Stephen C. Amelle
12:20 PM
Stephen: Nak
Yes?
Stephen: Tara double date!
Huh?
Ang dami daming trabaho, date iniisip mo?
Stephen: Alam mo naman na hindi sasama nanay mo sa akin kapag di ka kasama
Busy ako.
Busy din si Jin so hindi kami pwede.
Stephen: Sino si Jin?
Boyfriend ko. Duh! 🙄
Bakit tinatanong mo pa kung alam mo naman?
Stephen: Di ko alam
Stephen: Di ko yan kilala
What?
Yan yung manliligaw ko noon eh.
Noon, kasi sinagot ko na.
Stephen: Paano na si Leo?
Leo?
Bakit naman napasok si Leo sa usapan?
Stephen: Si Leo ang gusto ko para sayo.
Gusto mo pero hindi ko gusto.
Bye!
Stephen: Hoy!
Stephen: Makipag-date ka mamaya kay Leo.
May boyfriend na nga ako.
Seen. 01:38 pm
~~~
Virtual Parents
01:39 PM
Stephen: Mommy yung anak mo nga pagsabihan mo. Hindi na naman nakikinig sa akin.
Astrid: Ano na naman bang pinagpipilitan mo at hindi nakikinig sayo?
Stephen: Bakit ako ang may kasalanan? Siya itong ayaw makinig sa akin?
Stephen: Napakatigas ng ulo.
May tao bang malambot ang ulo?
Stephen: Pilosopo pa.
No, seriously...
Malambot ang bumubunan ng baby that's why their heads are soft. Kaso hindi na ako baby.
Astrid: You're still my baby girl.
Awe ❤️
Stephen: Nagkampihan pa. Kaya hindi nakikinig sa akin yan eh. Lagi mong pinagbibigyan.
Astrid: Ano bang mali sa sinabi ko? Baby girl naman talaga tawag ko kay Jana.
O, tama na 'yan.
Anong trip mo bakit may pasumbong ka dito?
Stephen: Ipakilala mo sa amin ng nanay mo yang pinagmamalaki mong jowa mo!
Astrid: Ah, yun lang pala.
Okay.
Stephen: Okay?
Stephen: Ayan lang sasabihin mo sa akin?
Ano pa bang gusto mong isagot ko, Stephen?
Kanina ka pa.
Stephen: Tignan natin kung ganyan ka pa rin mamaya kapag kausap ko na pinagmamalaki mong boyfriend mo.
Astrid: Ano bang mayroon sa boyfriend ni Jana bakit ganyan ka maka-react?
Stephen: Hindi ko siya gusto Astrid.
Stephen: Hindi ko siya gusto para sa anak natin.
Astrid: Hindi naman ikaw yung ka-relasyon, bakit kailangan mo siyang magustuhan?
Hahahaha! Exactly.
Stephen: Ge, magkampihan kayo!