Chapter 9

248 14 3
                                    


🍀🍀🍀

NAKILALA na ni Jodelyn ang mga kaibigan ni Ico, at hindi niya maitatanggi na pawang mga guwapo din ang mga kaibigan ng asawa niya. May time na siyang mamuri dahil hindi na siya gutom.

Nainis nga lang si Ico, dahil bago sila umuwi ng bahay hindi pumayag ang mga kaibigan nito na makadaupang palad siya. Ang lapad ng ngiti niya dahil puring puri siya nina Hanz at Yolk. Ang ganda daw kasi niya. Busog siya kaya naging magiliw na siya sa dalawa. Si Zej ay hindi rin makapaniwala noong una matapos siyang ipakilala dito ng asawa niya. Akala pa nga nito wala pa siyang asawa, kung single pa daw siya liligawan daw siya nito. Kaso buntis na din pala siya. Napangiti ulit siya ng maalala ang tatlong binata.

"Stop smiling," saway sa kanya ni Ico pagpasok nila ng bahay, hustong nakanguso na ito habang nakahalukipkip na umupo sa sofa.

Nilapitan naman agad niya ang asawa. Lakas loob siyang kumandong sa hita nito.

"I love you, love. Wag ka ng magselos dyan, ikaw lang naman ang mahal ko e."

Yumapos sa baywang niya si Ico, nagpapalambing.

"Say that again."

Napangisi naman siya bago ito pagbigyan. "I love you, my love."

"I love you more, sorry kung nagselos na naman ako." Sinapo niya ang panga nito.

"Okay lang, ibig sabihin lang nun patay na patay ka talaga sakin." Naiiling na kinurot ni Ico ang ilong niya.

"By the way appoinment ako bukas sa doktor, you want to come?" Tumango siya, gusto din niyang makausap ang doktor nito para mabigyan siya ng advice kung ano ang makabubuti niyang gawin sa tuwing inaatake ng selos ang asawa niya. Selos kasi ang dahilan kaya nagiging bayolente si Ico. Isa iyon sa mga ugali nito na kailangan nitong bawasan. Hash tag TamangSelosLangDapat.

Sa nakikita naman niya, sa nakalipas na tatlong buwan marami nang nagbago kay Ico, parang excited pa nga ito na makitang lumabas ang baby nila.

Panay kasi ang kausap nito sa baby bump niya. Ngayon ngang nasa sala sila himas na naman nito ang tiyan niya. Umupo pa talaga ito sa sahig at ikinulong ang sarili sa pagitan ng mga hita niya para malayang mahimas at mahalikan ang umbok niyang tiyan.

Habang abala ito sa ginagawa kung ano ano namang emahe ang naglalaro sa utak niya. Si Ico habang sinasamba ang pagkababae niya. Napalunok siya, pinagpawisan siya sa noo at nagsimula ding mangatal ang labi niya sa pagragasa ng tensyon sa katawan niya. Hash tag Wet.

Naramdaman naman ni Ico ang paggalaw ng mga hita niya kaya nag angat ito ng ulo.

"Someting wrong?" Namumula ang mga pisngi na nag iwas siya ng tingin.

"Wala, naiinitan lang ako," tensyonadong sagot niya. Lumunok siya "alis kana dyan." Ngunit hindi nagpatinag si Ico. Nang tingnan niya ito. Seryoso itong nakatitig sa kanya. Base sa pagkakatitig nito sa kanya tila may ideya na ito sa nangyayari sa katawan niya. Sigurado din siya na alam na nito ang tumatakbo sa utak niya.

"Are you horny, sweetheart?"

"Hindi ah!" dipensa agad niya at lalong namula. Natawa naman si Ico. At bago pa siya makapalag nabuhat na siya ng asawa.

"Sexy time!" Napatili siya dahil pinupog na siya ni Ico ng halik sa mukha habang buhat siya. May pag iingat itong naglakad paakyat ng hagdan. Lihim naman siyang kinilig dahil sa kilos na iyon ng asawa.

Nang makapasok sila sa silid nila maingat siyang inihiga ni Ico sa kanilang kama. Naging maingat din ito sa pagtanggal ng mga damit niya.

Nakagat niya ang ibabang labi dahil sa antipasyon. Ang bawat haplos na ipinadadama sa kanya ni Ico ay nagdudulot sa kanya ng init. Tumataas ang temperatura niya. Para siyang sinisilaban.

"Kahit PANGET ka pa" (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon