Chapter 17.2

71 2 1
                                    

Liam's POV

Friday. Sabi kapag Friday dapat daw masaya kasi kinabukasan weekend na. Eh sa sitwasyon namin, paano kami magiging masaya, kung alam naming nasa panganib ang section namin? Paano magiging masaya kung kamamatay lang ng isa niyong kaklase? Paano magiging masaya kung Chemistry nanaman ang subject namin? ETO PINAKA AYOKO SA LAHAT EH. CHEMISTRY -__-

Una sa lahat, kasi wala kaming chemistry ni Dominique. Pangalawa, ang daming dapat intindihin. At higit sa lahat, kapag may experiment, ang daming dapat dalhin. Bibili ka ng ganito, tas ng ganiyan. SAYANG SA PERA.

"Ok class, ihanda niyo na ang mga materials na kailangan niyo para sa experiment natin." sabi ni Sir

"Sir, ok na po. Nakaready na po lahat." sigaw ko.

"Okay. Kung ready na, pumunta muna kayo sa groupings niyo. Tutal by group ang experiment natin. I'll give you 1 minute to go to your groupings." 

OH MY. Di ko alam kung sino mga ka grupo ko. -___- 

"Liam! Dito ka sa grupo namin!" tawag sa akin ni Anthony 

Hay salamat mayroong grupo na umako na groupmate nila ako.

"Ah talaga, ka grupo ko pala kayo." pabiro kong sinabi

"Bakit? Ayaw mo bang ka grupo ka namin?" sabi ni Carmela

"Shempre, gusto. Hehe." 

"Okay class. Pumila kayo by group tapos pumanik na sa laboratory. Then ihilera niyo yung mga materials then wait for me para i-announce ang procedure." 

Medyo malayo yung Chemistry Laboratory sa classroom namin. Since located ito sa 4th floor. Kailangan naming lakbayin mula 2nd to 4th floor. Pagkadating namin sa laboratory, may nakasulat sa blackboard ..... at kinatayo nito ang mga balahibo ko.

"MAY KASUNOD PA SINA NADINE. HINDI PA AKO TAPOS."

IYAN ANG NAKASULAT SA BLACKBOARD NG CHEMISTRY LAB. 

"PLEASE PAKIBURA YUNG NASA BOARD BAGO PA YAN MABASA NI SIR." utos ni Steff.

"Guys please. Alam kong nasa klase rin natin yung gumagawa nito. Kung sino ka man, please .... itigil mo na. Hindi maganda ang ginagawa mo." sabi naman ni Pauline

"Steff, nabura ko na." sabi ni Ivan

"Thank you. Sige go to your groupings na, huwag niyo na ipahalata kay Sir na mayroong nangyari. Ayoko ng lumabas pa ito." sabi ni Steff

Oo lalaki ako pero natakot ako. Hindi kasi namin alam kung sino ang susunod kaya hindi namin alam kung paano ma poprotektahan ang mga pinapatay.

"Hmm guys, magdasal muna tayo." niyaya ko sila

"Magandang idea yan, Liam." sabi naman ni Steff.

"Dominique, please lead the prayer."

Dinasal namin ang buong Nicene Creed. Ito kasi ang dasal namin sa tuwing natatakot kami. 

Pagkatapos magdasal, dumating na si Sir.

"Okay class ... eto na ang procedure ng experiment natin. Gagawa tayo ng density tower."

BLAH BLAH. Nag explain siya tapos pinost niya yung manila paper kung saan nakalagay yung format ng experiment paper naming gagawin individually. Nakalagay din dun yung guide questions na dapat sagutin tsaka yung procedure na mala-nobela ang haba. 

"Is everything clear?" tanong ni Sir

"Yes sir." in chorus naming sinabi

"Are there any questions?" 

The Mysterious Text MessageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon