CHAPTER 25

39 3 0
                                    

Lumipas ang bakasyon.. Dumating ang araw ng pasukan. Grabe sobrang namiss ko pumasok. Nakakabagot kasi sa probinsiya -_- Although lagi kaming nagsswimming sa ilog at kasama ko ang mga pinsan ko. Iba padin pag kasama ko si carl.

Haaay. 2 months kaming di nagkita ni carl. Pano ba naman tuwing bakasyon talaga eh isang buwan kami sa probinsya eh sila din ganon -_- Nung april kami sila naman sa may.

Kaya ngayong pasukan sobrang gusto ko na siya makita. Nagusap-usap kami na agahan tapos sabay-sabay kami maglulunch sa mang-inasal bago pumasok.

At eto na makikita ko na siya...

"Celineee!" sigaw ni abby at alice nung nakita ako. Niyakap nila kong dalawa.

"Grabe sobrang namiss ko kayo." sabi ko.

"Oo nga. Sobra ako din." sabi naman ni alice.

Nilingon ko si israel na kanina pa samin nakatingin.

"Waaaah! Israel! Imissyousomuch!" sabay yakap ko sakanya.

"Hoy nagseselos na si carl. Bitaw na." sabi niya.

Tinignan ko naman si carl. Waaaaa! Gumwapo ata siya bat ganito?

Nakipag apir naman ako kay badong at aj. Sobrang namiss ko ang tropa ko pero mas namiss ko siya :'>

Pinuntahan ko na si carl. Kakausapin ko na sana kaso mas nauna siyang magsalita.

"Mahal! Sobrang namiss kita." sabay yakap sakin ng mahigpit.

Niyakap ko din siya ng sobrang higpit. Grabe! Sobrang relieve yung yakap niya sakin. Tanggal lahat ng naramdaman kong pagkamiss saknya ng dalawang buwan dahil sa isang yakap.

"Oopppsss. Tama na yan! PDA na kayo masyado!" awat samin ni israel.

Grabe talaga to si israel eh. Panira ng moment -_- Teka PDA? Ay oo nga! Waaaaaa! Nakita nila kaming magkayakapan. Hindi to pwede!! Kakahiya. Tsk.

Ayun naglakad na kami papuntang mang inasal. Tahimik lang ako. Nahihiya kasi ako eh. Sobra! Haaay. Kaya nahalata ata ni carl.

"Mahal, nahiya kaba sa ginawa naten kanina?" tanong niya.

Oo sobra -_- Masyado kasi akong nagpadala ng pagkamiss ko sayo. Waaaaah!

"Hoy mahal!" tawag niya sakin.

"Ay.. so..sorry. O..oo eh. Nakakahiya sobra." utal kong sabi.

Bigla niyang tinawag si badong. Kaya huminto lahat sila. Teka anong sasabihin nito? Waaa!

"Hoy mahal! Anong sasabihin mo? Wag mo sabihin!" bulong ko sakanya.

Kaso wala nakong nagawa. Tinanong niya na -_-

"Nakakahiya ba yung ginawa namin kanina?"

"Huh? Ang alin? Yung yakapan niyo?" tanong ni alice.

"Oo."

"Hindi no! We know naman na you missed each other lang." sagot ni alice.

"Eh kasi to eh. Hiyang-hiya siya."

"Nakoo celine. Nagawa niyo na eh. Nahiya ka pa?" sabi ni israel. Hinampas ko nga. Paepal talaga to -_- Porket wala si marie eh.

"Tumigil-tigil ka nga dyan israel! Porket wala lang si marie eh." sabi ko sakanya.

"K." sabay lakad niya.

Ayun medyo nawala na yung hiya ko. Hayaan na nga. Tropa lang naman ang nakakita eh :)

Nakarating nadin kami sa manginasal. KKB. Walang librehan. Ganito kami eh. Ayaw namin na masyadong nililibre ng boyfriend kasi estudyante lang din sila.

Padamihan kami ng kanin. Ayun dahil sa gutom ako kasi di ako nagalmusal eh nakalima akong extra rice. Ganon din si carl, aj at badong. Yung tatlo apat lang. Di na nila kinaya. Haha.

So 12 nn na. 30mins nalang eh start na ng klase. Kaya ayun nagmadali na kaming umalis.

Nandito na kami nila abby at israel sa loob ng room. Grabe mga kaklase namin -_- Halos magkakakilala na sila. Ang daya!

Lumipas ang first subj at ngayon last subj na namin. Adviser namin. Inayos kami ng upuan. Alphabetical -_- So sa medyo dulo na kami. Haaay. Bigla ko tuloy naalala si carl. Kung kaklase ko lang siya magkatabi sana kami.

Mamaya nung nakaupo na ko napansin ko yung katabi ko lalaki pareho. Kasi alternate. Eh sakto sa gitna ako. Limang upuan kasi. Bale babae tapos lalaki tapos ako tapos lalaki tapos babae. Oh diba? Haaay. Temptation to -_- Ang gwapo ng katabi koooo!!

Nagpakilala kami sa isat-isa. Kahit paulit-ulit na kasi nga ganito talaga first day eh di nako kinabahan. Nung pagkaupo ko bigla saking nakipagshakehands yung katabi ko. Siya si arvin tapos si zander naman yung isa kong katabi.

Grabe ang gwapo ni arvin sobra -_- Artistahin ang peg talaga. Yung mala leonardo de carpio ang peg. Ganon!

Syempre kailangang makipagshake hands. Grabeeee! Ang lambot ng kamay sobra -_- Nagchikahan na kami ni arvin. Di na nga kami nakikinig sa mga nagpakilala eh. Kaya di namin napansin na si mam na yung nasa harapan.

Sobrang magkakasundo kami neto. Bukod sa gwapo siya eh ang bait-bait pa. Waaaa! Sorry carl -_-

Pagkatapos magsalita ni mam saktong nagbell. Uwian naaaa! Kakabitin yung paguusap namin ni arvin.

Kinuha ko yung suklay ko sa bag tapos pabango. Syempre magkikita na kami ni carl eh dapat mabango. Haha. Nung pupunta nako sa upuan ni abby. Biglang may inabot na papel at ballpen si arvin.

"Penge number mo?" sabi niya sakin.

Tumingin ako kay abby at israel. Hindi sila nakatingin. Tapos sumilip din ako sa labas. Okay wala pa si carl. Sulat na dali celine.

"Salamat. I'll text you later. Bye. Ingat." paalam niya sakin sabay labas ng room.

Waaaaa! Ang gwapo niyaaaa! Teka -_- Mas gwapo si carl. Bawal magkacrush sa iba okay celine? Ehhh pero crush lang naman diba? Hanggang dun lang.

"Hoy tara na! Kinakausap mo nnaman ata sarili mo!" sabi ni israel.

Nasa harapan ko na kasi sila. Haay. Oo kinakausap ko nanaman sarili ko. Baliw na ata ako no? Haha.

Ayun paglabas namin ng room eh naghihintay na sa corridor sila alice. May sinisigawan sa baba. 4thflr kasi kami. Baka si aj yun.

Kinalabit namen sila kaya bumaba na kami.

Tumambay muna kami saglit sa light park. Kwentuhan sa mga nangyare.

"Grabe yan si badong at carl -_- Nakakahiya mga boyfriend niyo!" sumbong ni alice.

"Baket? Hahaha." sabay na sagot namin ni abby tapos tumawa.

"Eh pano ba naman sumayaw sa harapan -_- Firstday na firstday mga pabibo. Haha." sabi ni alice.

"Eh pano ikaw kaya nagsabi kay mam na nadancer kami." sabi ni badong.

Hahaha. Mga singer sila kaya pagdating sa sayawan eh nakaktawa kasi pilit na pilit talaga.

"Ano ba sinayaw nila? tanong ni abby.

"Teach me how to dougie."

Nagulat ako biglang sumigaw si abby. "Sample! Sample! Haha. Ulitin niyo!"

Tawa kami ng tawa kasi sumayaw nga sila. Haha. Nakakatawa talaga sayaw nila.

After namin magkwentuhan. Uwian na.

Nakarating ako sa bahay. Chinarge ko phone ko kasi lowbat na. Kumain na muna ko tapos tska ko tinext si carl.

Maya-maya may nagtext...

"Hi Celine! Arvin to."

First Love o True Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon