07

534 9 0
                                    

Why are you ignoring me?”

I saw him seriously writing so I approached him. Hindi niya pa rin ako pinapansin, what’s wrong with him? Nanatili ako roon hanggang sa mainis na ako sa kanya.

“You really don't want to talk to me?” nawawalan na ng pasensyang sabi ko sa kanya, hindi mahaba ang pasensya ko sa katulad niyang pabebe. I sigh when I don't get an answer from him.

“Imbis na maginarte ka jan, tulungan mo na lang. Ano ba mga gusto ni Captain?” tanong ko at pumalumbaba sa lamesa. Napa-simangot ako nung hindi talaga niya ako pansinin.

“Libre kita ng lunch, dali na!” 

“Kahit wag na” parang galit siya, at nagsimula na mag ayos ng gamit niya.

“Hoy!” 

Hindi ko na siya hinabol, pero naiwan niya yung notebook niya sa lamesa kaya nilagay ko iyon sa bag at pumasok na sa next class ko. 

Nang matapos yung dalawang subject ko, lunch na. And i didn’t expect na naghihintay siya sa labas ng building ko.

“Anong ginagawa mo rito?” I even arched my brow to him. Umiwas lang siya ng tingin.

“Sabi mo ililibre mo ako ng Lunch, tara na. Nagugutom na ako” masungit na sabi niya pa. I tried to hide my laugh.

“Ikaw na mag order” i said, nakita ko naman na nangunot ang noo niya sa akin.

“Ako ba manlilibre?” sarkastiko niyang sambit

“Foul ka na Mr. Gonzales ha! Ano ba ginawa ko sayo, para sungitan mo ako?” duro ko pa sa kanya

“Dense” bulong niya. Pero narinig ko yon.

“Hindi ako dense!” pag depensa ko.

“Kung hindi ka dense, bakit hindi mo maramdaman na gusto kita?” he shut me, napaiwas agad siya ng tingin. hindi kaagad ako nakasagot. Dahil sa awkward tumayo na ko at ako na ang bumili ng pagkain namin. 

I just ordered adobo, kasi nagcrave ako bigla sa adobo. Pagkabalik ko sa table namin, naglalaro na siya sa phone niya kaya inilapag ko na lang sa gilid yung order ko para sa kanya. 

Nagsimula na akong kumain pero siya naglalaro pa rin sa phone niya kaya tumikhim ako para makuha ang atensyon niya. 

“Bobo amputa! Sabi bumalik sa tore e!” 

“Ehem!” napatingin niya sa akin, i just rolled my eyes and look at my plate again. 

“Ay, sorry” sambit niya at tinago na yung phone sa bag niya. 

After eating lunch wala na akong class kaya dumeretsyo na ko sa model room para lagyan ng final touches yung plates ko.

“Wag mong hahawakan yan, Primo!” sita ko kay Primo nung balakin niyang hawakan yung pinapatuyo kong plates.

“Ayan na nga ba sinasabi ko eh! Ididikit ko uli!”  i frustrated said, nung natumba yung ibang parts sa plates ko kasi hinawakan niya 

 “Umalis ka na nga dito!” pagtataboy ko pa

“Wag ka dito dadagukan kita!” saad naman ni Irish nung balakin ni Primo na lumapit sa kanya.

“Wala ka bang gagawin at nanggugulo ka dito?” tanong ko sa kanya, umiling lang siya

“Tinapos ko na kanina, makaalis na nga dito!”

“Buti pa nga, shoo '' sambit ni Irish na abala pa rin sa paggugupit. 

Nagtagal pa kami sa model room ng ilang oras bago namin napagdesisyonan na bukas na lang ituloy. 

“Ikaw, ela? Sabay ka na sa amin” aya pa ni Irish habang nakahawak siya braso ni Vince, boyfriend niya. Yung long time crush niya. Tipid na ngumiti lang ako sa kanya at umiling.

“Okay lang ako, magu-uber na lang ako” sambit ko, nagtanguan lang kami at umalis na din sila. 

Nakailang call pa ako kay kuya pero hindi talaga niya sinasagot yung call kaya nagdecide na lang ako na mag uber. Pipindot palang sana ako sa phone ko nung may tumigil na sasakyan sa harapan ko. Binaba niya yung window sa shotgun seat.

“Hatid na kita” tumango ako at pumasok na sa sasakyan niya. 
“Pwedeng dumaan tayo sa Skasta Kuwadro” sambit ko. Tumango lang siya 

Pagkarating ng Skasta Kuwadro nauna na akong bumaba ng sasakyan at bumili ng mga kulang na materials para sa plates ko. Hindi ko namalayan na sumunod pala siya. Pagkatapos magbayad hinatid na din niya ako sa bahay.

“Thank you” tipid na ngiti lang ang sinagot niya sa akin

Kinabukasan wala kaming gaanong ginawa kaya tumambay lang kami sa may field nina Irish. 

“Manonood kayo ng laro bukas?” tanong niya

“Anong laro?” takang tanong ko

“Bukas na yung laban ng Acasys at St. Martin University” sambit niya at inirapan pa ko. As if naman na updated ako sa mga ganap ng varsity. 

“Ah. di ko alam, check ko schedule ko”  at uminom sa mogu mogu na hawak ko

“Absent ka na lang muna sa gymnastic mo, okay lang naman yon” suggest niya pa

“Sige titingnan ko” youn na lang ang sinabi ko

“Dali na! Sumama ka na, wala akong kasama” 

“Saan ba gaganapin yon?” 

“sa STMU” 

“Sige” pagsuko ko, hindi ako tatantanan ni Iirsh kung hindi ako papayag kaya sumangayon na lang ako.

“Saan ka pupunta?” sigaw na tanong ni Irish nung tumakbo na lang bigla si Primo

“Babalik ako, hintayin niyo ako” sigaw naman nung isa

“Ano na naman nangyari don?” i just shrug, she stood up kaya napatingala ako sa kanya “tara sa gym”

Napabuntong hininga naman ako at tumayo. Wala akong choice kung hindi sumunod. Pagkaratng namin doon may group of girls na nanonood, kahit wala pa naman tumitili na sila kapag nashoshoot yung bola sa ring.

Pagkatapos nila mag practice,, nag uwian na agad yung ibang mga teammates niya kaya sila cap. at vince na lang yung naguusap, dahil si Syd dumiretsyo sa locker room nila. 

Nagulat ako nung lumapit si Captain sa akin na may ngiti sa labi.

“Are you going to the game tomorrow?” he asked, hindi agad ako naka sagot agad. Pero mas nagulat ako nung may bagay na pumulupot sa bewang ko. Pagtingin ko, si Syd na madilim ang tingin kay Captain.

“Yes po, pupunta po ako” magalang na sambit ko. Tumango lang siya

“I see” pagkatapos noon naglakad na siya palayo. Masama ko namang binalingan si Syd.

“What’s your problem?” iritang tanong ko sa kanya.

“Wala” wika niya at nagiwas ng tingin.

“Pupunta ka bukas?” mabagal na sambit niya

“Oo, kaso hindi ko alam kung saan pwede bumili ng ticket”  tumango lang siya at naglakad na palabas ng gym, kaya sumunod ako sa kanya. 

Napatigil siya sa paglalakad kaya napatigil din ako, humarap siya sa akin at pinagtaasan ako ng kilay. 

"Ba't ka sumusunod?" Sambit niya. 

"Hatid mo ako, please" bulong ko, sapat na kami lang ang makakarinig. Napailing naman siya bago bumuntong hininga at binuksan yung kotse niya. 

Nakangiti naman akong pumasok roon qt nagkabit ng seatbelt. 

Nung nasa tapat na kami ng bahay, bababa na sana ako nung pigilan niya ako.

"Magwhite ka lang bukas, magkita tayo sa gate ng STMU"  tumango lang ako at pumasok na sa bahay. 

Pagka sarado ko ng pintuan, yun naman ang pagtunog ng phone ko. 

From: Seed

Good night:)


__________________________________________________________________________________
;)


































Seeing You In The Crowd (Seeing You Series 2)Where stories live. Discover now