Chapter 30

51 1 0
                                    

Celine's POV

Lumipas ang ilang linggo at second week na ng favorite month ko.. Ang saya na nakakalungkot dahil masyadong napapadalang nalang yung labas naming barkada. Mga busy sa projects, groupings at mga exam.

Pero syempre kami ni carl hindi nawalan ng oras :) Lagi siyang nasa bahay namin para tulungan ako kung may project ako or tulungan ko siya kung may project siya. Then sabay kami nagrereview pag exam na. Grabe! Sobrang close nga nila ng mama ko tapos ng mga kapatid ko..

Tapos si badong at abby pati narin si marie at israel eh palaging magkasama.. Haaay. Nagseselos na nga ko kasi parang di na kami magbestfriend ni israel.. Minsan kasi pag nagaaway kami ni carl gusto ko siyang tawagan kaso laging busy na kay marie :( Nakakalungkot pero ganon talaga..

Ngayon nandito ako sa labas ng subdivision namin.. Hinihintay ko si mack.. May sasabihin daw siya.. Siguro sa isang buwan mga 4 na beses kami kung lumabas.. Buti nalang talaga sobrang bait ni carl at pinapayagan kami.. Pero di niya kasi alam kung ano ba meron samin ni mack dati.. Siguro kung alam niya lang baka di niya kami payagan..

Pero one time pinagawayan na namin si mack.. Paano ba naman kasi nagyaya na lumabas ng gabi na -_- Eh saken okay lang.. Madali lang gumawa ng alibay para payagan ni mama.. Si mack naman yun eh. Alam kong safe ako sa kanya.. Tska masaya naman siya kasama eh.. Kaya kami nagaway kasi ayaw niya ko payagan..

Kaya hindi kami nakalabas nun.. Di ko siya tinext.. Nakakainis eh! Sa mcdo lang naman kami pupunta.. May problema naman kasi yung tao kaya gusto ko din samahan.. Ewan ko ba. Kaya nung araw na yun tinawagan ako ni abby.. Nagtetext daw sakanya si carl..

*Flashback*

Calling: Abby...

"Hello abby.."

"Hoy! Ano nanaman nangyayare sainyo ni carl! Bat di mo siya tinetext? Kinukulit ako eh! Nasan ka?"

"Nakakainis kasi abby! Di niya ko pinayagan na umalis kami ni mack ngayon.."

"Ngayong gabi? Jusko naman celine! Gabi na eh! Malamang! Magisip ka nga!"

"Eh may problema yung tao! Kung ikaw man yung magkaproblema pupuntahan kita kahit gabi pa!"

"Tss. Lalaki yun! Edi sainyo pumunta!"

"Abby naman! Alam mong di alam ng pamilya ko na nandito na si mack eh.."

"Alam mo celine.. Wag kang unfair! Porket pinapayagan ka ni carl sa paglabas niyo ni mack eh aabusuhin mo na! Tandaan mo siya ang firstlove mo!"

First love.. Hindi si carl ang firstlove ko!

"Puppy love abby.. puppy love.."

"Edi puppy love! Pero minahal mo siya! At alam mo sa pinapakita mo sakin.. Feeling ko mahal mo padin si mack.."

Mahal? Hindi na! Wala na! Matagal ng wala! -_-

"Abby! Alam mong mahal ko si carl.."

"Oo alam ko.. pero hindi ibig sabihin na hindi mo na mahal si mack.."

"Hindi na talaga!"

"Kung hindi, bakit ganyan ka? Bakit di mo matiis si mack.. Bakit di mo kaya na hindi siya makasama o kahit makatext man lang.. Bakit di mo kayang mawala si mack! Napakasimpleng gawin niyan kung talagang wala ka ng nararamdaman sa kanya!"

"Dalawang taon abby! Dalawang taon na hinintay ko siya.. Tapos ngayong bumalik siya meron nakong mahal.."

"Kaya nga! Imposibleng wala na celine.."

First Love o True Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon