20

530 12 1
                                    

"Puke ng ina talaga! Kapag talaga hindi ito kasama sa exam! Ipapakulam ko si Ma'am!"

Inis na ibinaba ni Irish ang reviewer niya. Yeah, she's here. Gusto daw niya na may kasamang siyang mag review para sa final exam namin dahil nawawalan daw siya ng ganang magreview kapag mag-isa. Pinagbigyan ko na lang dahil parehas lang naman din kaming nawawalan ng gana magreview kapag mag isa.

"Pagkatapos nito, may board exam pa! Gusto ko na lang talaga humimlay" sambit niya at tumayo para kumuha ng chips sa mini cabinet ko na malapit sa mini ref sa room.

Hinayaan ko lang siya mag pabalik balik kahit hilong hilo na ako sa kanya. Naibaba ko ang binabasang reviewer at nakakunot ang noo na bumaling sa pintuan, walang pasabi itong bumukas at niluwa si Primo! Wala talagang galang itong lalaki na'to! Basta basta na lang pumapasok! Paano pala kung naka hubad kami ni Irish dito! Edi nakita na niya lahat!

"Usong kumatok, Primo!" i said as i glared him, nag peace sign lang siya bago umupo sa tabi ko at nag labas din ng mga papel, i guess mag rereview din siya.

"Di ako makapag focus sa bahay, makikita ko na lang yung sarili kong naglalaro ng PS4 sa bahay!" reklamo niya sa sarili.

Tumayo ako at lumapit sa mini ref at kumuha ng tubig roon, kanina pa ako nauuhaw. Kahit nagbabasa lang naman ako pero pakiramdam ko na pati bibig ko nagbabasa rin, kahit utak at mata lang naman ang ginagamit ko.

Habang umiinom, napatingin ako sa pintuan nung may tatlong beses na kumatok at dahan dahan itong bumukas. Muntikan ko na maibuga ang iniinom nung makita ko kung sino!

"Babe!" gulat na sambit ko at patakbong lumapit kay Syd at niyakap siya, "i'm so drained! Kanina pa kami nagrereview." Reklamo ko sa kanya.

Napansin kong sinulyapan niya si Primo na abala sa binabasa, at walang pakialam sa amin.

"Need ko na bang magligpit? Kahit bukas pa naman talaga ko uuwi?" singit ni Irish

"What are you doing here? Tapos na ba yung work mo?" tanong ko, hindi pinansin si Irish. Tumango siya sa akin bago ako patakan ng halik sa labi at ipunulupot ang braso sa bewang ko. Nag Init ang pisngi ko noong narining ko ang malakas na pagbuntong hininga ni Irish

"I think, i need to call my boyfriend to come here, baka langgamin lang kami dito!" sabi ni Irish at pabiro pa akong inirapan.

"Napaka bastos mo! Wag mong tawagan para may karamay ako!" reklamo ni Primo at binato pa kay Irish yung throw pillow na malapit sa kanya.

"Wala ka lang kasing jowang pwedeng tawagan!" ganti ni Irish kaya napasimangot si Primo

"At sino nagsabi sa inyong pwede niyong gawing landian place tong kwarto ko?" pambabara ko sa kanila at pumaywang pa sa harapan nila. Nakapulupot parin ang kamay ni Syd sa bewang ko.

Hindi na sila nagsalita kaya humarap na ulit ako kay Syd. napatingin ako sa hawak ni Syd at napansin naman niya iyon kaya bahagya niyang itinaas yon.

"Sisig, ilang araw ka na nag cacrave dito diba?" nakangiti niyang sambit at tumango naman ako.

Noong marinig ni Primo ang salitang sisig lumapit siya sa amin, kaya pinagtaasan ko siya ng kilay at binigyan ng tingin na 'ba't ka andito look'. Ngumiti lang siya ng malapad at kinuha sa kamay ni Syd ang dalawang take outs ng sisig mula sa mang inasal.

"Sige, pre, tuloy niyo na yan, wag niyo kaming isipin" sambit ni Primo at kinindatan pa kami, napapailing na lang akong humarap kay Syd at hinila siya sa may veranda. Primo is Primo, Food is Life!
Pagkasarado ng sliding door, umupo si Syd sa upuan roon bago ako umupo sa hita niya, mabilis naman niyang ipinulupot ang kamay sa akin at ipinatong ang baba sa balikat ko. Ang malamig na hangin ay yumakap sa amin pareho. Narinig kong bumuntong hininga siya sa likod ko at tumama ang hininga sa may pisngi ko. Kaya humarap ako sa kanya, hindi pa rin naalis ang pagkakayakap sa akin, ang kamay ay nasa likod ko na.

Seeing You In The Crowd (Seeing You Series 2)Where stories live. Discover now