Chapter 17.1.

93 2 0
                                    

Javen's POV

7:00 pm na ng makauwi ako sa bahay. Sinamahan ko pa kasi si Sir Bruce sa pulis para sabihin yung nangyari kay Nadine. Grabe talaga. Ganun pala itsura ng taong pinatay .... naliligo sa sariling dugo tapos dilat ang mata. Hanggang ngayon tuloy nasusuka ako kapag naiisip ko. Pagkadating ko sa bahay, minabuti kong hindi nalang sabihin kay mama yung nangyari. Alam ko kasing magpapanic siya. Nagbukas nalang ako sa facebook ko at nagmessage sa groupchat ng class officers. Pagkatingin ko ... ... online kaming lahat.

CHAT CONVERSATION:

Ako: Guys .... 

Pauline: Oh bakit Mr. Intramurals?

Ako: Guys ....

Liam: Wala ka na bang masabi kundi "guys"? Napipi ka na pare?

Ako: Guys ... may nangyaring masama kanina ... nung practice namin nina Nadine.

Cheska: Bakit? Anong nangyari? 

Dominique: Feeling ko alam ko na ......

Ako: Doms, anong alam mo?

Dominique: Na wala na si Nadine. Na natagpuan siyang patay sa CR ng school natin. Duguan at kaawa-awa ang itsura.

Steff: Javen ... anong nangyayari?

Ako: Uhmmm. Tama si Dominique. Wala na si Nadine. 

Liam: ANO!? 

Pauline: SERYOSO KA?

Ako: Oo nga, at tama rin yung sinabi ni Dominique  ....

Steff: Ikwento mo nga lahat ng nangyari 

At kinuwento ko nga ang nangyari. Habang kinukwento ko ... tumatayo yung balahibo ko. Napaka fresh padin kasi sa utak ko nung itsura ni Nadine. Kawawa talaga. Parang hayop ang ginawa sa kanya. Grabe talaga. Napaka demonyo ng gumawa nito sa kanya. 

Natapos na akong mag kwento pero ..... wala paring nagrereply sa kanila.

Ako: Uhmm, guys ok lang kayo?

Cheska: BALIW KA DIN JAVEN NOH! SA TINGIN MO KINAYA NG SIKMURA NAMIN YUNG KINUWENTO MO. TEKA NAG BUFFER PA EH!!

Ako: Wow ha. Buti nga kayo naiimagine niyo lang yung itsura ni Nadine eh, ako nga harap-harapan kong nakita. 

Dominique: Javen ... anong oras yun nangyari?

Ako: Hmmm, between 4:30 - 5:00 pm ... mga ganun.

Dominique: Mayroon akong alam ...

Pauline: Ano iyon?

Dominique: Kasi kagabi ... nanaginip ako. Si Nadine .. umiiyak. Humihingi ng tulong sa akin. Duguan. May saksak sa likod at may malaking sugat sa leeg. Dapat tutulungan ko siya kaso .... bigla siyang tumakbo papalayo. Tapos kaninang umaga, sinabihan ko siya about sa panaginip ko kaso hindi siya nakinig. Sabi niya, wag ko daw diktahan ang mangyayari. Hindi ko naman akalain na hanggan doon nalang pala siya ....

Steff: Guys, sigurado akong bukas, kalat na sa Star Section ang death ni Nadine ... 

Liam: Asahan yan. Nako ...

Cheska: Guys, natatakot na ako. Baka mayroon pang susunod. 

Pauline: Tayong mga officers ang dapat hindi matakot kasi sa atin umaasa ang Star Section. Sa ating sila umaasa na tayo ang magbibigay solusyon sa problemang ito. Na bago matapos ang Junior Years natin ... mayroon pang Star Section. 

Ako: Paano natin mapipigilan ang mga nangyayari?

Steff: Madali lang, dapat mayroon tayong listahan ng buong Star Section at excluded na doon ang mga classmates nating namaalam na. Tas yung mga evidence na naiiwan kapag may namamatay dapat mayroon din tayong documentation nun. At higit sa lahat .... dapat monitored parin natin ang cellphones ng bawat isa sa classroom. 

Pauline: Javen ... may naiwan ba ulit na note or text message?

Ako: Hmm ... sticky note meron ... pero nung pagtingin namin sa mga gamit ni Nadine ... wala ang cellphone nya.

Liam: Possibly, pati ang cellphone nya, kinuha ng killer/texter. Malamang para bawas ebidensya.

Ako: Oh sige guys. Bukas nalang ulit. Kailangan ko ng magpahinga. Sobrang haba ng araw na ito para sa akin.

Then the conversation ended. Pagkapatay ko ng laptop ko... napaisip ako. Ganun na ba talaga kagaling si Dominique para makita ang future? I mean, oo may talent siya pero may iba akong nararamdaman eh. Hindi kaya, siya ang killer? I mean, ang tagal na niyang may hinala kung sino yung texter pero ayaw pa niya magsalita. Tss. Pero shempre hindi ako pwedeng mag bintang kung wala namang pruweba. 

Pauline's POV

Grabe naman yung kinuwento sa amin ni Javen kagabi. Tinalo ang Shake, Rattle and Roll!!! Feeling ko kung personal kong nakita iyon, mahihimatay narin ako. Siguro nasugod narin ko sa ospital kasi nawalan na ako ng malay. Hahahahahaha!! 

Kanina, nagkaroon kami ng rosary para i-offer kay Nadine. Nasabi narin kasi ni Sir Bruce yung nangyari. Halo-halong emotion ang lumabas sa class. Mayroong gulat (shempre) ... yung iba napaiyak lalo na yung best friends niya ... yung iba naman ... hindi nalang nag react pero bakas sa mukha nila yung pag-aalala. 

Sa ngayon, Chemistry class na namin. Pero walang may ganang makinig kasi nga bangag kaming lahat sa balitang nalaman namin. Ito na kasi ang pangatlong beses na may mamatay sa klase namin. Sino bang hindi mababangag doon? 

"Class, mayroon tayong experiment bukas. Please refer to page 30 of your Science Book to know what are the things needed. Then, kumuha kayo ng reservation form sa Chemistry Laboratory. Then, fill it up then let me sign it. Everything clear?" sabi ni Sir

"Yes Sir." in chorus naming sinabi.

"Ok, goodbye class."

Pagka-alis ni Sir Chemistry sa room namin, nag beep yung phone ko .... 

From: 09090912345

"Ang bangag niyong lahat ha. Sobrang fresh ata ng pagkamatay ni Nadine sa utak niyo. Don't worry, may susunod pa diyan."

Hindi pa ba talaga tapos ang ganitong sitwasyon? 

The Mysterious Text MessageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon