Djorella Naomi Alcaraz
04:22 AM
Djorella Naomi: Shit!
Bakit?
Djorella Naomi: Bakit gising ka pa?
Work
Mukhang kailangan ko magpasalamat na nagtatrabaho pa ko ngayon
Kundi di ko makikita mga chat mo
Djorella Naomi: Ewan
Namiss mo na talaga ko misis ko?
Djorella Naomi: Tingin mo?
Oo o Hindi lang misis ko 😘
Pero tingin ko oo kahit wag mo na sagutin alam ko naman na
Djorella Naomi: Wow ah! 😒
Misis ko bakit gising ka pa?
Masama yung laging puyat baka magkasakit ka
Djorella Naomi: Ikaw nga nagtatrabaho pa kahit madaling araw na! Sino ba yang boss mo? Sapakin ko kaya yan?
Hahahaha!
Cute mo 🥰😚😍
Djorella Naomi: Ewan ko sayo. Matutulog na ko.
Good night mahal ko 😚😚😚
Djorella Naomi: Good night din. Matulog ka na kapag tapos mo dyan.
Nah, aabutin pa kami ng ilang oras dito. Tulog ka na mahal dito lang ako paggising mo.
Djorella Naomi: May tanong pala ko.
Ano yun?
Djorella Naomi: Bakit nabasa mo agad message ko? Akala ko ba susuko ka na? Akala ko ba tanggap mo na? Bakit isang message ko lang nakasagot ka agad dyan?
HAHAHAHA
kasi mahal
😘😘😘
Djorella Naomi: Anong kalandian yan?
Hahahaha di mo alam yan?
😘😘😘
Djorella Naomi: Ano ba yan?
Djorella Naomi: Lagi mo kong sinesendan ng ganyan.
😘😘😘
Sent
Mahal? Tulog ka na?
04:51 AM
Misis ko tinulugan mo yata ako 😂
Ilang beses ko na gustong sumuko sayo Jana alam mo ba yun?
Hindi biro yung i-reject at iwanan mo ng paulit-ulit. Haha! Sinong mag-aakala na masasaktan ako sa rejections mo?
Then naisip ko, ah I really like this girl. Hindi naman siguro ako magtitiis at maghahabol ng ganito kung di ko siya gusto right?
Tinatanong mo kung bakit nakita at nabasa ko agad message mo? Isn't it obvious?
I'm reading our conversation, Jana. I keep coming back here kahit na hindi mo ko nirereplyan o siniseen man lang.
Pabalik balik ako dito knowing that I wouldn't even receive anything. Not even a period. 😂
But it's you.
It's you, misis ko.
At kahit anong pilit kong sumuko o itigil na lang to lahat ay di ko magawa.
Nakaka mukhang tanga man haha di ko mapigilan sarili kong umasa. Malay mo isang araw bumalik ka?
At ito na nga, nandito ka na ulit. Bumalik ka nga sakin. Nabasa ko pa yung di ko ine-expect na gusto kong makita.
Maliban sa gising pa ko, sobrang saya ko kasi nabasa ko agad yung mga yun pagkasend mo pa lang. Iba sa pakiramdam.
Masaya ako at miss na miss rin kita. Kaya sana di ako nananaginip ng gising. Sana mamaya paggising mo bumalik ka pa rin.
Tatanggapin kita ng paulit-ulit, mahal. Kahit iwan mo ko ulit. Kahit saktan mo ko ulit, okay lang. Tatanggapin ko basta babalikan mo ko dito.
Because I know that you are worth it. You will always be worth it, mahal.
😘😘😘