CHAPTER 23

39 3 0
                                    

Umakyat ako ng jeep ng tulala.. Grabe ba naman kasi. Sobrang kinikilig ako. Ang sarap sa feeling! Sobra talaga. Haaay. Ayoko siyang mawala kaya lahat gagawin ko para sakanya.

Lumipas na ang ilang linggo...

At first monthsary na namin bukas. Yey! Ang saya-saya talaga. Alam kong hindi eto yung una kong beses na nagkarelasyon dahil nga nung kay matthew pero iba to eh. Mahal na mahal ko si carl.

Eto tumutulo yung luha ko ng nakangiti habang sinusulat ko yung first letter ko sakanya. Kinkwento ko kasi yung mga panahon na di pa kami. Yung sila palang ni samantha.

Di pa namin napaguusapan kung saan kami pupunta. Bahala na bukas. Bukas ko narin siya babatiin. Para kunwari nakalimutan ko. Tapos tinext ko siya ng matutulog nako kasi antok na ko. Pero nagalarm padin ako ng 12 para tignan kong itetext niya ko.

"Baket ang aga mahal? Okay sige po. Goodnight. ILoveyousomuch!"

Natulog muna talaga ako. Tapos biglang nagalarm yung 12 na sinet ko. Hinintay ko yung text niya. 10mins.. 15mins.. 20mins..

4am na. Nakatulog nadin ako kakahintay kaso wala padin siyang text. Baka nagtampo na kasi akala niya di ko naalala. Success ang plano! Haha. Kaya tinext ko siya ng goodmorning at gumising na. Mga 5 pa kasi gising niya. Malapit lang naman siya sa school namin.

Tapos bigla siyang nagtext.

"Goodmorning mahal. agahan mo pumasok kasi may quiz tayo kay mam minchin para makapagreview tayo. Kaen ka na."

Hala. May quiz? Di ko matandaan na sinabi niyang may quiz. Waaaa! Di ako nakapagreview. Kaya ayun binilisan ko talaga pag kilos ko. Lagi kasi akong late ng 5mins kahit ang aga ko ng gumigising. Mabagal kasi akong kumilos tas minsan ang hirap sumakay.

Kaya wala pang 5:30 ay umalis nako sa bahay. Nagulat nga sila mama dahil maaga ako aalis. Lagi kasing 5:45 ako lumalayas ng bahay.

Nagtext muna ko sakanya bago ko nilagay sa taguan sa bag ko yung phone. Bawal kasing magdala ng cp samin. Pero dahil may secret pocket yung bag ko eh dinadala ko na. Haha.

"Ingat ka mahal. Nakaalis na ako."

Di ko na hinantay yung reply niya. Sobrang nagmamadali nakong maglakad. Bat kasi ang layo layo ng bahay namin sa sakayan eh! Kaasar!
5:45 nako nakadating sa school. Bago ko umakyat eh nagcr muna ko. Tapos bigla akong sinalubong nila alice at abby.

"Hoy dalian mo celine! Magrereview pa tayo!" sigaw ni abby.

"Oo palabas na." sagot ko naman.

Lumabas nako ng cr tapos umakyat na kami. Naghihintay ako ng bati mula sa dalawang kasama ko pero wala akong natanggap. Siguro nakalimutan din nila.

Pagpasok ko sa room. Walang tao sa room. Kaya tinanong ko yung dalawa.

"Asan sila?"

"Ba malay namin. Nung lumabas kami para sunduin ka nandito pa sila eh." sabi ni alice.

"Eh si carl? Dumating naba siya?" tanong ko.

"Wala pa. Di pa dumadating." Sagot ni abby.

"Teka baba muna ko. Hanapin ko yung mga tao. Baka dun tayo sa lab magququiz." Paalam ni alice tapos sabay labas.

Tapos sabay takbo ni abby. "Sama ako alice. Wait!"

Sumunod din ako.

"Hoy sama din!"

Sabay silang umistop dalawa.

"Celine, magreview ka na sa loob. Wala kaming kokopyahan. Hintayin mo nalang kami." sabi ni alice.

First Love o True Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon