Rinig nyang may kumakatok ng pinto. Tatlong araw na mula ng makarating sya sa lugar. Una nyang ginawa ay mag hanap ng matitirahan.Yes, nakalipat na sya sa isang boarding house,mas higit na mura kasi iro kesa sa mga apartment o condo unit. Tapos narin syang mag enroll sa lilipatang unibersidad, BS Chem. Marami ring estudyante sa State University of Mindanao. Malaki rin eto't dinadayo pa nga. Rinig nyang taga malalayong lugar province and city, ang ibang estudyante nito. Kaya naman maraming mga paupahan sa lungsod.Pagkabukas nya ng pinto ay bumungad ang isang babaeng nakasalamin, maiksi ang buhok na kulot at kulay itim, maputi at balingkinitan. Ngumiti ito,
"Hi! Ako ulit si Lily, merong general assembly ang boarding haus right now, bumaba na daw tayong lahat"
Masigla nitong sabi, "Oo lily ulit ", nagpakilala na ito kanina.
Natatandaan nya naman lahat ng nagpakilala sa kanya pagkalipat, di lang nya masyadong pinapansin o kinakausap."Susunod ako" alinlangan nama ngumiti si Lily sa kanya at tumango
"O-okey"
Pagka patay ng lop top ay tsaka sya sumunod sa baba.
Pagkarating nya sa sala ay halatang sya na lang ang kulang. Halatang masayang nag ke-kwentuhan ang mga boarders. Napatigil silang lahat at napatingin sa kanya.
"Oh nandyan na pala si Ryenna Bing! Halika ka ditong bata ka't wag kang mahiya!" Tawag ng land lady sa kanya, medyo may edad na ito't nakasalamin. Kagaya ng kadalasang itsura ng ibang land lady na mapapanood sa palabas ay mahilig din itong mag daster. Pero hindi ito masungit at maarteng tingnan.
Umupo naman sya sa isang bakanteng mono block. Okupado na kasi lahat ang sofa sa sala. May ibang bumati't ngumiti. But I only nod at them.
Kada sem daw ginagawa ang assembly sa boarding house. Pa welcome sa mga bagong boarders. Nag discuss si Ma'am Lopez, the land lady. Retired teacher daw ito at nakasanayan na yung ma'am. Mga bawal dito't doon, curfew at iba pa.
"Naku! Wag na wag kayong magdadala ng mga syota nyo dito! nagkaka intindihan ba?" Sabay sabay naman silang sumang ayon.
"Yes, ma'am" tumingin naman sa kanyaa si land lady, napatingin din ang lahat sa kanya dahil sya lang ang walang reaksyon. Tsk! Silence mean's yes.
Dahil di rin naman sya sumagot ay napa buntong hininga nalang si land lady. Ang iba naman ay napataas ang kilay, meron ding ngumiwi at meron ding walang pakealam. I know I'm rude.
Kasama sa program ang introduce yourself.
"I'm Rico Van Bueno, 19 3rd yr. MetEng. Agusan"
"Del?" Tanong ng isa. Aemee, that's her name.
" del Sur, sorry hehe" napapakamot na sabi nito. Natawa naman ang iba, ngumiti ulit ang lalalki at napatingin sa kanya. I just stared at him with blank expression ,ofcourse.
Taga cagayan si Lily anne Marquez, 17, 2nd yr. AB Eng.
"DL yan guy's" kantyaw ni Rico kay Lily kaya binatukan naman sya nito.
"Nagsalita yung running Cumlaude" bawi ni Lily.
Miah Marquez, 16, freshmen. BS Bio (zoo).
"Sister ko guys! Salut 'to!" akbay ni lily sa kapatid.
"Mas maganda sayo Lil's" kantyaw nung babaeng long brown hair. That's Mariane.
"Hindi naman po ate" namumulang tanggi ni Miah. Kaya tinukso ulit ito.
Mariane jane Eslit, 21, graduating, BSED Physics. Zamboanga del norte.