27

1.4K 9 1
                                    

"Beb, may gagawin ka ba mamaya?"

It's Cali. My best friend here in california. The one who Primo really trusts. And he knows the reason why I'm here in california. He helps me to cope up here and we live in the same roof. Napatingin ako sa kanya na ngayon nakaharap sa salamin.

"Wala beb, bakit?" Sagot ko

"Arat Club"

" ayoko, may hang over pa ko" mabilis na pagtanggi ko

"Ay oo nga. Wag ka na! Grabe ka kagabi." Sang ayon niya, napakunot naman ang noo ko sa mga huli niyang sinabi

"Anong ginawa ko kagabi?" Kinakabahang tanong ko

"Wala kang natatandaan?" He ask, naka taas ang isang kilay. Umiling lang ako, dahil wala naman talaga akong matandaan. "Nang halik ka lang naman sa club!" Dire diretsyo niyang wika

"Ha?" Gulat ko siyang tiningnan "wag kang nagbibiro, Cali!"

"Mukha ba akong nagbibiro, sis?" Maarte niyang sambit at inirapan pa ako!

"Yung totoo, Calixto?" Seryoso kong sambit at tinawag siya sa tunay niyang pangalan, umasim naman ang mukha niya.

"Abay malay ko sayo! Nagpaalam lang naman ako sayo na iihi lang ako tas pagkabalik ko may kahalikan ka na!" Hindi kaagad ako nakapagsalita at pilit prinoproseso lahat ng sinabi niya.

Ako? Manghahalik? Ng lalaki! Sa club?! Hindi ako yon!

"K-kilala mo ba kung sino?" Tanong ko, ganon na lang ang pagkakunot ng noo ko nung ngumisi siya

"Wala ka talagang natatandaan?" He ask again and i shook my head for the second time "anak ng boss natin" sambit niya at umalis sa harap ko para kumuha ng juice sa ref.

"Ha?" Hindi ko makuha ang sinasabi niya

"Anak ng boss natin yung kahalikan mo kagabi" napatakip agad ako sa bibig at tumingin sa kanya.

"Totoo?"

"Totoo!" Pagklaro niya

"Gg"

"Gg talaga! Siya ang aattend sa meeting natin bukas, kaya goodluck!" Sabi niya, nang aasar! Inilagay lang niya yung basong ginamit niya at umalis na din.

Napakagaling talaga! Pagkatapos niyang sabihin yon, iniwan ako!?

Hindi ko na tinapos pa ang ginagawang draft sa laptop ko at nag ayos na lang ng sarili. I just wear high waisted jeans, turtle neck, brown coat and boots.

Pumunta ako sa pinakamalapit na music studio dito sa san francisco. Bumungad sa akin ang lalaking medyo may katandaan na, maybe early 60's.

"Hi, Elara!" he greet me

"Hi robert!" i greet him back,

"Harp?" he ask, tinutukoy yung instrument na lagi kong tinutugtog.

"Yup!" i nod, smiling

"Why don't you try the violin one" he offer, mabilis ko iyong tinanggihan. Nasasaktan pa rin ako kapag nakakakita ng violin, dahil kapag nakakakita ako ng tumutugtog non ay siya na lang ang lagi kong naalala.

"Okay" nakakaintindi naman siyang tumango at hinayaan akong makapasok sa studio.

Simula nung mahanap ko itong studio na'to ay lagi na akong pumupunta dito kapag gusto kong mag palipas oras, i always play 'can't help falling in love by elvis presley'

I sit in my usual seat and position myself before starting to get the harmony of the song. Tumugtog pa ako ng ibang kanta bago napagpasyahan na umuwi na.

Seeing You In The Crowd (Seeing You Series 2)Where stories live. Discover now