"Artista na pala talaga siya"
Hindi ko alam kung bakit hinanap ko pa siya sa Ig dahil ang dati niyang ginagamit ay naka deactivate na. Gulat naman akong makita na madami siyang followers at verified pa siya sa ibang social media na posible niyang gamitin.
"Ang ganda-- mas gumanda ang ex mo! Ex mo!" sambit ni Kyt,halatang nang aasar. Dahil mas pinagkadiinan pa ang salitang ex!
"Doon ka nga! Epal ka e!" pagtataboy ko
"Paano, Engr. kung umuwi si Ex tapos gagawa sila ng movie ng magiging kalove team niya dito tapos may kissing scene. Ano irereact mo?" sambit niya at ngumisi pa. Kung pwede lang talagang pumatay ng katrabaho, baka ngayon nakabulagta na ang isang'to sa sahig.
Pero, tangina! Parang nag dilang satanas si Kyt dahil nagkatotoo lahat ng sinabi niya!
Hindi ko alam kung bakit nakikipag siksikan ako sa mga tao ngayon dito sa airport?! Tanginang Kyt kasi! Nanghahatak na lang bigla!
Nakita ko siyang nagmamadaling pumasok sa van niya, nahagip pa ng mata ko yung lalaking kasama niya. Sino yon?
Wala pang isang linggo si Ela dito sa pilipinas ay matunog na agad ang pangalan niya. Nakita ko na lang ang sariling gumagawa ng fan account sa facebook at twitter. May photoshoot siya ngayon, hindi sinabi kung saan pero lipstick lang naman iyon.
"Hoy! Ano yan?!" bulyaw ni Kyt sa akin, nakadungaw pa sa cellphone ko "bat may pa fan account, pre? Kung pwede mo naman itanong sa kuya niya"
"Gago! Pwede ko naman itanong sa kanya dapat yon!" sambit ko at tinulak ang mukha niya papalayo sa akin
"Close ba kayo?"
"Hindi." simpleng sambit ko, nangiwi naman siya
"Oh, hindi naman pala, e. Bat ka magtatanong?"
"Wag ka ngang mangialam, pakialamero!" inis na sambit ko.
Hindi pa siya natigil sa pangaasar at dinala niya pa iyon hanggang sa meeting, nakakahiya tuloy kay Ms.
Lagi akong updated sa mga nangyayari sa araw ni Ela dahil yung sinalihan kong fan page ay talagang tutok kay Ela, lahat ng schedule niya ay updated.
kaso nainis lang ako sa mga tweet at post ng mga fan na may posibilidad na may mature scene daw sa first ever movie nung Steven at ni Ela!
"Ito? Pagtitilian nila? Sus, mas gwapo pa ako dito" bulong ko
"Oo, engineer. Mas gwapo ka pa jan pero tawag ko ni Ms. de leon! Kanina ka pa niya hinahanap! lagot ka! Wala ka na daw trabaho, ako na daw papalit na head engineer!" pananakot ni Kyt, para siyang kabute, sulpot na lang ng sulpot bigla!
"Ulol!" sambit ko at nagtaas pa ng gitnang daliri. Lumapit ako sa pwesto ni Ms. De leon, nasa mga 40 years old na siya. Nag tanong lang naman tungkol sa mga materials.
Maaga akong nakauwi sa bahay, nadatnan ko pang abala ang mga kapatid ko sa kanya kanyang gadget, nung silipin ko ang kanilang cellphone ay ganun na lang ang pagka kunot ng noo ko. May fan account din sila ni Ela! Ano dinudumog na ba talaga kami ni Ela?!
"Kuya, may meet and greet si ate Ela" sambit ni Syren
"Oh? Anong gagawin ko?" walang paki alam kong sambit
"Gusto ko pumunta kaso may school kami... ikaw na lang pumunta tapos kuhanan mo ako ng poster with her signature" sambit niya at umakyat na sa taas, sinundan ko naman siya ng tingin
Ginawa ba naman akong utusan? Bahala siya jan.
"Gusto din ni Syarain, pero kay Syarain talaga yung poster na sinasabi ni Syren" sambit ni Sylvan at tinapik pa ang balikat ko. Pagdating kay Syarain ay madali akong bumigay at ibinibigay ang gusto niya.
YOU ARE READING
Seeing You In The Crowd (Seeing You Series 2)
Romansa(Seeing You Series #2) COMPLETED Seeing you in the crowd, in different time. Syd, the mvp in the varsity team, a civil engineer. The man who's looking at Ela in the crowd. A girl who lost at the engineering dept., the one who accidentally met our mv...