Djorella Naomi Alcaraz
06:03 PM
Hi, Mahal.
Don't skip dinner, okay? Wag kang papagutom.
Okay lang bang uminom ako mamaya? Kasama ko yung mga ugok. Mag-chill lang kami out of town.
Djorella Naomi: Bakit nagpapaalam ka sa akin?
Djorella Naomi: Kahit naman pigilan kita di ko naman malalaman kung iinom ka o hindi.
Djorella Naomi: HAHAHAHAHAHA
Actually nakaalis na kami hahaha
Pero kapag sinabi mong wag akong uminom, di talaga ko iinom.
Djorella Naomi: Baliw!
Djorella Naomi: Nandyan ka na eh.
Oo nga
Pero kapag sinabi mong wag susundin kita
Djorella Naomi: Sige. Kunyari na lang naniniwala ako.
Totoo nga.
Magsesend pa kong picture sa 'yo.
Gusto mo video call tayo?
Djorella Naomi: What?! No.
Djorella Naomi: Pero you can drink, okay lang.
Weh?
Baka mamaya magalit ka?
Djorella Naomi: Baliw, bakit ako magagalit?
Djorella Naomi: Okay nga lang.
Bakit?
Djorella Naomi: Anong bakit?
Bakit okay lang?
Djorella Naomi: Dati ka pa ba nainom?
Yup, pero hanggang kaya ko lang naman.
Di naman ako naabot na nalalasing ako.
Djorella Naomi: See? So, bakit kita pagbabawalan na uminom kung nakilala na kitang ganyan?
Djorella Naomi: As long as you can handle yourself, pwede. Wag lang yong malalasing ka.
Opo, inom po ako hanggang kaya ko lang po.
Djorella Naomi: Good.
Ano na ginagawa mo, mahal?
Djorella Naomi: Maghahanda na ng dinner.
Ah, sige magluto ka na mahal.
Chat mo na lang ako mamaya.
Djorella Naomi: Okay. Drink in moderation, okay? Wag maglalasing.
Yes po mahal
Chat kita mamaya 😘😘😘
Seen. 06:48 pm