Kakatapos lang ng first class nila, chem lab. Three hours din, since dalawang meetings lang per week. Yeah, were classmates."San ka lunch Ry?" Tanong ni Kris habang papalabas sila ng building.
May klase pa pala sya mamayang one. Hmm..12:10 pm, pagtingin nya sa wristwatch na suot.
"Adobong kangkong?" Gusto nyang kumain ng gulay. Napa isip naman si kris, infairness, mabilis itong maka intindi ng mga few words nya.
"Ah! Sa labas tayo kain, since punuan ang canteen today"
Kumai sila sa labas ng school, maraming magkaka sunod na kainan, karenderya o fastfood.
Sa manuelita's nila napiling kumain, katabi ng isang fastfood.
"You know what Ry?-"
"Di ko pa alam"
"My gosh! Two point's na, kanina yung longest words na sinabi mo, then now binabara mo na ako! Improving ka teh!"
"Di mo pa ko masyadong kilala Kris"
"Shoot yun Ry, pero yun nga! napaka intimidating mong tingnan, tas ang pretty mo pa, plus kanina, perfect mo activity natin! Genius teh! Idol na kita ang cool mo grabeh!"
Sabihin na nating intimidating nga sya, madalang magsalita, genius? She knew na matalino sya, pretty?? A lot of people says that. Medyo boyish lang talaga sya pumorma. Mahilig sa sweat pants, t-shirt i don't have any dress, puro panlalaki damit nya o kaya naman mga polo na unisex, na sakto lang ang size, di masikip na mag mumukha syang suman, o maluwag na parang hip hop. She also used to wear eyeglasses, pero kaya naman ng mata kahit wala, pero madalas nya talagang suot. Short brown hair na hanggang balikat, lagi syang nakatali, not ponytail, yung kalahati lang. May bangs din sya. Lagi ding naka rubber shoes. Over all napaka plain nya lang, kaya minsan nakakapagtakang mahilig syang titigan ng mga tao. And even I don't care, I'm still not comfortable. Plus lapitin sya ng mga taong madaldal, makulit, maingay at annoying. Siguro ganun talaga ang buhay.
"Shut up kris, just eat".
"And you know what again Ry?" Di nalang sya tumingin sa kaharap. Kapag nakipag eye contact ka kasi sa kausap mo, mapipilitan ka lang sagutin ito at magmumukha kang interesado.
"Ang daming boys na napapatingin at ngumingiti sayo. Eeeeee.. super pretty mo kasi" super?? She not used to add superlative when she described herself. Anong ginagawa ng salamin sa kwarto? Humble?
Pagkatapos nilang kumain ay bumalik ulit sila sa school. Mainit kasi para gumala kung saan kahit may one hour brake pa silang pareho. Punta nalang daw silang College of Arts and Social Sciences, suggestion ni Kris, para sa next na minor subject nila. Di sila magkaklase mamaya dahil history ang sa kanya at polsci naman ang ang sa kasama, tho pareho ng time.
Ang pinaka ayaw nya sa lahat ay tumambay. Wala sa trip nyang umupo sa isang kanto at isa-isang tingnan ang mga dumadaan. Coz I find it rude, tulad ngayon. Kinakalabit sya ni Kris habang busy sa pagbabasa ng libro, sphere by michael cricthon at nagtuturo ng kahit sino then lalaitin o mag bibigay ng trivia. Seriously? Infairness...hanudaw. whatever! Ang dami nitong kilala.
"Eto Ry?hindi mo dapat palampasin ang isang to" ayan na naman ang babae. Itinaas nya ang tingin sa tinuturo nito para manahimik na. Natanaw nya ang isang babaeng paparating, kasama ang mga extra at echo nito. She smirked, small world sweetheart.
Binalik nya ulit ang pagbabasa habang nakikinig sa sinasabi ni Kris. Imposibleng dumaan ang mga iyon sa gawi nila dahil lumiko ito adjascent sa pwesto nila Ry at Kris.
"And that's the queen bee of the campus. Ms. Teen mindanao last year, ms. University! pang reyna naman kasi ang ganda, sobrang bonus na na matalino sya at mayaman, medyo you know nga lang sya, bitchy daw,pero di ko naman sya personally know. So, who I am to judge? Di ba? Kasi some people say na mabait naman sya. Kaso eto talaga ang newsflash! Sofia Lovia Mendoza and Jan Hex Falcon are exclusively dating. Kung alam mo lang kung ano ang raks-" blah..blahhh blahhh.. so harry is jerry?? Hmmm... It's more something. Kanina pa wala sa katabi nya ang isip, masyadong maganda ang libro kesa sa Newsflash ni kris.
Naghiwalay sila after an hour. Konti palang ang tao sa room pagpasok nya. And again, staring is rude people.
Nakarating na maya-maya ang prof nang subject na iyon. Binigay niya at mga kaklase ang cor for attendance. Isa-isang tinawag at pupunta sa harapan ang tatawagin para kunin ulit ang cor.
"Ryenna Bing Castillo" tumayo sya pagkatawag para kunin ang form, and then again, attention.
"Impressive grades Ms. Castillo" baling ng prof. kay Ry.
"Thanks"
"Transsferee.. From?"
"UP" napa owwww! Ang mga estudyante pagkatapos nyang sabihin yun at iabot ng prof. ang papel.
"I expecting something to you Ms. Castillo"
"Make it more than, sir"
"woooohhh!"
Nag ingay ulit ang iba at ang iba naman ay nagtaray. Mee too, I find it "hambog". It's my nature I guess.
Lalong nag ingay ang mga estudyante ng may pumasok na dalawang lalaki. Si hex and she don't know the company.
"Yes! Naging classmate ko na rin si Hex at Niel..I'm so lucky this year" obviously, hindi sya ang nagsabi nyan kundi yung lalaki? sa harap.
What's up dude??!! Tsk."Mr. Falcon and Alcantara, we see each other again." Bati ng prof sarcasticaly.
"Good to see you again Prof. Madalang, I surely pass your subject this time" bati nung Alcantara kay prof with his killer smile. Nag smirk lang at nag rolled eyes yung Falcon. Wala namang nagawa ang matandang propesor kundi bumuntong hininga at tanggapin ang COR ng dalawa.
Umupo sila sa likod nya, wala narin namang ibang bakante. Kelalakeng tao ng dalawang kararating pero ang harot at ingay sa likod. Typical attitude of rich jerk, we have nothing to do in that case. Ignore and ignore.
"Hey!"
"Hey miss!"
"Are you deaf?"
Kanina pa ito nagsasalita, ignore. Wala naman silang pwedeng maging kelangan sa kanya. Hindi lang naman sya ang malapit sa kanila.
"Hey!" Halatang naiinis na si Falcon kaya kinalabit na sya nito, tawa naman ng tawa si Niel.
"The famous Hex is ignoring..hahaha.."
"Pakipot lang yan, mukha namang tomboy" rinig nyang sabi ni Hex. I don't give a damn dude. Kinalabit ulit sya kaya lumingon sya sa likod. Pareho itong natahimik ng makita nila ang "i don't care who you are" look ni Ry. Well may sinabi talaga ang mukha ng dalawa, lalo na si Hex na parang nagulat ng makita sya at may malalim na iniisip.
"Your time's up" sabi nya after a second. Wala naman kasi silang sinabi at tinitigan lang sya. And as she always said, staring is rude.
Maagang natapos ang discussion sa history kaya maaga syang nakauwi sa boarding house. Hindi nya alam kung bakit pero, he's really familliar.
Aaahh..I'm having a headache.
I need some rest. Marami pang mangyayari sa susunod na araw.