"Bobo, amp!"
May exam na kami next week kaya need na mag aral. Nandito kami ngayon sa isang malapit na book cafe. sNasa harapan ko Syd nakaupo at naglalaro sa phone niya. He insist it na samahan ako kasi magaaral din daw siya pero kanina pa siya maingay, hindi ako makapag focus sa binabasa ko because of him.
"Ano ba?" galit na sita ko sa kanya,napatigil siya sa pagpindot ng phone niya.
"Kung wala kang balak na manahimik, bukas ang pinto ng shop pwede ka na umalis! Ang ingay mo eh!" dugtong ko pa, tiningnan niya muna ako bago pasimpleng pinatay yung phone niya at nag-basa na ulit ng reviewers. Napairap na lang ako.
Makalipas ang ilang oras na pag aaral, nakatapos din. I stretch my back before i look at Syd, nakadukdok siya sa lamesa. Natutulog. I look at him softly. Hindi ko ipagkakait na gwapo siya, may pagka singkit ang mga mata niya, he has a pointed nose and pinkish lips. Agad kong inalis ang mga mata ko sa kanya nung nagmulat siya ng mata. Tumingin siya sa akin at ngumisi.
"Ramdam ko yon" parinig niya pa
"Ang alin?" maang ko pa
"Hinahalay mo ko!" sambit niya pa at nagkunwaring tinatakpan ang dibdib, inirapan ko siya na ikanatawa niya.
"Tara na" sabi ko at nag ayos ng mga gamit.
Nang makalabas ng coffee shop doon ko lang napansin wala siyang dalang sasakyan, i look at him, he just arched his brow at me.
"Asaan ang kotse mo?"
"Gamit ni papa, nagcommute lang ako" tumango lang ako at ako na ang pumara ng jeep.
"Bayad po" sambit ko at iniabot ang bayad sa driver. "Dalawa po yan"
Nung malapit na sa village, nagpara lang ako dahil doon tumigil yung jeep at bumaba naman ako. Akala ko hindi na siya bababa pero nakasunod na pala siya sa likod ko.
"Dito ka nga!" sambit ko at hinila siya patabi sa akin, ang creepy kasi. Feeling ko may sumusunod sa akin. Tapos isama mo pang color black yung hoodie niya.
"Chancing ka lang eh!" biro niya pa
"As if?!" at umirap pa.
Kinabukasan, may pasok na naman. Dumaretsyo na ako sa locker room. Hindi na bago na may bulaklak at sticky notes sa loob ng locker ko, inilagay ko lang yung sticky notes sa bag at kinuha yung t-square ruler sa locker. At pumasok na sa pangalawang klase.
In the middle of my class, nag vibrate ang phone ko. Hudyat na may nagtext. Patago ko itong tiningnan. It's Syd. So I opened his text.
From: Seed
Lunch mamaya:)
Hindi na ako nagtipa ng reply dahil tinawag na ako ng prof. ko para sa recitation.
After class, dumaretsyo na ako sa cafeteria at nakita siyang naglalaro sa phone niya. Sinilip ko pang kung anong nilalaro niya. Pero hindi ko talaga alam kung ano yon. Well, im not into games.
"Gusto mo sumali?" tanong niya nung silipin ko ulit ang phone, kanina pa kasi eh. Hindi pa siya nag oorder. Nagugutom na ako.
Umiling ako "ayaw kong sumali kasi nagugutom na ako" pagkasabi ko noon mabilis niyang tinago ang phone niya at tumayo na para mag order.
"Elara!" tawag nung kung sino, boses pa lang alam ko na kaya napairap ako. It's Primo.
"Ano na naman?" bungad ko kaagad nung inilapag niya yung tray sa mesa at umupo sa tabi ko.
"Pinagtatabuyan ako ni Irish" parang batang sumbong niya. "Wala na nga akong friends, tinataboy pa ako" pagdadrama niya pa. Napangiwi na lang ako
"Oo na, dito ka na" sambit ko at bumuntong hininga pa. Nagpapalakpak siya bago nagsimulang kumain "isip bata" bulong ko
"Rinig ko yon!" sambit habang punong puno ang kanyang bibig ng pagkain "lab mo naman" sabi niya pa at ngumiti ng pagka lawak-lawak, napairap na lang ako.
Dumating na din Syd na may matalim na tingin kay Primo. Hindi ko na lang iyon pinansin, dahil hindi naman siya pinapansin ni Primo, at isa pa gutom na ako.
Napabagsak ni Syd ang kanyang kubyertos nung ibinigay ko kay Primo yung carrots, ayaw ko talaga ng carrots kaya sa kanya ko binibigay, favorite niya kasi yon. Mas lalong sumama ang mood ni Syd nung ibigay naman ni Primo sa akin ang patatas niya, ayaw ni Primo yon pero nakain ng fries. Hindi ko na lang siya pinansin at nagpatuloy sa pagkain.
Hindi pa man din kami tapos, tumayo na si Syd at lumabas na ng Cafeteria.
"Sundan mo na yon, nagseselos yon panigurado" makahulugang sambit ni Primo, naguguluhan man sinundan ko siya kaso nabangga ako nitong taga engineering din kaya nawala siya sa paningin ko.
Dumiretsyo na lang ako sa gym, nagbabakasakaling doon siya dumiretsyo. Wala silang training ngayon dahil exam week, hindi ako nagkamaling nandoon siya.
He's throwing the ball. Lahat ng ibato niyang bola hindi mashoot sa ring hanggang sa pinanggigilan niya yon at ibato sa kung saan,dahilan kaya tumalbog yon sa gawi ko. Buti na lang iniwasan ko yon.
"Nagseselos ka dahil hindi ko binigay yung carrots ko sayo?" panimula ko
Napatingin naman siya sa akin at sinamaan ako ng tingin.
"Edi sana sinabi mong gusto mo, para binilhan kita ng madami" dugtng ko pa at lumapit sa kanya.
"Hindi ka talaga makakapag shoot kung yang kilay mo magkadikit!" biro ko pa.
"Nagseselos ka don? E, may ibang gusto yon!" sabi ko pa
"Mga engineer nga naman, mga seloso!" sambit ko at sinabayan pa ng pag iling.
"Ayaw mo na akong kausap?" sambit ko sa malambing na tono, hibdi pa rin niya ak9 pinapansin at tuloy pa rin siya sa pag drible ng bol
"sige ah, panindigan mo yang hindi pag usap sa akin"
"O'siya sige" sabi ko sa nawawalan ng ganang tono
"but don't forget to mark your calendar that its our anniversary next year"
__________________________________________________________________________________:0
YOU ARE READING
Seeing You In The Crowd (Seeing You Series 2)
Romance(Seeing You Series #2) COMPLETED Seeing you in the crowd, in different time. Syd, the mvp in the varsity team, a civil engineer. The man who's looking at Ela in the crowd. A girl who lost at the engineering dept., the one who accidentally met our mv...