Chapter 10

98 3 1
                                    

Steffanie's POV

Monday nanaman. Pero fresh padin sa utak ko yung nangyari nung Saturday. Yung pauwi kami mula sa ospital.

FLASHBACK

"Sige, alis na kami, Fille." paalam namin. 

"Sige. Ingat kayo pauwi ah." sabi ni Fille.

Paglabas namin sa room ni Fille. Alam kong kaniya-kaniyang uwi na ito. 

"Guys, di na ko sasabay sa inyo pauwi ha. Punta pa kasi ako sa mall eh." paalam ni Cheska.

"Ah guys, kami naman nina Pauline at Liam, pupunta sa bahay ko. Gagawin namin yung project sa Arts." sabi ni Dominique.

"Ah ganun ba guys. So mag-isa nanaman akong uuwi. Ang daya niyo talaga." sabi ko. 

"Steff, samahan na kita pauwi." sabi ni Javen.

Napatingin ako kina Pauline at Dominique. Alam ko yung mga tingin nila. Mga tinging nang-aasar na parang sinasabi "ATENG, GET THAT MOMENT!" 

Kahit naman gugustuhin kong makasama si Javen, hindi puwede kasi may girlfriend siya. Tsaka kahit mahal ko pa si Javen, I know my limitations

"Di ok lang. Kaya ko na." sabi ko.

"Steff, magpasama ka na kay Javen. Mamaya, may mangholdap sayo." pangongonsensiya ni Liam.

"Oo nga Steff. Baka mamaya naman kidnappin ka." sabi naman ni Pauline.

"Sumama ka na Steff. Para sure na ligtas kang makakauwi." sabi ni Cheska

Ayan nanaman sila. BINABALIK ANG HINDI PUWEDENG IBALIK. 

"Guys ...." 

"ACHUCHU STEFF! SUMAMA KA NA O ILILIBRE MO KAMI NG STARBUCKS?" sabi ni Liam.

"Oo na, magpapasama na ako kay Javen."

"Talaga Steff?" sabi ni Javen.

"Oo." to be honest, di ko alam kung kikiligin ako or what. 

Di namin namalayan, nasa may exit na pala kami ng ospital.

"Oh siya guys, ingat pauwi ha. Javen, ingatan mo si Steffanie. Lagot ka sa akin pag may masamang nangyari diyan." sabi ni Liam.

"Hay nako. Sige na guys, bye. Ingat ha." sabi ko. 

Sabay lihis na kami ng kaniya-kaniya naming daan.

"Ah Steff, salamat at pinayagan mo akong ihatid ka." 

"Ginawa ko lang iyon kasi kinokonsensiya nila ako." 

Natahimik siya. Totoo naman kasi. Kinokonsensiya kasi nila ako.

Pumara siya ng taxi doon siya sa may driver seat at ako naman sa likod. Ihahatid niya daw ako sa bahay namin pero .... WAIT

Bakit iba yung direction na pinupuntahan namin?

Alam ko itong way na ito. 

Alam ko itong lugar na ito. 

Dito ....

Dito ......

Dito ....

Dito ....

Dito kami unang nagdate ni Javen sa park na ito. Dito kami nagkulitan. Naglaro. Naghabulan.

ANONG TRIP NI JAVEN!?

"Javen Cardona! Saan tayo pupunta?"

"Sige po, Manong driver, dito nalang po."

The Mysterious Text MessageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon