Chapter 21.2

129 6 4
                                    

Pauline's POV

One week na ang lumipas ng magbigayan ng Report Cards. Random emotions ang naramdaman ng bawat isa. Maraming natuwa kasi tumaas sila. Marami rin naman ang nalungkot kasi bumaba, pero sa lahat ng bumaba, kay Steff ako naaawa. Di porke't kaibigan ko siya, naaawa na ako. Naaawa ako kasi siya na nga yung nagmamagandang loob na tulungan yung section laban sa mysterious texter na yun, siya pa yung bumagsak sa top 1. Like since naging kaklase ko siya, siya na yung undefeated top 1. Shempre di rin porke hindi ko close yung bagong top 1, eh sisiraan ko na. Shempre as a vice president, wala dapat akong kinakampihan. I can say deserving talaga si Agatha at alam ko rin naman na babawi si Steff para makuha niya ulit yung position na yun.

TODAY IS THE DAY PARA KALIMUTAN ANG LAHAT NG ACADEMIC STUFFS. NO QUIZ. TIMEOUT MUNA SA PROJECTS. NO ASSIGNMENT. NO SEATWORKS. KASI FIELD EXPOSURE NAMIN NGAYON!!!!

ANG SAYA SAYA LANG KASI KAHIT PAPAANO MAY ISANG ARAW KAMING TIMEOUT SA MGA SCHOOL WORKS TAS ANG EXCITING PA NG ITINERARIES NAMIN. 

5:30 ang assembly sa may school lobby, pero 5:15 palang, halos kumpleto na kami sa classroom.

"Class! Since field trip naman, you are free to choose your bus mate." sabi ni Sir Bruce.

"Yehes! Thank you sir!!" sigaw ni Kashmir

"Uy ano tabi tayo." iyan ang tangi kong naririnig. Pero nasabihan kami ni Sir Bruce na kaming officers, sa may pinaka likod ng bus uupo. Para ma monitor namin yung discipline.

"Pauline! Dumating na ba si Steffanie?" tanong sa akin ni Carmela

"Hindi pa ata eh." sagot ko

"Weh? Malapit na mag 5:30 tapos wala pa siya. Sige sige salamat nalang." 

"Sige, welcome."

Bakit wala pa si Steff? Don't tell me hindi siya pupunta? Grabe. Depressed padin ba siya sa pagkawala niya sa top 1?

5:30 am na at on the way na ang buong section sa lobby para mag assembly at magkaroon ng final reminders bago mag-load sa bus pero wala padin ang president namin?

Tinext ko na kasi baka mamaya, ma-late lang pala.

To: Steffanie 

"Steff! 5:30 am na pero wala ka padin! Sasama ka ba sa field trip?"

SENT

PLEASE PLEASE STEFF PUMUNTA KA SA FIELD TRIP

Nakita ko si Javen tapos nilapitan ko kasi baka alam niya yung situation ni Steff kung pupunta ba or what.

"Javen, Javen!" bati ko

"Oh Pauline, bakit?" sagot niya

"Si Steff, wala pa. Pupunta ba siya sa field trip?" tanong ko

"Sabi niya sa akin kagabi hindi siya makakapunta. Nilalagnat daw siya. Tas binilin niya na rin sa akin na sabihin kay Sir Bruce na hindi siya makakapunta, kaya ayun, sinabi ko na kay Sir Bruce na hindi nga siya makakapunta."

"Ah sige. Ganun ba. Akala ko kasi nagrerebelde nanaman kaya hindi makakasama sa field trip eh."

6:00 am ng magstart kaming mag-load sa kaniya-kaniya naming bus. Since star section kami, Bus 1 kami. 

Pagka-upo ko sa upuan sa bus, nag beep ka agad ang phone ko. Akala ko si Steff nagreply yun pala .... 

From: 09090912345

"Enjoy your trip. Make sure bilangin mong mabuti kung ilan kayo pagpunta sa mga itineraries, baka mamaya, pag-uwi niyo, bawas na kayo. Have fun!"

URGH PATI BA NAMAN SA FIELD TRIP SINUSUNDAN KAMI NETO. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 25, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Mysterious Text MessageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon