Jin Pomelo
10:39 AM
Jin Pomelo: Hi miss
Jin Pomelo: Notice me
11:47 AM
Jin Pomelo: Hiiiii
Jin Pomelo: Pansinin mo ko
Jin Pomelo: Bakit ayaw mo ko pansinin?
12:01 PM
Jin Pomelo: Hi miss
Jin Pomelo: Sana makapag-lunch ka na
Jin Pomelo: Kanina pa kita hinihintay bumalik
Jin Pomelo: Balikan mo naman ako dito
Jin Pomelo: Hindi lahat ng iniiwan pwede na hindi balikan
Jin Pomelo: Pwede naman na balikan mo ko tas ako na bahala sayo
Djorella Naomi accepted your message request. You can now message and call each other and see info like Active Status and when you've read messages.
12:15 PM
Ang corny mo. Kung wala kang magawa sa buhay, magsolo ka na lang. Busy akong nilalang, Kuya. Wala akong panahon sa kakulitan mo.
Jin Pomelo: I like you.
Thanks. I like myself, too.
Jin Pomelo: Seryoso, gusto kita. Bakit ayaw mo maniwala?
Alam mo, Kuya, kung hindi lang tunog ng tunog phone ko dahil sa sunod sunod na message mo, hindi ko ia-accept tong request na to.
Jin Pomelo: So crush mo rin ako?
Excuse me?
Jin Pomelo: Okay lang yan. Crush naman na agad kita, Jana.
Tangina sino ka?
Sino ba tong manginginom na to?
Sungalngalin kaya kita.
Jin Pomelo: I have your planner.
Hala!!!
Pinakialaman mo?
Jin Pomelo: Tinignan ko lang kung sino owner.
Bakit mo binuksan planner ko?
Jin Pomelo: Tinignan ko lang kung pwede mo akong maisingit sa buhay mo.
Tangina mo Kuya!
Nasaan ka? Kukunin ko sayo planner ko.
Jin Pomelo: Nandito pa rin ako. Kung saan tayo unang nagtagpo.
Tangina nito!
Paano ko malalaman kung nasaan ka? Hindi nga kita kilala!
Jin Pomelo: See you!
Seen. 12:22 PM