24

1.3K 13 1
                                    

"Babe, una na ako"

Nag aayos pa lang ako ng sarili noong nagpaalam siya, wala akong nagawa kung hindi tumango na lang dahil mukha siyang nagmamadali. Magpapasundo na lang ako kay Primo. Baka paalis na din naman siya.

"Good morning architect, tawag po kayo ni Mrs. Acosta" sambit nung intern, si Mica. nakangiti akong tumango sia kanya bago tumayo sa pwesto at dumeretsyo sa office ni tita.

"Yes po? Tawag niyo daw ako?" bungad ko

"Did you know about your company?" tanong niya sa akin, umiling ako "they putting another branch sa batangas, and i want you to handle that" wala akong nagawa kung hindi tumango na lang dahil mukhang desidido si Tita na sa akin ibigay yung project.

"Ikaw na bahala kumuha ng engineer" pagkatapos ng pag uusap na iyon, lumabas na ako at nagtungo sa pwesto ni Primo.

"Engr. Vasquez!" habol ko dahil patungo siya sa head engineer nila

"Yes? Architect Zamora" napairap naman ako na ikinatawa niya.

"Ikaw engineer ko ha?" sambit ko, kita ko ang pagkakagulo sa mukha niya

"Papagawa ka na ng bahay?" takang tanong niya

"Hindi! Magpapatayo kasi sila mom ng isa pang branch sa batangas, sabi ni tita, ako na daw bahala sa engineer kaya ikaw na ha! Paki sabihan na lang din si Engr. Rodrigez" sambit ko at iniwan siyang nakatanga roon, di naman yon tatanggi kaya malakas ang loob kong iwan siya pagkatapos ng paguusap.

Binisita ko lang yung isang site sa bacoor dahil tumawag ang isang engineer doon, may pinapapalit kaya kailangan talagang mag usap ng harap harapan. May konting pagtatalo pa bago ako sumang ayon din sa kanya.

Pagkatapos bumisita sa site ay tumungo naman ako sa valenzuela para matingnan kung ano ng proseso sa pinapagawang bahay doon.

Umuwi ako sa bahay pasado ala syete. Akala ko ay nasa bahay na si Syd pero na bigo ako noong walang tao at patay ang lahat ng ilaw.

Di na naman ba siya uuwi?

Ibinaba ko ang mga dalang gamit sa mesa bago itinali ang buhok ko into ponytail at sinimulan ng ayusin ang mga kalat na iniwan namin bago ako nag luto ng hapunan namin. Kaya may pangambang hindi na naman siya uuwi, pero sana late lang siya.

Pagkatapos magluto, naglinis lang ako ng katawan bago umupo sa sfa at hindi namalayan nakatulog na pala dahil sa pagod. Naalimpungatan na lang ako noong maramdaman kong may lumapat sa noo ko. Nagmulat ako ng mata at laking tuwa na makita siya.

"Bakit ka dito natutulog? Kumain ka na?" tanong niya, tiningnan ko siya ng buo. Bago tumayo sa pagkakahiga. Tumingin ako sa orasan. 11pm na pala.

"Ikaw? Kumain ka na ba?" balik na tanong ko sa kanya. Tumango lang siya, tumayo na ako at nilagay ang nilutong beef broccoli sa ref.

"Hindi ka pa kumakain?" tanong niya ulit, pagod na ngumiti lang ako sa kanya bago lumapit sa kanya at iginaya na siya patungong kwarto.

Hinintay ko siyang matapos maligo bago matulog, pero hindi ko alam bakit nagising ako ng alas dos ng madaling araw at narinig ko siyang may kausap. Hindi ako gumalaw at pinakiramdaman ko lang siya

"Sige na, matulog ka na. Wag mo na ako hintayin, pupunta na ako" sambit niya, naramdaman ko siyang lumapit sa pwesto ko kaya agaran kong pinikit ang mga mata ko at naramdaman ko na lang na hinalikan niya ang sintido ko bago ko narinig ang pag alis niya sa condo.

Minsan sinasanay ko na ang sariling wala siya sa tabi ko, kahit na umuuwi siya, pakiramdam ko ako na lang mag isa.

Nagsimula ito nung sinabi niya sa akin na gusto daw niyang tulungan si Candice, wala naman akong magawa kung hindi sumang ayon sa mga desisyon, hanggat maari ayokong tumutol dahil buhay niya iyon, desisyon niya iyon, at kailangan kong respetuhin ng buong puso.

Kinabukasan, as i expected wala na siya sa bahay, kaya nag ininit ko na lang ang niluto bago ko iyon dinala sa opisina. Ibibigay ko na lang kay Primo dahil ganon naman ang ginagawa ko kapag hindi na kakain ang mga niluto ko, si Primo ang nakikinabang.

"Naks naman, baka pagkamalan na nila tayong mag asawa niya. Sarap mo naman maging misis." biro pa nito, hinampas ko siya sa braso

"Sira! Wala kasing kumain kaya sayo na" sambit ko

"Ayos ka lang ba? Kayo? Ayos lang ba kayo?" nag aaalalang tanong niya, minsan kapag tinatanong ako ni Primo ng ganitong tanong gusto kong umiyak, dahil pakiramdam ko unti unting lumalayo si Syd.

Pakiramdam ko unti unti niyang inaako yung responsibilidad ng iba, pakiramdam ko hindi na ako mahalaga para sa kanya, na inuuwian niya na lang yung condo para kumuha ng damit at aalis ulit para matulog kung kanino man siya natutulog.

Malakas ang pakiramdam ko na natutulog siya sa bahay ni Candice dahil noong tinawagan ko si Sylvan at tinanong kung natutulog ba ang kuya nila sa bahay ang sagot niya ay hindi.

"Ayos lang ako Primo, sige mag lunch ka na"

Bumili lang ako ng sundwich sa 7/11 dahil wala talaga akong ganang kumain.

Ganon lang lumipas ang araw ko, hindi na ako umaasa na madadatnan o uuwi siya sa condo kaya natulog na lang ako ng hindi kumakain.

Linggo ngayon at dapat, araw namin ngayon. This day should be our bonding time but i guess nag iba na, naglinis lang ako at ginawa na lang ang trabaho na dapat sa lunes ko gagawin. Wala naman akong gagawin kung di magtrabaho na lang dahil kung hindi ko aabalahin ang sarili sa ibang bagay baka makita ko na lang ang sarili ko na nag iisip ng kung ano ano.

Tinawagan ko si Irish para pumunta sa condo, pumayag naman siya pero hindi ko lang akalain na hindi siya nag dala ng alak. Kasi kapag pumupunta siya dito lagi siyang may dala.

"May problema ka" sambit niya, hindi iyon tanong more specific statement. "Hindi ka tatawag ng wala kang problema, spill"

Doon na tumulo ang luha ko, naiisip ko pa lang ang mga susunod na mangyayari gusto ko na lang patigilin ang oras, kung pupwede lang.

"Shush... ano ba kasing nagyayari sa inyo? Sa kanya?" pagpapatahan niya sa akin, kahit anong punas ko sa luha ko tuloy tuloy pa rin ang agos ng luha ko.

"Hindi na siya umuuwi sa akin..."parang bata kong sumbong

"Totoo ba talagang buntis si yung ex ni Syd?" takang tanong niya, tumango ako. "Tapos siya yung ama?"

"Hindi... alam naman niya yon eh" humiwalay siya sa pagkakayakap sa akin at siya mismong ang kumuha ng tubig para sa akin.

"Pakiramdaman mo lang, kapag hindi mo na kaya magsabi ka sa kanya, magreklamo. Hindi masusulusyonan yang iniisip mo kung hindi mo siya kakausapin, Ela."

Nag stay pa ng kaunti si Irish sa condo bago siya nagpaalam na uuwi na dahil hinahanap na siya ni Vince.

Ginawa ko ang lagi kong ginagawa, nagluluto ako kahit walang kasiguraduhan kung uuwi siya at sabay kaming kakain ng hapunan.

Dahil sa pagod nakatulog ulit ako sa sofa, naalimpungatan lang at binuksan ang ilaw dahil madilim na ang buong silid. 8pm. Hindi na ako dinalaw ng antok kaya binuksan ko na lang ang TV at nanood ng netflix. 11pm. Wala pa rin siya kaya napag pasyahan ko na lang na kumain ng magisa at nilinis ang mga pinagkainan ko bago natulog ng may sakit sa puso.

Sa nagdaang buwan ay ganun lang lagi ang nangyari sa araw araw ko, uuwi na umaasa na madadatnan siya, kung madadatnan ko man siya ay aalis din siya kaagad, parang uuwi lang siya para kumuha ng damit at aalis na din. Para na kong hangin sa kanya. 

Nasa hospital ako dahil ngayon ang schedule ko for my OB, i didn't stop drinking pills even though we didn't do the thing lately...

Nakita ko si Syd kung paano niya alalayan si Candice na animo'y isang babasaging bagay ang babae.

Nakatitig lang ako sa kanila, the look more couple, a husband who really worried about his pregnant wife who's struggling on walking, hindi ko naman ipakakaila na medyo malaki na ang umbok ng tiyan niya kahit na 4 months pa lang si Candice na buntis, at sa 3 months na yon na hindi umuuwi minsan, well, kadalasan na hindi na umuuwi sa akin...

Mapait akong ngumiti sa kanila, i guess i'm the hindrance to his relationship, if ever...

_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

:( 

Seeing You In The Crowd (Seeing You Series 2)Where stories live. Discover now