Chapter 20

60 1 0
                                    

Agatha's POV

Malapit ng matapos ang Second Quarter pero hindi parin ako tanggap ng mga kaklase ko. Pinaghihinalaan nila na ako ang suspect sa likod ng mga misteryosong text messanges. At malala, pati ang malawakang pagkamatay ng mga kaklase ko, sa akin nila binibintang. Hindi man sabihin ng mga class officers, ramdam ko na may hinanakit din sila sa akin. 

First Friday of the month, may class mass ngayon. Narinig ko kanina na ang class mass namin ay offering para sa mga souls ng mga kaklase naming namayapa na. At para rin daw matahimik na ang mga kababalaghan na nangyayari sa section namin. 

9:00 am pa naman yung mass. At mamayang 3:00 pm, mayroong Parent's Assembly kasi Distribution of Report Cards para sa Second Quarter. Ako ang current top 2 ng Star Section sa 3rd Year High School. Karapat-dapat lang na panindigan ko yun para malaman nila na kahit sa academics, kaya ko silang patalbugin. 

"Class! Early break time kayo ngayon. 8:20 - 8:50 am ang break time niyo. Then bumalik agad sa classroom. Dito ang assembly, sabay sabay tayong pupunta sa school chapel for our class mass." sabi ni Sir Bruce

"Yes sir." in unison na sinabi ng mga kaklase ko. 

Nagdasal sila ng grace before meal samantalang ako, wala akong planong kumain. Dito nalang ako sa classroom, magbabasa ng libro. 

"Ah, Agatha. Baba na tayo. Recess na natin." sabi sa akin ni Steff.

"Ayoko kumain. Kayo nalang." sagot ko

"Kailangan mong bumaba kasi baka kapag may nawala dito sa classroom, ikaw ang pagbintangan." sabi naman sa akin ni Cheska

"Ano pa bang bago? Lagi naman akong pinagbibintangan eh. Diyan sa mga misteryosong pagkamatay ng mga kaklase natin. Yang text messanges na yan. Akala niyong lahat ako ang tao sa likod ng mga iyan. Pero sasabihin ko sa inyo, wala akong kinalaman diyan." pagkakasabi ko nun, tumayo ako. Sa library nalang ako magbabasa.

"Agatha, hindi iyan totoo." sabi pa ni Pauline

Narinig ko yung sinabi niya pero hindi ko nalang pinansin. Malamang, pinaplastik lang nila ako. 

Pagkadating ko sa library, binuklat ko ka agad ang librong binabasa ko. Mga 10 minutes palang akong naka-upo, biglang nag-beep ang phone ko.

From: 09090912345

"Hi Agatha! It seems lagi kang mag-isa. You wanna join me?" 

Huh? Kaninong number yun? Tumingin-tingin ako sa paligid ng library, ako lang naman yung tao tsaka yung dalawa pang librarian. Yung isa nag-aayos ng libro tas yung isa nag-aayos ng book records. 

Ayokong magreply, sayang sa load. Baka na wrong send lang. Pero kung wrong send, bakit alam ang pangalan ko? 

Pinagpatuloy ko ang pagbabasa ko. Di ko namalayan, 8:45 am na. Sinara ko yung libro at dumiretso na pabalik ng classroom. Palabas palang ako ng library, nag beep ulit ang phone ko.

From: 09090912345

"Pinagkaka-isahan ka nila hindi ba? Why can't you just join me? We can be friends."

Tss, friends your face. Sanay akong walang kaibigan. 

Liam's POV

"Guys! Pumila na kayo! Bring your offerings! Baka ma-late tayo sa class mass natin!" iyan ang sigaw ko sa klase. Paano ba naman kasi? Parang mga wala sa sarili. Anong oras na? Baka mamaya, mahuli pa kami sa class mass.

Biglang nagbukas ang door. Hay salamat at dumating na din si Sir Bruce! Mapapakalma na ang buong klase. 

"Class. Please form your line. Boys, insert yourselves as pila ng girls. Baka mamaya, mag-ingay pa kayo. Steff, stay in front of the line and Pauline, stay at the back. Other officers, make sure na scattered din kayo." sabi ni Sir Bruce

Sa wakas, kumalma narin ang klase namin. Bumaba kami agad sa chapel. Saktong 9:00 am ng makababa kami at agad din namang nagsimula ang mass. Sineryoso namin ang mass na ito kasi we offer this mass sa mga souls ng mga kaklase namin na namatay na. Para din ito sa ikatatahimik ng mga misteryosong nangyayari sa section namin. 

Sana naman dahil sa mass na ito, makonsensiya na yung gumagawa nito sa amin. Aba, tindi naman niya kung hindi pa siya tatablan. 

Astig nung homily ni father eh. I quote, "Ang demonyo ay kailanma'y hindi magtatagumpay sa kabutihan." Sana naman sa sinabi ni father, tumigil na yung text messanger.

Saktong 10:00 am ng matapos ang mass. Tapos mamaya, distribution of cards naman. Grabe kahit lalaki ako, kabado akong makita parin yung grades ko. 

Since distribution of cards mamaya, half day lang kami. 

"Class, since distribution of cards mamaya, I'm expecting na a-attend ang mga parents niyo to receive your report cards." sabi ni Sir Bruce

"Sir! Sir! May top 10 na po ba?" tanong ni Cheska

"Oh! Thanks for reminding me, Cheska. Wait a minute, I'll just go to the faculty room to get the list."  sabi ni Sir Bruce

"Omg, sino kaya yung top 10?" sabi nung isa naming classmate

"Sigurado ako babagsak si Steff sa pagiging top 1. Sobrang nag focus siya sa mysterious text messanger kaya pansin ko medyo nagpabaya siya." sabi naman nung isa

Kaibigan ko si Steff pero I agree sa sinabi nung isa kong kaklase. Pero who knows? Malay natin naging flexible padin si Steff. Kasi sigurado akong kapag bumagsak siya, ikalulungkot niya. Matagal niyang pinanghawakan ang spot na iyon. 

"Class, I'll be flashing in our screen yung list ng top 10 natin for second quarter. Who ever they are, I just want to say congratulations to all of you. Everybody did their best para mag-excell sa academics. Sa mga hindi papalarin, we still have 2 more quarters para bumawi." sabi ni Sir Bruce

Nagkalikot siya sa laptop niya and ..... 

SECOND QUARTER TOP 10 

10. Miguel S. Chua

9. Ivan E. Abalos

8. Maria Dominique S. Tolentino

7. Pauline D. Angeles

6. Liam Mario Z. Castor

5. Jian Carmela C. Yap

4. Javen Zach K. Cardona

3. Cheska Lorraine N. Dimaano 

2. Steffanie Lianna G. Carreon

1. Agatha K. Tan

Wow. Nagulat ako sa rank ko kasi bumaba ako. Pero mas nagulat ako sa rank ni Steff. Ever since, siya ang top 1. 

"Sabi ko sayo girl eh, bababa yang si Steff." sabi nung nasa likod ko

Tumingin ako kay Steff at halata sa mukha niya ang disappointment. 

"Congratulations to all. Since half day tayo ngayon, it's already 11:30 am, class dismiss. Umuwi kayo agad ha, huwag ng gumala." sabi ni Sir Bruce

Sumenyas sa akin si Pauline na lapitan si Steff na nag-aayos ng locker. 

"Steff ..." pambungad ni Javen

Humarap siya sa amin at pansin namang umiyak siya. 

"Steff ... pwede ka pa naman bumawi eh. May 3rd at 4th quarter pa." pan cheer-up naman ni Dominique

"Ano ba kayo guys, okay lang ako." sabi ni Steff

Pagkakasabi niya nun, biglang nag-beep ang phone niya

"Sinong nagtext?" tanong ko

Pinakita niya ang phone niya ...

From: 09090912345

"Iyan ang result ng sobrang paghahanap niyo sa akin. Bumababa ang grades at ang top. So sad for you, Steff."

"Steff, huwag kang magpa-apekto diyan." sabi ni Javen

"Sorry guys, but I have to go." sabi ni Steff

At bigla na nga siyang umalis. Naiwan pa ngang bukas yung locker niya eh.

"Asahan niyong magiging subsob na ulit sa studies yang si Steff." sabi ni Dominique

"Asahan niyo ding mawawalan tayo ng head sa paghahanap kay text messanger." sabi ni Pauline

The Mysterious Text MessageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon