Chapter 10

340 19 4
                                    

🍀🍀🍀

MALUHA-LUHA si Jodelyn ng yakapin ang kanyang mga magulang. Pero ng humupa ang emosyon hindi napigilan ng inay niya na talakan siya.

Buntis na siya at may asawa na tapos wala man lang daw siyang kabalak balak na ipaalam sa mga ito.

"Sorry po, 'nay, sasabihin ko naman po talaga sa inyo, kaso lang naghahanap pa po ako ng tiyempo. Saka busy din po ako." Lumabi ang inay niya.

"Kung hindi ka lang buntis kinurot na kita sa singit. Kung hindi pa kami ipinasundo ng biyenan mo malamang wala pa din kaming kaalam alam sa nangyayari sayo, tapos ngayon ikakasal ka pa."

"E hindi ko din naman po alam na ikakasal ako ngayon," dipensa niya.

Magsasalita pa sana ulit ang inay niya ng sawayin ito ng itay niya.

"Tantanan mo na nga si Nikay, hayaan mo na." Umingos nag inay niya.

"Kuh, may pasaway saway ka pang nalalaman e ikaw nga itong panay ang sabi kanina na makakatikim itong anak natin ng sermon mo." Natatawa namang nagkamot sa ulo ang itay niya.

Natawa na lang din siya maging ang dalawa niyang kapatid.

"Ate, nakita na namin kanina ang asawa mo, ang guwapo guwapo! Ang swerte mo ate, malalahian tayo ng guwapo." Natawa siya sa sinabi ni Igme. Ganun din ng sumegunda ang bunso nilang si Lilit o Jocelyn.

"Oo nga ate," pero ang inay niya iiling iling.

"Kuh, e magaganda rin naman ang lahi natin, ikaw Jovelyn at Jocelyn ay parehong maganda, guwapo din ang Itay nyo."

"e si Ate po?" magkapanabay na tanong ng dalawa. Nag isip ang inay niya, pagkatapos ay tumingin sa kanya, "kinulang sa ganda pero gumanda naman na ngayon." Sumimangot siya.

"Ang nanay talaga!" Sabay sabay silang natawa kahit para na siyang maiiyak sa pagsimangot niya. Hindi man lang nagsinungaling ang inay niya, talagang literal na sinabi na panget siya.

Nagkwentuhan pa sila bago tawagin ang atensyon nila. Isa pang babae ang lumapit sa kanya at inakay sila palapit sa isang puting kotse.

"Sakin po sasabay ang mga kapatid nyo, ma'am, kayo po sa bridal car kasama ang parents nyo." Niyakap pa muna siya ng mga kapatid niya bago sumunod ang mga ito sa babae. Sila naman ay sumakay na sa kotse. Pero nagtaka siya ng biglang mawala si Devine. Kanina lang ay nasa likod niya ito. Nagkibit balikat na lamang siya. Baka nauna na ito sa simbahan.

Malapit lang naman ang simbahan. Pero namangha siya dahil kahit gabi na nag abala pa talaga ang matandnag Albanese sa surpresang kasal na iyon. Buong Pasig Cathedral inarkila nito para sa gabing iyon.

Pakiramdam tuloy niya ang banal banal niya habang dahan dahang binubuksan ang pinto para sa kanya. Hinga-lunok ang ginawa niya bago simulang humakbang. Sa dulo ng altar, nakita niya doong nakatayo si Ico, katabi si Frenzy. Ang asawa ay titig na titig sa kanya. Iyong klase ng titig na nakakatunaw.

Huminga ulit siya ng malalim bago humakbang papasok. Nakahawak siya sa magkabilang braso ng mga magulang niya. Sa papel lang sila ikinasal ni Ico, pero ngayon sa simbahan na talaga sila ikakasal at pareho pa silang walang alam, pakana iyon ng matandang Albanese.

"Ang swerte mo sa asawa mo anak, at mukang pareho ding mababait ang mga magulang nya," bulong ng inay niya halata ang saya sa mukha nito. Napangiti siya.

"Sobrang bait po talaga, inay," pag sang ayon niya habang buong pusong nakangiti kay Ico. Kung babalikan niya ang simula ng love story nila ni Ico, siya na mismo ang unang magsasabi na sobrang maswerte talaga siya dahil siya ang pinakasalan nito. At nangyari ang lahat ng iyon dahil sa ama nito, kung hindi nito prinessure si Ico, na mag asawa malamang ay hindi siya maglalakas loob—ganoon din si Ico na magpakasal sa tulad niya. Nang makalapit siya sa altar sabay siyang niyakap ng mga magulang ni Ico.

"Kahit PANGET ka pa" (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon