CHAPTER 19

60 4 1
                                    

1 day before valentines...

Uwian naaa :D

"Cel, tara mcdo!" yaya ni abby.

"Sino kasama?"

"Tropa!"

"Kasama siya?"

Sana naman hindi.. Miss ko na tropa ko... Miss ko nadin siya pero...

"Oo eh.."

"Kailangan kong lumayo ulit abby.."

"Alam ko.. pero hindi lage.. mahahalata ka niya.."

"Di naman ha? Wala na siyang pake saken."

Oo wala na talaga -_- Ni hindi na niya ko kinakausap at kinukulit :( Magiisang linggo na..

"Meron padin.. pero hintayin mo lang.."

"Ang alin?"

"Basta! Pero mahal mo padin siya?"

Tugsss... Tugss.. Tugs.

"Abby! Lika na daw!" sigaw niya..

"Oo... at nahihirapan akong kalimutan siya.."

Paglabas namin ng gate...

May nakita akong isang pamilyar na muka.. medyo malayo pa siya kaya di ko maaaninag muka -_- Malabo kasi mata ko.

"Celine!" tawag sakin ni israel.

Nahuhuli kasi kami nila abby. Sabi ko kasi sakanya bagalan nilang maglakad.. kaya si israel dun na kasama sa mga lalake XD

"Oh?"

"Si...si mack.." sabi niya.

Ma..mack?

"Sinong mack?" tanong ni abby.

"Teka.. ano nabang date ngayon?" tanong ko saknila.

"February 13" sagot ni alice.

"ANO?!"

"Baket?" Tanong ni israel.

"May date pala kami.."

At unti-unti kong nakita si mack.. kaya pala pamilyar muka niya..

"Hi celine :) Para sayo oh?" *sabay abot ng rose*

Yung mga tingin sakin nung tatlo parang gustong sabihin na "Wag mong tanggapin at ano ibig sabihin nyan?" Ganon yung gustong sabihin ng mata nila :D Hahahaha!

"Thankyou Mack! Sorry ha? Di ako nakapagdala ng damit kasi di ko alam na 13 na pala.." sabi ko kay mack.

Yung tatlong lalaki.. pinuntahan kami.. tatawagin sana ako ni badong kaso nakita nila na may hawak nakong rose..

"Ay okay lang.. Nagdala ako ng damit para sure :)" sabi niya.

"Damit? Anong damit?" tanong ko.

Tapos nilabas niya yung dress na sobrang ganda.. Simple lang siya pero ang kyut kasi kulay yellow :) Favorite color ko :'>

"San kayo pupunta?" tanong ni israel.

"Hi israel! Long time no see ;)"

"Hello! San mo dadalhin si celine?" sabi niya kay mack na medyo lalaking lalaki yung boses :D

"Dyan lang kami.. relax ka lang israel.. Di ko na siya ulit iiwan :)" sabi ni mack.

"Celine! Tara na? Sino ba yan?" -badong

Hinigit ni abby si badong at binulungan siya na rinig naman namin -_-

"Oy! Di na siya sasama -_- May date daw ang loka." -abby

First Love o True Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon