Hindi sya makatulog. Pagkatapos kumain at maki-birthday kanina sa boarding house, di na ulit sya dinalaw ng antok. Kaya ngayon ay nasa labas sya't naglalakad sa gilid ng kalsada. Iilan lang ang tao at sasakyan na makikita, hindi tulad sa ibang syudad, na kahit alas 'dos na ng madaling araw ay maingay parin. May buka's parin namang establisyemento, 24 hour's.Naglakad lang sya ng naglakad. Masarap sa pakiramdam ang malamig na simoy' ng hanging sumasalubong sa kanya.
Nasa gitna na sya ng kalsada, pedestrian lane, tumatawid para sana bumili ng mainit na inumin sa isang buka's na fastfood sa tawid. Nang may paparating na mga sasakyan na sobrang bilis magpatakbo, hindi na muna sya humakbang at tuwid lang na tumayo, malamang baka masagasaan lang sya. Ibinulsa nya ang kanyang dalawang kamay sa bulsa ng suot nyang jocket. Napakunot ang noo nya ng makita ang limang paparating na sasakyan na sobrang bilis magpatakbo. Dahil highway ang daan, dalawa ang way nito. Isang left road na papuntang east at right road na pa' west. Pero ang mga sasakyang paparating ay sinakop ang buong daan patungong east. Dalawang sasakyan ang nasa kanan at tatlo sa kaliwa.
Nagkakarera ito't nag gigit' gitan.Don't you dare, napapaiwas ang ibang mga motorista sa paparating. Mukhang sanay naman ang mga sasakyan sa takbo nila. Dahil mabilis lang din itong nakakaiwas, nagpapalitan pa nga sila ng pwesto. Nangunguna ang ferraring kulay asul, sa kabila naman ang bmw na itim. Sinundan ng isang hammer na pula, subaru naman ang ika apat na itim din, at ang nasa dulo ay isang open convertible na kotse na may maiingay na sakay, parang convoy lang ata ng apat na nauna.
"Wooooooooohhhhh!!!!"
Mabilis at malakas ang hanging dumaan sa kabila'an nya. Rinig nyang may nagsisigawang tao sa tabi ng daan.
"Nagpapakamatay ka yatang bata ka!"
Hindi nalang nya ito pinansin at nagpatuloy na lang sa pagtawid. Hindi naman nya ginustong makasalubong ang mga sasakyang yun, kahit di sya natakot ay wala rin naman syang magagawa. Mas delikado kung nagpatuloy sya.
Familiar, parang yun yung kotse ng lalaki sa school nya, the blue ferrari.
Ahuh, common rich kid habbit's, racing.Nangati tuloy bigla ang kamay nya. Matagal na pala nung huli syang nakahawak ng manibela.
Pagkatapos nyang umorder ng brewed coffe, for take out ay naglakad nalang ulit sya. Tama, mabuti pang mag jogging sya sa park, malapit sa boarding house kesa bumalik, pagpapawisan pa sya.
Pagkaubos ng kape ay dahan-dahan nyang binilisan ang paglalakad. Lakad-takbo muna sya bago sinimulan ang totoong jogging. Pagkarating nya ng park ay may narinig syang mga halalhak at nagsasayang mga tao. WTH!
"Hahahahaha...ba't ba ang imba mo dude?!"
"Ganun talaga" walang ganang sagot ni Hex sa kabarkada habang umiinom ng canned beer.
"Cheerss!!! Iiinom ko nalang to mga tol, kasi pag balik ko ng bahay wala na kong baby"
Ooohhh...nice bet.
Hindi nalang nag patuloy sa pag jogging si Ry. Umupo nalang sya sa isang bench na may nakaharang na puno at humiga. Your eavesdropping Ry. Hindi din nya alam kung bakit, pero gusto nya lang marinig ang mga pinag uusapan ng kaklase sa history. Yeah, Hex and Niel, at ang mga barkada nito."The girl in the middle of the road dude! Medyo kinabahan ako kanina" natahimik ang mga ito sa pagtawa.
"Nagpapakamatay yata!" Amused na sabi ng isa.
" wala naman syang choice" napapikit ang mata ni Ry nang marinig ang boses na yun.
"Pero Hex, di ba classmate yata natin yun sa history?" Niel. Wala syang narinig na sagot at nanahimik ang iba.