p. 3

20 1 0
                                    


"No way! Kung sinong eldest syang mauuna!" Sigaw ni Mariane at pilit na tinatabig si Berna.

"First come, first serve!" Pigil naman ni Berna kay Mariane.

"Mga ate, pwede po bang wag po kayong humarang sa pinto, padaan po" kalalabas lang ng banyo ni Mia na mukhang kakaligo lang. Kaya naman tumabi ang dalawang nakaharang. Agad namang tumakbo papasok sa banyo si Mariane at ni lock ang pinto.

"Ahhhh!!! Mars naman eh!! Ma le- late nako!!" Nagpapapadyak na reklamo ni Berna.

"Pagpasenayahan mo na Bern, ganyan talaga pag Senior Citizen palaging prio..hahaha" kantyaw ni Anthony na kumakain sa dining table.

"Narinig ko yon Ton!! Tang na ka!! Infinity!!" Sigaw ni Mariane sa loob ng banyo kaya lalong natawa ang mga kasama.

First day of school this sem. Maaga syang nagising kaya nakapag jogging sya kanina at nakaligo ng maaga. Tatlong banyo naman ang meron sa boarding house, dalawa sa baba at isa sa taas. Pero yung sa baba lang ang pwedeng liguan, isa para sa lalaki at ang isa pang babae. Mag se-seven na pala, nine pa naman ang first class nya sa araw na to.

Pababa na sya ng hagdan ng maabutan nyang nagpapaunahan si Berna at Mariane sa banyo, nag aalmusal naman sila Anthony, Lily, Rico at Aemee sa dining area.

"Anong oras ba klase mo Bern?" Tanong ni Lily na nag kakape.

"7:30" Nakasimangot na sagot ni Berna habang nakasandal sa gilid ng pintuan ng banyo.

"Yaka naman yan, petiks palang naman today" si Rico.

"Whatever cuz, as if may magagawa pa ko" nanlulumong sabi ni Berna.

"Hi Ry! Ang aga ah!" Bati ni Lily sa kanya, kaya tumango sya.

"Ang dami nating College of  Science and Mathematics dito. Chem di ba?" Tanong ni Aemee kaya tumango ulit sya.

"Di ka mag be-breakfast?" Tanong naman ni Rico nang papunta na syang sala. Srsly? They are so clingy.

"May pancake akong niluto Ry, sabay ka na" yaya ni Lily.

"Thanks but not hungry, una muna ako" paalam nya, nag ba-bye nalang lahat sa kanya. Oh! Sweet.

"Bata ka pa Ry!" Sigaw ni Anthony. Narinig nya naman silang tumawa.

"Matanda nako Ton!" Sigaw nya pabalik, na mukhang ikinitahimik nila. Well, the muted princess just shout?? Really??

Nilakad nya lang papuntang school since isang tawiran lang naman at konting kembot lang ay nasa destination ka na. Pwede rin namang sa overpass nalang dumaan then boom! Nasa entrance ka na ng school, no sweat dude.

Pagkarating ay medyo madami naring estudyante, may mga grupo, individual, platoon, couple, buddies, trio, yeah! Typical cast na nagkalat.Balak nya ring mag libot muna sa buong campus. Madali lang namang libutin at tandaan ang mga buildings.

Mag ka-quater to eight narin ng makaramdam sya ng gutom. Maraming pagbibilhan ng pagkain pero parang may hinahanap ang tyan nya. What is it tummy??

Pumasok sya sa canteen ng IDS, high school department ng U. Naamoy nya kagad ang hinahanap ng tyan. Pancakes!!

Halos lahat ng nasasalubong ay napapatitig sa kanya. I used to it , wala naman yatang lugar na di sya napapansin. And I really don't know what the reasons behind those stares. May itsura naman sya at lagi nya namang sinisigurado na walang dumi ang mukha, bago umalis ng bahay. Well stare as you want weirdoss!! Hell I care!

Three Shades of Me [on-hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon