A/n: feeling writer lang po ang author at libangan ko lang po ang pagsusulat, kaya sorry po ulit sa "mga error's". Siguro pag tapos na tong story tyaka ako mag e-edit. Tnx....
Sa isang tennis court ay maririnig ang ingay ng bolang tumatama sa semento, tunog ng raketang pumapalo sa bola. Mabilis na paglapat ng sapatos na sumasayad sa sahig ng court. Pawisan ngunit tila walang pagod si Ry sa pag lalaro mag isa. Walang mintis ang mga tira nya. Halatang bihasa sa larong iyon. Bakit hindi? Buong buhay nya'y sinanay nya ang katawan sa iba't-ibang sports na maisipan. Madali syang matuto't batak ang katawan nya sa hirap at pagod. Kelangan nyang maging malakas para protektahan ang sarili.
Ilang minuto rin ang lumipas matapos ang ika-limangdaang tira nya ng bola gamit ang raketa. Uminom muna sya ng energy drink bago nag-punas at inayos ang mga gamit.
May lumapit na mayandang lalaki sa persto nya't pumalakpak. "Kamangha-mangha" sabi ng isang may edad na lalaki sa kanya. Malapit na itong mag sengkwenta ngunit di mahahalata sa pustura nito. Kanina pa ito doon at nag mamasid lang kay Ry. Ngayon lang nito nakita ang babae at di sya makapaniwala sa galing nito. Ngunit ramdam nyang may problema ito't idinadaan lamang sa pagpapakapagod sa sarili.
Ang totoo'y kanina pa pansin ni Ry ang matandang lalaking nagmamasid. Wala naman kasi syang pakealam. Behave Ry, be nice to the old man.
"May kelangan ho ba kayo?" Kung sa iba siguro'y, medyo walang modo ang ipinakitang ugali ni Ry, ngunit hindi para sa matanda. Ngumiti lang ito at namangha sa katapangan ng batang babae.
"Natutuwa lang ako sa iyo hija, hahaha...ngayon lang ako nakakita ng kagaya mo. Actually, ngayon lang nga kita nakita dito"
Magaan naman ang pakiramdam ni Ry sa matanda kaya nginitian nya ito. "Tama ho kayo, ngayon lang ho ako nalagi dito".
"Mabuti't nakatambay ka dito, kahit papano'y meron nakong makalalarong magaling mag tennis.hahaha..nakakasawa narin kasing kalaro ang mga kaedaran ko. Alam mo na, medyo kumukupas narin" natatawang paliwanag ng matanda, napa-isip si Ry dahil pawang pamilyar ang ugali't, may kaboses ang kausap.
May lumapit na lalaking nakaputing barong sa matanda't may ibinulong, tumango lang ang matanda at umalis ang lalaki.
"Pano hija, mukhang kelangan ko na munang umuwi't may aasikasuhin. Sanay naging katulad mo nalang ang anak ko't, wala siguro akong ganitong problema". Isa sa mga bodyguard ng matanda ang lumapit kanina, may ginawa na naman daw kasing kalokohan ang anak nya.
"Sige ho".
Pagka-alis ng matanda, umalis narin sya sa court at umuwi. Kahi't papano'y gumaan ang pakiramdam nya at nakapag-isip.
Nag babasa si Ry ng libro, ng may narinig syang kumatok sa pinto ng kwarto. Pagka bukas nya'y tumambad ang mukha ni Marco, kapatid ni Mariane. Eh? Maybe tommorow or another day Arnie will knock next, then Berna, then Annica........till everyone on the list done. Tsk! Tsk!
"May naghahanap po sayo sa baba" tila walang ka ener-energy'ng sabi ni Marco kay Ry.
Ang totoo'y nabad-trip ito kay Miah kanina, pinakelaman kasi ng babae ang gitara nyat nawala sa tono.
Napakuno't ang noo ni Ry. Sino namang maghahanap sa kanya? Pag kasabing susunod sya sa baba ay agad nyang kinuha ang puma nyang jocket na may hood. Visitor? That's new.
Pagka baba ay pumunta si Ry sa sala, ngunit wala namang tao. Tulog na nga yata lahat dahil mag a-alas' onse na ng gabi. Lumabas naman ng kusina si Marco na may hawak na basong may lamang gatas at iniinom.
"Sa labas nalang daw sya mag hihintay" ina-antok na sabi ni Marco sa kanya habang umuupo sa upuan sa dining table. Dumeretso nalang sya sa labas ng gate. Nakapark doon ang isang itim na kotse, new model of hyundai?