5 years later...
Nagmamadali si Jin sa pagtakbo para maabutan ang girlfriend na si Jana. Paalis ngayon ang dalaga patungo sa isang liblib na probinsya sa bansa. Habol ang hininga niyang isinigaw ang pangalan nito ng makitang malapit na itong pumasok sa airport.
"Djorella Naomi," pagsigaw niya na kumuha ng atensyon ng halos lahat ng tao sa lugar na iyon. Maririnig din ang bulungan ng ilang malapit sa kanya. Hindi na nakakapagtaka, isa siyang public figure. Sikat siya at kahit saan magpunta ay talaga naman na makikilala siya.
"Nakakahiya ka, Jin!" nanggigigil na sabi ni Jana sa kanya ng makalapit siya rito. Hawak nito ang maleta sa kaliwang kamay habang hawak niya naman ang kanan.
"H-hi, b-baby!"
"Hi mo mukha mo," kunwari ay nakasimangot na sabi nito pero yumakap naman sa kanya. "Anong ginagawa mo dito?"
"Gusto kita makita bago ka umalis."
"Ang clingy mo naman. One week lang ako sa Siquijor!" natatawang sabi ni Jana at nagmamadaling kumawala sa yakap niya. "Sige na, aalis na ko."
"Mami-miss kita baby. Baka hindi kita matawagan kapag nandoon ka. Baka wala kang signal o 'di kaya maghanap ka ng iba."
"OA mo, ha?"
"Baby," kinakabahan niyang tawag dito matapos nitong magpaalam sa kanya na sasakay na ng eroplano.
"Hmm?"
"Papayag ka bang magpakasal sa akin?"
"Huh?" nanlalaki ang mga matang tanong nito sa kanya. "Are you proposing?"
"Yeah?"
"Kainis ka," hinampas nito ang balikat niya. Unti-unting namuo ang luha sa mga mata nito at hindi niya mapigilan ang sarili na maluha na rin. "Bakit ka naiiyak?"
"Umiiyak ka, eh."
"Ang arte mo!" tawa ito ng tawa habang pinapahiran ang mga luhang tuluyan ng tumulong sa magkabilang pisngi nito.
"Ano nga? Papayag ka bang magpakasal sa akin?"
"Ayusan mo naman! Wala ka talagang katamis-tamis sa katawan, 'no? Ang casual ng tanong mo parang tinatanong mo lang ako kung kailan ako uuwi?"
Huminga siya ng malalim bago inilabas ang singsing na kanina pa niya hawak sa loob ng bulsa niya. Simple lang iyon. Manipis na kulay ginto na may katamtamang laki lang na diyamante. Nang iangat niya ang singsing sa harap ni Jana ay humikbi ito ng malakas kaya naman mas lalo silang pinagtinginan ng mga tao.
"Baby, hinay naman sa pag-iyak. Baka isipin nila nagbe-break tayo dito sa airport." bulong niya bago hinawi ang buhok nitong humarang na sa mukha nito.
"Ang ganda naman," sabi nito na ang tingin ay tutok na tutok sa singsing na hawak niya. "Bakit maliit 'yong diamond?"
"Gusto mo low-key lang, 'di ba?" sagot niya habang kinukuha ang kaliwang kamay nito para isuot ang singsing. Tamang-tama lang ang sukat nito sa daliri ni Jana kaya naman napangiti siya. "Perfect."
"Paano mo nalaman?"
"Ang alin?"
"Ayaw ko na malaki 'yong bato?"
"You love plain bands. Kapag tumitingin ka kahit ng mga simple accessories, gusto mo lagi 'yong simple lang, and can match any of your outfits. I chose this ring for you on our first anniversary. I've been watching you and observing your likes and favorites.
"At hindi mo na isipin pa kung babagay ba ang engagement ring natin sa suot mo. I made sure that it will match even your swimsuits." pagkindat niya pa matapos ipaliwanag ang disenyo ng singsing niya.