Chapter 6.2

107 4 2
                                    

Dominique's POV

Hi Readers! Sa mga hindi pa nakakakilala sa akin, ako si Maria Dominique Tolentino. Ang treasurer ng Star Section. 3 straight years na akong treasurer ng section na ito. Siguro kasi ako DAW yung pinaka mapagkakatiwalaan sa section. Tahimik pero mayroon akong talent ..... FORTUNE TELLER. Namana ko siguro ang skill na ito sa lola ko na fortune teller din. Marami na akong na predict na tama sa future pero hindi naman sa lahat ng pangyayari. KASI HINDI KO HAWAK ANG FUTURE NIYO. 

"Dom, nasa baba na si Steff." sabi sakin ni Daddy.

"Opo dad. Bababa na po." 

Di ko rin nasabi, kapitbahay pala kami ni Steffanie. At sabay kaming pupunta sa bahay ni Pauline ngayon. 

"Steff!" 

"Dom!"

Nagbatian kami. Ang cute talaga niya. Matangkad, morena at brown hair. May lahi kasing Spanish si Steff. Her mom came from Spain. I wonder bakit siya pinakawalan ni Javen. BOBO MO JAVEN! HAHAHAHAHAHA! 

"Ano, tara na? Punta na tayo kay Pauline."

"Sige. Wait papaalam lang ako."

Nagpaalam na ako kina mommy at daddy at pumayag naman sila. Alam kong hindi academic purpose ang meeting na ito. Dito nakasalalay ang kaligtasan ko. Namin. Kaming star section.

Sumakay na kami ng taxi na papunta sa village nila Pauline. 

Nag door bell si Steff at sinalubong na kami ng ......

LAHAT NG OFFICERS. 5:00 pm palang pero ang kumpleto na kami. AT NAUNA PA SILA. EXCITED?

"Ang aga niyo ata." sabi ko.

"Eh ang dami kasing pagkain. Sarap kumain lalo na kapag libre." sabi ni Cheska yung peace officer namin.

"Pasok kayo guys." sabi ni Pauline.

"Guys, mag dinner muna tayo bago tayo mag meeting sa room ko." 

"Sige."

After 30 minutes na nagkukwentuhan about academic stuffs. ...

"Ma'am Pauline, dinner is ready." sabi nung maid.

"Sige po Ate. Salamat. Susunod na po kami." 

"Ano ulam?" tanong Liam. 

"HAHAHAHAHAHA PG KA TALAGA." Sabi ni Javen.

"Ulam? fish fillet tsaka mayroon tayong blueberry cheesecake for dessert." 

"AYOS!" sabi naming lahat.

After 30 minutes of eating. Nagsalita si Steffanie.

"Guys, okay na kayo?"

"Oo, tapos na." sagot ni Cheska.

"Tara, punta na tayo sa room ni Pauline. Mahaba-haba ang usapan natin." 

Pumanik na kami sa room niya at .......................... ANG GANDA NG KWARTO NIYA. Lalo na yung mga pictures niya nung pumunta siya sa Disneyland. ANG GANDA NIYA! AT NG VIEW!!!!!

"Officers, alam niyo na ba?" sabi ni Steffanie.

"Oo, pero kailangan pa namin malaman ang iba." sabi ko.

Ikinuwento ni Pauline ang lahat. Nakakatakot. Grabe. Bakit? 

"Kailangan nating pagplano kung paano natin mapoprotektahan ang section natin."  sabi ni Liam

"Oo." sabi ni Javen.

Nagbigay kami ng suggestions para maprotektahan ang klase. Hanggang sa magsalita si Steffanie.

"DOMINIQUE!"

"Bakit?"

"Diba may alam ka sa fortune churva?" 

"...Oo...."

"Mayroon ka bang nakikitang something regarding this issue?"

Napatungo ako kasi ... oo ... meron akong suspect pero ayokong sabihin ang hinala ko ... kasi wala namang ebidensiya. Pero malakas ang kutob ko ng 70% na tama ako.

"Idedescribe ko siya. Pero hindi ko sasabihin kung sino kasi hindi ako sigurado. Huwag kayong mag-alala, sasabihin ko kung sigurado na talaga ako."

"May point siya. Dapat maging maingat din tayo sa lahat ng gagawin nating galaw." sabi ni Javen.

"Hmmm, kung tutuusin, kaibigan natin siyang lahat. Pinagkakatiwalaan natin siya. Tangi kong nakikitang dahilan kung bakit niya ito nagagawa is INGGIT. INGGIT SIYA SAYO, SA AKIN, SA ATIN. Kailangan niya ng attention kaya niya ito ginagawa."

Silence ate the room. Halos 3 minutes bago magsalita si Cheska.

"Pero ..... bakit? Walang mangyayari kung gagawin niya yun."

"Meron. Di ko lang alam kung ano."

"Guys, may naisip akong way kung paano natin ma po-protektahan ang klase." sabi ni Javen.

"Ano naman yun?" tanong ni Pauline

"Diba cellphone ang communication medium ng taong yun? Bakit hindi natin iannounce bukas na kukunin natin ang phone nila tuwing class hours. At doon, makikita natin ang mga messages nila. NOTE, TATANGGALIN ANG PASSWORD KUNG MERON MAN."

To be honest, magandang idea. Di ko namalayan 8:50 pm na pala.

"That a nice idea, well, let's try it tomorrow." sabi ni Steff.

"Guys, gabi na, uwi na tayo." sabi ni Liam.

"Sige guys, thanks for tonight. Remember, what ever happens tonight, shall be kept within the 4 corners of my room." sabi ni Pauline.

"Salamat Pauline!" sabi namin lahat.

____________________________________________________________________________

Steffanie's POV

Pababa na ako ng stairs nila Pauline ng biglang hinawakan ni Javen yung braso ko. 

"Steff, hatid na kita. Gabi na. Baka mapano ka pa."

Nabibingi ba ako? 

The Mysterious Text MessageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon