Chapter 33

39 0 0
                                    

Matapos ang gabing iyong yun. Nagsimula na ang pagiging kampante ko sakanya..

Oo.. Siya ang first kiss ko.. At naniniwala ako na siya ang first love at true love ko..

Lumipas ang pasko.. ang bagong taon.. At ngayon VALENTINES na..

Habang kumakain ako ng almusal.. Naramdaman kong nagvibrate ang phone ko..

Pagtingin ko...

Calling...
AaaMAHAL..

"Mahal, Goodmorning! Happy anniversary sayo! Mahal na mahal kita. Ano na ginagawa mo?"

Oo.. Anniversary na namin ngayon.. Isang taon ng aming pagmamahalan..

"Goodmorning din mahal.. Kumakain nako. I'll text you later. Happy Anniv! ILoveyoutoo!"

"Okay sige. Bye!"

"Bye!"

Tapos binaba ko na.. Kumain ako, nagayos ng gamit.. At maliligo na ko..

Nung paalis nako ng bahay.. Chineck ko muna yung phone ko before ko ilagay sa bulsa ko..

8unreadmessages..

Pagtingin ko.. Buong tropa ko nagtext sakin.. Plus si carl and mack..

Una kong binasa yung kay carl..

"Mahal sorry.. NagkaLBM ako.. Malalate ako kaya di ako makakasabay sainyo.. Sorry.. See you later.."

Tapos sunod kung binuksan yung sa tropa.. Tas huli yung kay mack..

Eto ngayon.. Naglalakad nako papasok sa school.. Ako lang magisa papasok dahil yung lima hindi daw papasok... Tapos si carl malalate daw..

Haaay... Nakakaloka naman tong araw na to..

Paakyat na ko ng hagdan.. Nang bigla kong nakasalubong yung kaklase ko..

"Happy Anniversary sainyo celine!" sigaw niya tas diretso na siya naglakad.

Nagulat naman ako dahil tropa lang ang nakakaalam na anniversary namin.. Eh di pa naman ako nagggm..

Nagpatuloy akong umakyat...

Nung nakarating nako sa 3rdflr.. Nakita ko yung mga kaklase ko na nasa hagdan..

Pag akyat ko sa unang baitang.. Inabutan ako ng rose.. Hanggang sa makarating ako sa 4thflr dahil dun ang room namin.. Kaso tatlong room pa bago kami..

Nung nakaakyat nako.. Nakita ko si israel..

"Hoy! Bat ka nandito? Sabi mo di ka papasok?" tapos di niya ko sinagot.. Bigla niya kong nilagyan ng blindfold..

Tugsss.... Tugss... Tugs..

Tuloy- tuloy lang yung pagkabog ng puso ko... Alam ko may hinandang sorpresa si carl pero hindi ko aakalain na ganito..

"Grabe andali ko talagang maniwala na di kayo papasok." sigaw ko kay israel.

"Eh uto-uto ka e!" sabi niya tas sabay tawa.

"Humanda ka talaga pag natanggal natong blindfold." hinahampas hampas ko siya kaso di ko mahampas..

Narinig ko nalang na sinabi niya na hakbang daw.. Edi ako naman si hakbang syempre wala akong makita..

"Oh diba? Uto-uto ka!" tapos tumawa na siya ng tumawa tas narinig ko din na tumawa yung iba.

Paano ba naman eh wala naman talagang hahakbangan.. Bwisit tong israel na to! Nauto ako! Bwisit!

First Love o True Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon