Chapter 21.1

66 1 0
                                    

Steffanie's POV

Ever since natuto akong magbasa at magsulat sa school, Saint Patrick Institute of Learning ang kasama ko. Since Nursery ako, top 1 ako. Never akong napalitan na kahit na sino sa posisyong iyon. Walang nagtangkang umagaw ng posisyong iyon sa akin. I can take na walang love life, pero mawala sa top 1, ipupusta ko lahat, makabalik lang sa top 1.

Maaga akong umuwi sa bahay. Wala pa sina mama at papa, malamang nasa work pa din. Pagkadating ko, sinalubong agad ako ni yaya.

"Ma'am Steff, ang aga niyo po ata." sabi ni yaya.

"Distribution of Cards kasi mamayang hapon. Alam ba nila mama?" sagot ko.

"Hindi po ata." sagot ni yaya

"Well, good. Sige yaya, papanik muna ako." sagot ko

Niyaya niya akong kumain pero ayoko kasi sobrang nakakawalang gana. Pagkapanik ko sa kwarto ko, humilata lang muna ako sa kama. Hindi muna ako nagpalit ng pambahay. Habang nakahiga, ramdam kong tumutulo ang luha ko. Sige, GC na, pero yun lang ang kaya kong ipagmalaki sa iba, yung pagiging consistent top 1 ko. Tapos si Agatha pa ang aagaw sa akin? NO NO. 

Mga 30 minutes na siguro akong nakahilata ng biglang nag beep yung phone ko.

From: Carmela

"Hi Best! Alam kong badtrip ka sa nangyari pero cheer up! You still have 2 more quarters to prove yourself. I believe in you! You can do it. You're Steffanie Carreon! I love you. Mwa mwa!"

Wala ako sa wisyong mag reply. Kahit na may load ako. 

Nag twitter muna ako. 

Wow, amazing. Ako ang topic sa twitter ng mga kaklase ko.

@CzarinnaSmith - "Nothing in this world is permanent, lalo na ang pagiging TOP 1."

@MirandaaaaaMaryyyy - "Mag focus ka kasi sa studies, wag puro landi at pag-iimbestiga." 

THAT"S IT! HINDI KO NA ITO KINAKAYA.

Nag tweet din ako. 

@SteffanieLianna - "You don't have the right to judge. Try being me for at least a day, for you to know how hard for it to be a Steffanie Lianna Garcia-Carreon." 

In less than 30 minutes, my tweet got 12 retweets and 20 favorites. Wow plastikan ha. Pati yung mga kaklase kong nagtweet about sa akin, naki favorite at retweet din. Wow, tamaan sana ng kidlat lahat ng plastik sa oras na ito.

Nafeel ko biglang nagugutom ako. Kaya nag tweet ako that I want pizza and oreo milkshake right now. Baka sakaling mabasa nina papa at padalhan ako sa bahay.

Pero sure akong wala namang may pake kaya natulog muna ako. 

*knock knock*

Urgh. Ang sarap sarap ng tulog ko tas biglang may kakatok. Bastusing bata lang.

"Ma'am Steff! May bisita po kayo sa baba." sabi ni yaya

"Sino yun?" sagot ko

"Ma'am bumaba nalang daw po kayo." sabi ni yaya

So bumangon ako. So hanggang ngayon naka school uniform padin ako. Tamad mode on ako.

Expected ko si Mama o kaya si Papa yung nasa baba,

"Ano bayan, natutulog ako. Sino ba yang bisita na yan ..." 

OH MY GOSH.

SERIOUSLY?!

SIYA ANG BISITA?!

ASDFGHJKL!? 

"Hi Steff. Nagising ba kita?" tanong nung bisita.

The Mysterious Text MessageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon