7

23 3 0
                                    

Djorella Naomi Alcaraz

08:40 PM

Mahal nandito na kami sa tutuluyan namin hanggang Sunday

Ang lamig dito

Iinom na kami

Djorella Naomi: Okay, ang bilin ko ha?

Opo mahal

Kumain ka na?

Djorella Naomi: Yep, tapos na.

Djorella Naomi: Oo nga pala, kumain ka na ba? Wag ka muna uminom. Baka gutom ka.

Hindi nagluto kami ng pagkain

Kumain muna kami bago nagsimula ng inuman

Djorella Naomi: Nag-iinom na kayo?

Oo

Pwede?

Djorella Naomi: Oo nga sabi.

Djorella Naomi: Nag-iinuman na pala kayo bakit chat ka pa ng chat sa akin?

Bakit bawal ko bang i-chat yung mahal ko?

Djorella Naomi: Nye nye.

Hahahaha

Djorella Naomi: Bakit ka nga chat ng chat?

Mas gusto naman kitang kausap kaysa sa mga ugok na to

Djorella Naomi: Sira!

Oo nga

Mas gusto kong makipag-chat sayo kaysa uminom

Sana pala ikaw na lang pinuntahan ko kaysa sumama ko dito

Djorella Naomi: Hala baliw ka?

Baliw sa 'yo.

Djorella Naomi: Gago! Hahahaha!

Gago na sa 'yo

Djorella Naomi: Ano ba?

Kinikilig ka na ba?

HAHAHAHA

Djorella Naomi: Hindi. Hahahaha!

Ang hirap mo naman pakiligin.

Djorella Naomi: Hahahaha! Edi wag mo ko pakiligin.

Ayoko

Gusto ko kiligin ka sakin 😘

Djorella Naomi: Para namang napapakilig kita?

Oo naman

Nirereplyan mo pa lang ako kilig na kilig na ko

Djorella Naomi: HAHAHAHA! Shuta ka.

Djorella Naomi: Ang corny mo. Bwisit ka! Hahahahaha.

Kinikilig ka na sakin sure ako

Djorella Naomi: Hahahaha! Slight.

Yun!

Djorella Naomi: Slight lang.

At least kinikilig pa rin

Djorella Naomi: Oo na lang.

Djorella Naomi: Sige na, enjoy ka na dyan.

Ayaw mo na ko kausap?

Djorella Naomi: Hindi naman.

Djorella Naomi: Syempre, nasa inuman ka. Baka isipin nila nandyan ka nga pero parang di ka rin nila kasama.

Hayaan mo sila

Mas gusto ko pa nga mag chat sayo kaysa kausapin sila.

Djorella Naomi: HAHAHAHAHA

Djorella Naomi: Bahala ka nga dyan!

Iiwan mo na ko mahal 🥺

Djorella Naomi: Arte naman. May gagawin lang po.

Balik ka agad

Seen. 11:37 pm

11:38 PM

Djorella Naomi: Oh, bumalik ako ah.

Ang tagal mo mahal

Djorella Naomi: May mga tinapos pa kasi ako.

Djorella Naomi: Niyayaya ako nung kasamahan ko dati. Date daw kami.

Ah

Kasamahan lang ba?

Djorella Naomi: Baliw babae yon!

Ah sige lang mahal

Hindi naman kita pipigilan

Djorella Naomi: Alam ko hehe

Djorella Naomi: Ewan ko ba, feeling ko lang dapat ko i-share sa 'yo.

Bakit?

Djorella Naomi: Di ko alam. Ang hirap i-explain. Basta!

Djorella Naomi: Update kita sa lakad namin.

No, okay lang.

Take your time.

Enjoy mo lang yung lakad niyo ng friend mo.

Djorella Naomi: Mag-eenjoy naman ako. Pero, ewan ko ba. Parang may nagpu-push sa akin na magsabi sa 'yo.

Mahal ah

Iba na yan

Djorella Naomi: Feelingero!

Hahahaha

Djorella Naomi: Sige na. Enjoy mo na yong pahinga niyo dyan. Baka naman lasing ka na ah?

Hindi mahal

Di ko nakalimutan yung bilin mo

Tulog ka na

Good night 😪😘😘😘

Make It RightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon