Chapter 8

90 2 0
                                    

Steffanie's POV

6:20 am palang nasa school na ako. I don't know kung bakit ang aga ko. Pansin ko, kapag ganitong oras pala, ang tahimik ng classroom. Umiingay lang talaga kapag nandito sina Fille at Louis. Ang dami kasi nilang kwento. Mga chikang walang kwenta. Mga kwentong barbero. 6:30 ng naisipan kong mag locker. Kukunin ko kasi yung art materials ko ng may mapansin akong note sa loob. Sosyal! Nakaprint! 

Nakasulat ay "Be ready."

Wow. Ang galing. Nag print ang sender para hindi mahalata hand writting niya. Genius. 

Nakuha ko na ang dapat kong kunin sa locker kaya sinara ko na. After closing it, tumalikod ako ... pagtalikod ko, nakita ko si Javen sa harap ko. Nakangiti. Weird lang ha.

Bigla siyang nagsalita.

"Pwede ba kitang makausap?" sabi niya.

"Hindi. Alis diyan, pupunta na ako sa place ko."

"Steff naman!"

"Javen Cardona, I said NO. N-O.! NO!" 

Fine, harsh kung harsh pero ayoko lang ng gulo. 

"Steff, please. We need to talk."

"Ano bang sasabihin mo?"

"Just something important."

Then nagulat ako bigla niya akong niyakap. 

Nag-AYIEEE tuloy yung buong klase. 

"Pareng Javen! kailan ka pa naging 2 timer?" biro ni Anthony

"PARE PAANO NA SI ALIA?" sabi naman ni Jayjay

"Ang landi. Pati may girlfriend nilalandi." rinig kong sabi ni Nadine

"PRESIDENTENG LINTA!!!" sigaw ni Deanne

Wala akong pakielam sa sinasabi nila. They don't know what happened kaya nila  sinasabi yun.

Shocks. Namiss ko ito. I miss his hugs. 

Nawiwindang nanaman ako. Naalala ko, wala na nga palang kami. Kumawala ako sa yakap niya tapos sinampal siya. Pero nakangiti padin siya. Mas lalo akong nagulat sa sinabi niya.

"That's all I want to say."

"WHAT?!"

"I can't express it through words that is why I experienced it through actions. Remember, words can lie but actions won't"

Then, umalis na siya. 

Can somebody just please explain what Javen is telling?

_____________________________________________________________________________

Pauline's POV

7:15 na. Katatapos lang ng flag ceremony sa gym. Pero pansin ko, parang may kulang sa klase. Inikot ko ang tingin ko AT IYON!

WALA SI FILLE!

Absent siya.

Di ko alam kung sasaya ako or what. 

Sasaya kasi hindi maingay? O mag-aalala kasi nanganganib siya?

Sana tinamad lang yung pumasok. 

7:30 ng pumasok si Sir Bruce sa classroom. Siya kasi ang first period namin.

SHOCKERS! Ang aga-aga mag-Math kami. -___- ABA MATINDE.

"Good Morning Class!" wika niya.

"Good Morning Sir Bruce!" in chorus naming sinabi.

The Mysterious Text MessageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon