Ang lahat po ng inyong mababasa ay pawang kathang isip lamang po ng manunulat *ahem. Kung mayroon mang pagkakatulad ang ibang bagay, tao, pangyayari, lugar o ano pa man ay di po sinasadya at pawang aksidente lamang. Tnx.
Nagdilat sya ng mata. Tumambad ang payapang ulap sa labas ng bintana. Maganda ang panahon, maaliwalas at tila masaya ang ulap at hangin sa labas.
Mula pagkabata ay ang ulap na ang pinakapaborito nyang tanawin. Mataas ito't tinitingala ng lahat. Kung totoo man ang paniniwala, na pag isang tao'y namatay at muling mabubuhay ay pwede itong maging hayop o ano pa man, depende sa naging pamumuhay sa unang buhay nito , ay gusto nyang maging isang ibon. Ibong mataas ang lipad at malaya. Free from anyone, anything, sorrow and fear.
"Excuse me ma'am, do you want anything to drink?" napabaling sya sa babaeng nagsalita sa gilid. A flight attendant. Meron itong cart na hila na puro inumin ang laman.
"Just water, thanks" tipid nyang sagot. Inabutan naman sya nito kagad ng tubig, ngumiti at umalis.
Oo, nakasakay sya ngayon sa isang eroplano, a domestic flight. Papunta syang Mindanao. Pangalawang beses pa lamang syang naka tapak doon.
Ang unang beses ay nung may dinalaw syang matalik na kaibigan, five yrears ago. Maganda, maaliwalas at payapa ang probinsyang pupuntahan. Di tulad ng ibang lugar sa mindanao.Balak nyang lumagi muna sa lugar na iyon. No, not permanent. Kelan ba syang nag stay for good? Nah, there's no place that can make her stay for good.
Paglapag ng eroplano'y nag hanap kagad sya ng masasakyan, Veligan City.
"Welcome in Veligan City ma'am" bati ng driver pagka lagpas nila sa isang arko na may na kalagay na pangalan ng lugar. Ngumiti sya sa driver bilang pasalamat.
Yeah, Welcome to me.
By the way,
I'm Ryeena Bing Castillo.
*an. Gawa-gawa ko lang po yung place. Di to yung orig na chapter one, kaso nagloko si watty kay cp kaya ayun nabura tas di pa sunod sunod. #icry. I'll try my best na maayos sya! Tiwala lang!