Holiday. Saturay 11 am.Dahil walang pasok at mag iisang linggo na mula nung pasukan ay kumpleto ang mga boarders ng Lopez boarding House.
Naglalaba si Lily at Mariane ng mga damit sa gripo malapit sa gate. Nag mamanicure naman si Arnie malapit sa pinto ng sala habang nakasalampak sa sahig. Nanonood ng t.v sina Rico at Miah sa sala. Nag rereview si Berna sa kwarto nila ni Annica. Tulog na tulog naman si Aemee at naghahagok pa. Nagluluto si Annica ng pritong galunggong sa kusina. Sinisilip naman ito ni Anthony na kunyaring nag-aaral sa dining table. Si Ry? Ayun nakarating na yata sa Bukidnon kasama ni Hex. Lol. Actually tulog parin sya. Mahimbing na mahimbing.
"Ahhh!! I hate you fish! I really dooo!!.." nag titili si Aning habang dinu duro-duro gamit ang espatulla ang kawawang galunggong. Pano'y nilagay nya kagad ang isda sa kawali kahit hindi pa maiinit ang mantika kaya natatalsikan sya.
Nagpipigil naman ng tawa si Anthony. Mun tanga kasi ang tingin nya kay Aning. Napansin naman sya ni Annica.
"What?! How dare you to laugh at me! Hindi kita bibigyan nito after I cook this" nanlalaki ang butas ng ilong ni Annica sa inis.
"Haha! Para namang hihingi ako nyan. Asa! Bibili nalang ako sa labas kesa malason nyang isda mo" pang aasar ni Ton kaya lalong nainis si Annica pero pinagpatuloy nalang nya ang pagluluto. Hindi naman kasi maluluto ang galunggong nya kung makikipag asaran sya kay Anthony.
Ang totoo'y di sya sanay sa mga ganitong gawain. May mga katulong naman kasi sila sa bahay nila. Parehong propesor ang mga magulang nya sa isang kolehiyo sa lugar nila. Only child lang sya kaya sunod ang luho. Pero dahil naisip nya na maging independent ay tumira sya sa boarding house. Maarte lang syang magsalita't kumilos pero yun lang naman yun. Hindi sya reklamador at mabait syang bata.
"Ouch! Huhu..my nail! Echosera kang ingrone ka!" Reklamo ni Arnie. Pano'y dumugo ang kuko pag tanggal sa inggrone. Napangiwi naman sina Rico at Miah kay Arnie, nanonood sila ng UAAP.
"Tiis ganda Arn..tiis tiis lang..ginusto mo yan" napapailing na sabi ni Rico.
"I kiss mo lang Van para mawala huhu" nag papa cute na sabi ni Arnie kay Rico habang nilalapit ang kukong may sugat. Napatakbo naman kagad si Rico sa banyo. Pero wrong move yata dahil di na sya makalabas. Nakaharang na kasi si Arnie at nag aabang sa pinto.
"Hahahaha...papa Van pa kiss muna kasi"
"Gago ka Arn! Susuntukin talaga kita!"
"No no!! Di mo kaya papa Van"
Tawa naman ng tawa sina Anthony, Annica at Miah sa dalawa. Pero wala paring pakealam si Marco sa paligid. Hindi parin kasi bumabalik sa tono ang gitara. Nakokonsensya naman si Miah sa nagawa nya kaya nanahimik nalang ito't itinuon ang atensyon sa pinanonood. Wala rin naman syang magagawa dahil ayaw parin syang pansinin ni Marco. Para iton male version ni Ry.
"Mimi! Pakisampay naman nitong nabanlawan na!"
Rinig na sigaw ni Miah ng ate. Kaya tumayo nalang sya't pupunta sa laundry area sa labas. Nawalan narin sya ng ganang manood at parang maiiyak dahil binigyan sya ng masamang tingin ni Marco.
"Sorry na nga eh!" Sigaw ni Miah kay Marco bago umalis at lumabas. Wala namang reaksyon si Marco't nagtapik ulit ng strings.
"Ay anong ganap nung sister- in- law mo Van?" Natatakang tanong ni Arnie. Sa wakas ay napagod rin ito sa pangungulit kay Rico.
"LQ" sagot ni Rico at bumalik sa dating pwesto.
"Kaloka! Makapag dress wash na nga lang ang oks!" Pagkaligpit ng mga gamit panlinis ng kuko ay lumabas na rin si Arnie para mag laba.