya na ayaw nitong may kasama sa bahay, kaya nga ito bumukod sa ama nito. Mas gusto nito ang mapag isa. Ayaw nito ng minamanduhan o pinakikialaman at lalong ayaw nito ng may ibang tao sa bahay nito.

"Eh, señorito, sabi po ng Señor, alagaan ko daw po kayo," paliwanag pa niya.

"Ano ako bata?" simangot na segunda ni Ico.

Ngumuwi ulit siya matapos ay muling nag rason.

"Tinanggal na po ako sa trabaho ng Señor, ibinigay na din po nya sakin ang buong sweldo ko. Kaya hindi nyo na po ako pwedeng pabalikin sa mansion dahil hindi na din po ako tatangapin ni Señor Isidro," dagdag na paliwanag niya—nagpapaawa.

Napapikit nang mariin si Ico. Kilala naman niya si Jodelyn, tatlong taon na din itong nagtatrabaho sa ama niya at ito ang madalas na ipanapadala ng matanda para maglinis sa bahay niya—isang beses kada isang buwan, sanay na din siya sa babae, mabait naman ito, kaya lang hindi talaga siya sanay na may ibang taong natutulog sa bahay niya. At hindi siya komportable kapag may kasama din siya sa iisang bubong.

Noon pa mang bago siya bumukod sa ama niya, nangupahan muna siya sa isang condo unit kasama si Frenzy, kasalukuyan palang na nagsisimula noon ang mga negosyo nila. At hindi siya tumagal man lang ng anim na buwan habang kasama ang kaibigan. Iniwan na niya ang condo kay Frenzy at bumili siya ng sarili niyang bahay. Hindi niya matagalan na may kasama sa iisang bahay, tapos ngayon may makakasama na naman siya dahil sa kagagawan ng ama niya.

"Kahit PANGET ka pa" (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon