Chapter 9

95 2 0
                                    

Steffanie's POV

10:30 am ng dumating ako sa school. Dito-dito kasi kami magkikita-kita ng class officers. Pupunta kami ngayon sa ospital kung saan naka-confine si Fille. Ako palang ang nandito. So wala pa yung ibang officers kaya naglakad-lakad muna ko. After a while, dumating na si Liam at Dominique. NUX NAMAN! Nagdada-moves na si Liam kay Dominique. Then, mga 10:40, dumating na si Cheska at Pauline. 

"Guys tara na." sabi ni Dominique

"Teka, wala pa si Javen." sabi ko.

"EHEM EHEM. YUNG TOTOO STEFF?" asar ni Liam

"Di kasi tayo pwedeng umalis ng wala siya. Hindi nya alam ang daan papunta sa ospital." sabi ko. Akalain mo, gwapo nga, di naman alam ang daan papunta sa Hospital City.

"Di ba sabi 10:40 lahat nandito na,  bakit ang tagal ni Javen? Don't tell me, nakalimutan niya din yung daan papuntang school?" sabi ni Cheska.

"Wait i-tetext ko lang." sabi naman ni Pauline

To: Javen

"JAVEN BILISAN MO. IKAW NALANG HINIHINTAY."

Sent.

After a while nagreply.

From: Javen

"Oo teka, malapit na."

Mga 11:00 am, dumating na si Javen. 

"Diba 10:40 ang call time at 10:50 ang alis. Dahil sayo, nalate tayo ng 10 minutes." mataray kong sabi.

"Sorry na guys. Oh ano, tara na." sabi ni Javen.

Sumakay kami ng jeep since malapit lang naman sa school yung ospital. 

"JAVEN! IKAW YUNG LATE. LIBRE MO KAMI SA PAMASAHE. MADAYA KA! DAHIL SAYO NA LATE TAYO." sabi ni Liam

"Oh sige na nga. Huwag niyo na kong konsensiyahin."

ABA UMAASENSO. NANLILIBRE NA SI JAVEN.

After 10 minutes, nakarating na kami sa ospital.

"Ang laki naman pala nito." sabi ni Javen.

"Ang mang-mang mo, Cardona!" sabi ni Liam

"Tara na guys.. marami tayong itatanong kay Fille." aya ni Dominique.

"Anong room nga ulit?" tanong ni Cheska.

"Room 906." sabi ko.

Nag-elevator kami kasi nasa 9th floor pa yung room ni Fille. Pagkadating namin, pumunta sa nurse station si Pauline.

"Excuse me, nasa room 906 pa ba si Fille Ho?" 

"Opo Ma'am. That way po." sabi nung nurse.

"Salamat po."

Agad kaming naglakad sa room 906. Kumatok kami at agad naman itong binuksan ng mother ni Fille.

"Oh, hi kids! Di naman kayo nagsabi na dadalaw kayo. Oh, pasok." sabi ng nanay ni Fille.

"Ah Mrs. Ho, eto po. Bigay po ng Star Section para kay Fille." sabay abot ni Javen ng basket of fruits sa mother ni Fille.

"Thanks. Sana hindi na kayo nag-alala."

Nag smile kaming lahat at pumasok na. Nagulat ako nung pagpasok namin. Halos 2 days palang dito si Fille pero ANG PAYAT PAYAT NA NIYA. Nung nakita nya kami, agad niya kaming binati.

"Hi Officers! So you're all here to visit me? How sweet." sabay ngiti.

"Oo binibisita ka namin at nandito rin kami para itanong kung ano ba talaga yung nangyari." sabi ko.

Nakita ko naman na agad nawala ang sigla sa mukha ni Fille. Napatingin siya sa mother nya at sinabi kung pwedeng lumabas muna kasi may mahalagang pag-uusapan.

"Fille, ano ba talagang nangyari sayo." tanong ni Liam.

"Tinatakot kasi ako nung sender." sabay pakita sa amin ng phone niya.

Binasa namin ang messages nila. Nakakatakot kasi nararamdaman kong anytime, mapapahamak ulit si Fille. Pwedeng mas malala pa dito ang gawin ng sender. 

"Fille, grabe naman yan. Dapat ireport na natin iyan." sabi ni Liam.

"Walang mangyayari kung mag rereport tayo, mas aakalain niyang duwag tayo." sabi ni Fille.

"Fille, malakas ang kutob ko na ang sender ang may pakana ng pagka-food poison mo. Nung sinabi kasi sa amin ni Sir Bruce yung tungkol sa nangyari sayo, pag-uwi ko. Nagresearch ako sa causes ng food poison. Meron daw baka nakakain ka ng panis o kaya naman hindi hiyang ng tiyan mo yung pagkain. Pwede rin naman mayroong nilagay sa pagkain na naging reason ng pagtatae at pagsusuka mo." sabi ni Dominique. 

"Yun nga eh. Nung kinain ko yung cake, wala naman. Hindi naman lasang panis. Yun nga din yung sabi ng doctor, baka may nilagay sa food na naging cause ng pagka-food poison ko." sabi ni Fille.

Natahimik ang buong kwarto. 

"Guys, natatakot ako sa pwedeng mangyari sa akin. Baka patayin ako nung sender. Natatakot ako. Please guys, gawin niyo lahat ang pwedeng gawin." pagmamaka-awa ni Fille.

Kita ko sa mga mata nya ang takot at galit. 

"Huwag kang mag-alala. Kaming bahala. Basta walang bibitaw." sabi ni Javen.

"Fille, nung day na absent ka. Kinuha namin ang cellphone ng lahat ng mga kaklase natin. Tinignan namin kung mayroong tugma sa number and messages kaso wala. At di sila tinetext nung sender. Ikaw, ako at si Pauline lang." sabi ko.

"Malaki kasi ang chance na ibang cellphone  at sim card ang ginagamit nung texter." sabi ni Pauline

"Kaya kailangan doble ingat tayo." sabi ni Cheska.

Natahimik ulit ang buong kwarto ng dumating ulit ang mother ni Fille. Pinakain niya kami ng lunch since 12:00 nn na. After namin kumain nagkwentuhan ng school stuffs then umuwi na. 

Kailangan maging maingat, kundi. Mapapahamak ang buong Star Section.

_____________________________________________________________________________

Cheska's POV

Hi readers! Nagpapasalamat ako na sa wakas, nagkaroon na akong ng POV. Well, I'm Cheska Dimaano. Ang peace officer ng Star Section sa Year 3. 

Katatapos lang namin bumisita kay Fille sa ospital. Di muna ko umuwi at dumiretso ako sa isang mall malapit sa ospital at kumain ng ice cream.

Habang nasa mall ako at kumakain ng ice cream, biglang nag beep yung phone ko.

SHOCKS. PAANO NIYA NALAMAN ANG NUMBER KO?

From: 09090912345

"Hi Cheska. Mukhang aligaga kayong malaman ang susunod kong gagawin ha. Well, just watch."

Tssk. Di ko pinansin. Baka kung ano lang ang masabi ko. 

The Mysterious Text MessageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon